Maagang Signs na may bara sa daluyan ng dugo

Medical Team
is a Medical expert in United States

Kapag hinayaan lang ang di maayos na daloy ng dugo sa katawan, maaaring magdulot ito ng matinding pinsala sa utak, atay, puso, kamay, paa at bato.

Mahalaga rin na malaman kung may problema sa daluyan ng dugo, dahil maaaring sanhi ito ng ng pagkakaroon blood clots, diabetes o sakit sa puso. Baka maagapan at maiwasan rin ang stroke at atake sa puso, pag napansin ang mga senyales na ito.
 
Narito mga maagang signs ng may bara o mahina ang daloy ng dugo sa katawan:
 
1.     Eye bags – Kapag palagi kang may eye bags sa mata na di mawala wala, kahit di naman puyat, maaaring di maganda sirkulasyon ng iyong dugo. Pwede mo subukang pisilin ang ilalim ng mata at kapag nawala ng ilang saglit ang eye bags at bumalik din pagkatapos, malaking tsansa na ito ay sanhi ng di magandang daloy ng dugo o may bara.
2.     Pulikat – Siyempre, kapag nag exercise ka, normal lang na makaramdam ng pananakit sa kalamnan. At mas madalas nagkakapulikat ang mga may edad o matanda na. Ngunit kung wala namang dahilan at bigla kang nakaramdam ng pamumulikat, maaaring meron kang mahinang sirkulasyon ng dugo. Nangyayari ito dahil hindi nakakakuha ng sapat na dugo ang muscles ng katawan.
3.     Naglalagas ang buhok – Kapag napansin mong mas madami nalalagas na buhok mo, icheck mo rin ang iyong balat, kung nag-da-dry ito. Kung oo, maaaring sanhi ito ng mahinang sirkulasyon ng dugo. Dahil maaaring kulang sa nutrisyon ang iyong balat, sanhi ng bara sa daluyan ng dugo.
4.     Nagmamanhid ang kamay o paa – Kapag nakakaramdam ka na madalas mamanhid ang kamay o paa na parang may tumutusok tusok, maaaring mahina sirkulasyon ng dugo sa katawan. Galaw-galawin lang ang kamay at paa, para maging normal ulit ang pakiramdam. Pero kung madalas maranasan ito, kausapin ang iyong doctor.
5.     Biglang pagbagsak ng timbang – Kapag di ka naman nag-da-diet o nagpapayat at bigla ka paring bumaba ang timbang, maaaring meron kang bara sa daloy ng dugo. Una, kapag di maganda ang blood circulation, maaaring mawalan ng gana kumain. Pangalawa, pag di maayos ang sirkulasyon ng dugo, maaaring di nasisipsip ng katawan ang mga nutrisyon.
6.     Pagmamanas ng paa – Kapag napansin mong matagal na nagmamanas ang kamay o paa, maaaring sanhi ito ng poor blood circulation, o may bara sa daluyan ng dugo. Dahil di umaandar ng maayos ang kidneys at naiipon ang tubig sa ating katawan.
 
Napaka-importante na maayos ang daloy ng dugo o tinatawag na blood circulation sa ating katawan. Dahil ang dugo ang nagdadala ng oxygen at mga nutrisyon sa iba’t ibang parte ng katawan at lamang loob natin.
 
Kaya’t magpatingin sa doctor kapag naranasan ang mga sintomas ng mahinang sirkulasyon ng dugo na binanggit.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.