Maagang Signs na may Namumuong Cancer: Sintomas at Senyales ng Kanser

Medical Team
is a Medical expert in United States

Isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ang cancer. Pero madami na ngayong lunas dahil sa pagunlad ng medisina at teknolohiya, kaya't maaaring magamot ito pag naagapan.
 
Binabalaang tayo ng mga senyales at sintomas na maaaring may mali at kelangan bigyan ng pansin o atensyon.

Depende sa klase ng kanser ang mga sintomas nito, ngunit narito ang iilang karaniwang senyales o signs ng cancer:
- Bukol o pangangapal ng balat – Kapag may kakaibang tumutubo sa balat na wala naman dati, tulad ng nunal o bukol, magpatingin sa doktor, upang makasiguro na hindi ito skin cancer.
- Biglaang pagbawas o pagdagdag ng timbang ng walang dahilan – Halos kalahati ng may cancer ay nakakaranas ng biglang pagbawas ng timbang
- Pagiba ng pagdumi, tulad ng mas madalas dumumi, malambot na dumi at pananakit ng tiyan
- Hirap umihi o pananakit sa pagihi
- Palaging pagod – Kapag palaging pagod kahit pagkatapos magpahinga, magpatingin sa doktor. Nakakaubos ng enerhiya ang Leukemia at nakakaubos ng dugo ang colon o stomach cancer.
- Di mawalwalang pagubo at hirap sa paghinga – Senyales ng lung cancer ang pabalik-balik na impeksiyon sa baga, kaya’t kapag di gumagaling ang ubo, magpatingin sa doktor.
- Hirap lumunok – Maraming mga may lung cancer ang may sintomas na nahihirapang lumunok.
- Hindi matunawan o impatso
- Di mawala-wala ng pananakit ng kalamnan
- Kulani - Kapag may may impeksiyon o pamamaga o cancer, maaaring magkaroon ng kulani sa leeg, kili-kili o singit. Kaya’t maaaring magkaroon ng bukol sa balat na nakakapa. Isang dahilan ng pagkaroon ng kulani o enlarged lymph nodes ay dahil may cancer sa loob. Halimbawa, kapag sa kili-kili ang kulani, maaaring may breast cancer.
 
Maaari ring sintomas ng ibang sakit ang mga nabanggit, kayat mahalagang magpakonsulta sa doctor upang masuri. Depende ang sintomas sa ano klase ng cancer, gaano kalaki ito at kung may napektuhan bang ibang mga laman loob o parte ng katawan. Halimbawa, kapag kumalat na ang cancer o nag-metastasized, maaaring makita ang sintomas sa iba’t ibang parte ng katawan.
 
Ngunit mahalagang malaman din na maraming senyales ang di naman sanhi ng cancer. Kaya’t mahalagang magpatingin sa doktor, dahil masusuri ng doktor kung anong karamdaman ang meron at paano ito magamot o malunasan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.