Maagang Signs ng Mataas na Creatinine sa Katawan

Medical Team
is a Medical expert in United States

Mahalagang malaman ang antas ng creatinine sa katawan, para matiyak kung umaandar ba ng maayos ang ating kidney. Lahat naman ng tao ay may creatinine sa dugo, dahil ito ay dumi na sinasala ng ating kidneys, at nilalabas natin sa ihi. Kapag walang problema ang kidneys, sakto lang ang naisasala na dumi sa dugo.
 
Pero kapag sobrang taas o sobrang baba ng creatinine sa katawan, maaaring senyales ito ng iilang sakit. Halimbawa, kadalasang sanhi ng mataas na creatinine sa katawan ang problema sa pagandar ng kidney o bato. Maaaring sanhi rin ito ng diabetes, high blood pressure o sakit sa puso.

Kadalasan, mas mabilis malunasan ang mababang antas ng creatinine sa katawan. Halimbawa, maaaring sanhi ng mababang antas ng creatinine ang panghihina ng muscles, tulad ng kakulangan sa nutrisyon at protina sa kinakain. Kaya’t sa videong ito, mas bibigyang pansin natin ang mataas na creatinine.
 
Iilan sa mga sintomas ng mataas na creatinine ay ang mga sumusunod:
-       Pamamanas ng binti at paa
-       Pagbabago sa pagihi, halimbawa ang mahinang daloy ng ihi
-       Madalas pagod o nanghihina
-       Pagka-wala ng ganang kumain
-       Nasusuka
-       Hirap huminga
-       Paninikip ng dibdib
-       Mabilis na pagtibok ng puso
 
Ngunit, upang makasiguro, nasusukat ang antas ng creatinine sa katawan sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo o blood test. Maaari ring malaman ito sa ihi o urine test, ngunit kadalasang hindi na ito ginagamit.
 
Maraming maaaring sanhi ng mataas na antas ng creatinine. Iba-iba rin ang sintomas, depende sa sanhi.
Kadalasang malulunasan ito, kung natukoy ang sanhi. Halimbawa, kung high blood pressure ang dahilan, maaaring uminom ng pampababa ng blood pressure. O kung may impeksiyon sa kidney, maaaring uminom ng antibiotics.
Ngunit kung may kidney failure, maaaring mangailangan ng dialysis kasama ang paginom ng gamot, para matulungan magsala ng dumi sa daluyan ng dugo. Maaaring mangangailanngan din ng kidney transplant, kapag malala na ang kondisyon.
Ang mataas na level ng creatinine ang kailangang maagapan bago pa lumala at magdulot ng kidney failure. Importanteng maging maingat tayo sa ating mga kinakain at siguraduhing di mawawala sa ating hapag-kainan ang mga pagkaing sagana sa fibre, bitamina, at iba pang minerals na nagpapalakas at naglilinis sa ating kidney. Makakatulong din ang pagbabago sa ating nakasanayang pamumuhay gaya ng pag-iwas sa alcohol, pag-inom ng maraming tubig, at simpleng pag-eehersisyo upang mapanatili natin ang kalusugan ng ating kidneys.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.