Maagang Signs ng Sakit sa Atay: Warning Senyales ng Liver disease

Medical Team
is a Medical expert in United States

Kapag di gumagana ng maayos ang atay, maaaring magkaroon ng malalang karamdaman. Kung kaya importante na alam natin ang mga maaagang warning signs ng sakit sa atay. Mas mabilis magamot ang sakit kapag naagapan ito.

Ngunit di palaging mapapansin kaagad ang mga senyales o sintomas ng sakit sa atay. Kung meron man, maaaring makaranas ng:
·       Paninilaw ng balat at mata (o tinatawag na jaundice sa Ingles)
·       Pananakit ng tiyan o pamamaga ng tiyan
·       Mabilis magka-pasa
·       Pamamaga ng paa at bukong-bukong
·       Pangangati ng balat
·       Madilim o kulay kape ang ihi
·       Maputla ang kulay ng dumi
·       Mabilis mapagod
·       Pagsusuka o pagduduwal
·       Kawalan ng gana kumain
 
Kapag hindi ito nagamot kaagad, maaaring magkaroon ng permanenteng pinsala sa atay o sakit sa atay.
Kaya kung tingin mo ay may problema ka sa atay, mabuting magpatingin sa doctor. Kadalasan, mabilis itong magamot kung maaagapan.
Matutukoy ng doctor kung may problema sa atay base sa sintomas at resulta ng blood test.
Maraming klaseng sakit sa atay. Iilan sa mga ito ay ang:
-       Sakit dulot ng mga virus, tulad ng Hepatitis A, Hepatitis B at Hepatitis C
-       Sakit na dulot ng droga, lason o masyadong nainom na alak. Halimbawa ang fatty liver disease at cirrhosis.
-       Liver cancer
-       Mga sakit na minana sa magulang tulad ng hemochromatosis at Wilson disease.
Kadalasan nagagamot ang sakit sa atay sa pamamagitan ng pag-kontrol ng pagkain ng protein, pagbawas ng sodium o asin sa kinakain, pagiwas sa paginom ng alak o paggamot sa sanhi ng sakit. Malaking tulong din ang magbawas ng timbang, dahil namumuo ang taba sa atay.
 
Isa sa pinaka-importanteng parte ng ating katawan ang atay. Tinutulungan tayo ng liver na magtunaw ng pagkain, para mabigyan tayo ng lakas at mag-imbak ng enerhiya pag kailangan natin. Mahalagang tungkulin din ng atay na isala ang dumi sa dugo.
 
Mas maiging kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber, tulad ng avocado, mansanas, saging at iba pa. Limitahan din ang pagkain ng mga prinitong pagkain o pagkain na maraming taba. Siyempre, ang pagehersisyo ng kahit 30 minutes ng 3 beses sa isang linggo ay malaking tulong.
 
Sources/ References:

The progression of liver disease. American Liver Foundation. https://liverfoundation.org/for-patients/about-the-liver/the-progression-of-liver-disease/. Accessed December. 20, 2019.
 
U.S. National Library of Medicine. Liver Disease. (https://medlineplus.gov/liverdiseases.html) 

Sharma, A., & Nagalli, S. (2021). Chronic Liver Disease. In StatPearls. StatPearls Publishing.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.