Madalas di natin pinapansin ang mga maagang warning signs ng sakit sa bato, Mahalagang maagapan ito, dahil isa sa pinaka-karaniwang sakit sa mga Pilipino ang kidney disease. Kung hinayaan lang, pwedeng lumala at magka-komplikasyon. Pero wag magalala, dahil pag natukoy kaagad ang mga unang warning signs, maaaring magamot kaagad.
Narito ang 10 maagang warning signs ng sakit sa bato, para maagapan agad:
Matamlay o nanghihina – Kapag nahihirapan gumana ang ating bato o kidney, naiipon ang mga dumi sa dugo. Kaya’t pakiramdam mo ay nanghihina, matamlay at hirap maka-concentrate. Maaaring magkaroon rin ng anemia o kulang sa dugo.
Namumugto ang mata – Kapag madalas namumugto ang mata ng walang dahilan, maaaring senyales ito na hindi gumagana ng maayos ang kidney, dahil naiiwan ang tubig at asin sa katawan.
Hirap matulog – Kapag hindi gumagana ng maayos ang bato, hindi nasasala ang mga dumi, at napupunta ito sa ating dugo, imbes na palabas sa ihi. Kaya’t nahihirapan ka matulog.
Nanunyong balat o kaliskis – Tinatanggal ng ating kidneys ang mga dumi sa katawan. Kapag kulang sa nutrisyon at mineral ang duo, nagiging marupok ang mga buto, kaya’t nanunyo at nangangati ang balat.
Palaging naiihi - Kapag palagi kang naiihi, lalo na sa gabi, maaaring may problema sa bato. Kapag di gumagana ng maayos ang kidney, maaaring mabilis maihi. Maaaring senyales din ito ng urinary infection o lumalaking prostate sa lalaki.
Mabula ang ihi – Pag mabula ang ihi, lalo na kapag kelangan iflush ng ilang beses ang toilet bago mawala, maaaring indikasyon ito na maraming protina sa ihi.
Namumulikat – Nawawalang ng mineral at likido (electrolyte) ang katawan kapag di gumagana ng maayos ang kidney. Halimbawa, maaaring kokonti ang calcium sa katawan kaya’t madalas magka-pulikat.
Walang ganang kumain – Madaming maaaring dahilan ng kawalan ng gana kumain. Ngunit maaaring senyales din ito ng pagipon ng dumi sa katawan dahil sa panghina ng pagandar ng kidney, lalo na kapag meron ka rin ibang signs ng sakit sa bato.
Namamanas paa at bukong-bukong – Naiipon ang asin o sodium sa katawan kapag pilay ang kidney. Kaya’t maaaring mamaga ang paa at bukong-bukong dahil dito. Maaaring senyales din ito ng sakit sa puso o problema sa ugat.
Dugo sa ihi. Sinasala ng ating bato ang mga dumi sa dugo, para maging ihi. Pero kapag may problema ang pansala ng kidney, maaaring makapasok ang dugo sa ihi. Maaaring senyales din ito ng kidney stones o infection o tumor.
Bakit maraming pinoy ang nagkaka-sakit sa bato? Posibleng dahil sa mga kinakain, lalo na mga maaalat tulad ng sobra sa asin, toyo, patis, bagoong. Isa pa, dahil sa kahirapan ng buhay, maraming madalas kumain ng mababang kaledad na pagkain, tulad ng processed foods, delata, o instant noodles.
References / Sources :
Romagnani, P., Remuzzi, G., Glassock, R., Levin, A., Jager, K. J., Tonelli, M., Massy, Z., Wanner, C., & Anders, H. J. (2017). Chronic kidney disease. Nature reviews. Disease primers, 3, 17088. https://doi.org/10.1038/nrdp.2017.88
van Westing, A. C., Küpers, L. K., & Geleijnse, J. M. (2020). Diet and Kidney Function: a Literature Review. Current hypertension reports, 22(2), 14. https://doi.org/10.1007/s11906-020-1020-1
Kramer H. (2019). Diet and Chronic Kidney Disease. Advances in nutrition (Bethesda, Md.), 10(Suppl_4), S367–S379. https://doi.org/10.1093/advances/nmz011
Khan, S. R., Pearle, M. S., Robertson, W. G., Gambaro, G., Canales, B. K., Doizi, S., Traxer, O., & Tiselius, H. G. (2016). Kidney stones. Nature reviews. Disease primers, 2, 16008. https://doi.org/10.1038/nrdp.2016.8