Mabagsik na gamot sa Sentido: Lunas sa Pananakit ng Ulo

Medical Team
is a Medical expert in United States

Bagamat mukang hindi malala ang sakit ng ulo, sagabal ito sa gawain at pati sa pagtulog. Merong mga natural na gamot sa pananakit ng sentido, na sinasabing mabagsik, dahil mabilis na umepekto, di pa kelangan ng reseta ng doktor.
 
Pero bago gumamit ng gamot, maaaring masolusyonan agad ang pananakit ng sentido, kung alam mo ang ugat nito.

Kaya’t narito muna ang iilang simpleng solusyon base sa mga karaniwang sanhi:
 
Sunglasses
Maaaring makatulong ang paggamit ng sunglasses o shades para maiwasan ang pagkasilaw. Sa loob ng bahay o building, maaaring gumamit ng “polarised” o colored glasses. Malaking tulong ito sa mga taong sensitibo sa ilaw. Maaari ring bawasan ang silaw mula sa computer screen. Patayin naman ang ilaw na diretsong nakatutok sa iyo.
 
Pagkain o Diet
Ayon sa mga doktor, ang mga pagkain na gumagamit ng monosodium glutamate o MSG (vetsin) ay nagpapasimula ng sakit ng ulo. Basahin ang label ng mga pagkain bago bilhin at iwasan ang naglalaman ng MSG. 
 
Ingay
Hindi lang malalakas na tunog ang nagbibigay ng sakit ng ulo, kung hindi ang tuluy tuloy na ingay kahit mahina.
 
Tamang postura
Madalas nagsisimula ang sakit sa ilalim ng ulo o batok, aabot sa mukha, hanggang noo. Iwasang umupo ng matagal sa isang posisyon. Umupo ng tuwid at lagyan ng suporta ang likod, lalo na sa parte ng balakang.
 
Narito ngayon ang iilang mga natural na gamot sa pananakit ng sentido:
 
Humigop ng Ginger Tea
Ang ugat ng ginger o luya ay nakakatulong na maiwasan ang pananakit ng ulo at pagsusuka. Maaaring magpakulo ng tsaa na may luya.
 
Essential oils
Nakakabawas ng tension sa ulo ang paglagay ng peppermint essential oil sa sentido. Samantala, ang paglagay naman ng lavender oil sa ibabaw ng labi ay mabisa raw sa pagbawas ng migraine.
Mabibili ang essential oils sa health food stores o online stores.
 
Cold Compress
Maaaring makabawas ng pananakit ng sentido at ulo ang paglagay ng cold compress sa leeg at ulo. Dahil nababawasan ng cold compress ang pamamaga at paghigpit ng mga blood vessels. Kapag walang cold compress pack, maaaring gumamit ng plastic bag na nilagyan ng yelo. Ilagay ito sa leeg at sentido para mabawasan ang pananakit ng sentido.
 
B-Complex Vitamin
Isang mabisa at natural na gamot ang vitamin B complex laban sa pananakit ng ulo at sentido.
Isa pa, maaaring uminom ng vitamin B supplements araw-araw, o pwedeng kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin B tulad ng itlog, isda, keso at gatas.
 
Magnesium
Mabisa rin daw ang Magnesium na panlaban sa pananakit ng sentido. Dahil karaniwan sa mga taong may kulang sa magnesium, o tinatawag na magnesium deficiency, ay nagkakaroon ng pananakit ng ulo o migraine.
Ngunit maaaring may side effects ang sobrang paginom ng magnesium supplements, tulad ng pagtatae, kaya’t mas maiging magumpisa muna sa mababang dosage. Maaring kumain ng mga pagkain mayaman sa magnesium tulad ng mani at saging.
 
Tubig
Nakakasanhi ng pananakit ng ulo ang kakulangan sa tubig. May pagaaral na nagpapatunay na ang madalas na dehydration ay isang karaniwang dahilan ng pananakit ng ulo at sentido.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.