Mabagsik na Gamot sa Stress: Pagkaing pampakalma ng isip at bawas tensyon

Medical Team
is a Medical expert in United States

Meron nga bang mga pagkaing gamot panlaban sa Stress? Pagkain na nagpampakalma at nakakabawas ng tensyon sa ating pakiramdam?

Ayon sa siyensiya, meron daw mga pagkain na mistulang gamot na nakakaluwag ng pakiramdam at pangamba. Narito ang iilang mga pagkaing nakakatulong mabawasan ang stress:
 
1.     Buto ng kalabasa – Mayroong sangkap na amino acids ang laman ng buto ng kalabasa na nakakatulong maiwasan ang kalungkutan sa isipan.
 
2.     Carrots- Nakakabawas ng kaba ang pagnguya ng malulutong na pagkain. Ngunit di masustansya ang mga tsitsirya. Mas mabuting kumain ng mga carrots na hiniwa ng mahahabang piraso na parang French fries. Pwedeng i-half cook ang carrots, o pababad lang ng ilang minuto sa kumukulong tubig. Imbes na carrots, pwede rin ang celery o kintsay. Di lang malutong, masustansya at di pa nakakataba.
 
3.     Dark Chocolate – Ayon sa research, nakakababa ng stress hormones ang pagkain ng dark chocolate. Ang cocoa sa dark chocolate ay nakakapagbigay rin ng mabilisang pagbunsod ng konsenstrasyon. Kaya’t pakiramdam mo ay buhay ka at masigla. Sorry na lang at di kasama dito ang mga paborito nating milk chocolates, dahil kakaunti lang ang cocoa ang laman nito.
4.     Asparagus – Nakakapagpabuti ng kaisipan ang gulay na ito dahil may nilalaman itong serotonin, isang chemical na nagbabalanse ng ating mood.
 
5.     Niyog – May sangkap ang coconut na masustansya sa utak at nakakatulong na mapasaya ang isipan.
 
6.     Milk o Gatas - Ang isang basong gatas ay mayroong calcium na nakaka-relax ng matigas na muscles. Maaaring uminom ng gatas bago magpahinga, na nakakatulong para magkaroon ng mahimbing ang tulog.
 
7.     Yogurt – Mayaman sa calcium ang yogurt. Sa katunayan, mas marami pa ang calcium ng yogurt kaysa sa gatas. Inuudyok ng calcium ang ating utak na makadama ng masarap na pakiramdam, kaya’t maaaring magkaroon ka ng pakiramdam na parang may enerhiya ka.
 
8.     Red bell peppers – Mayaman sa nutrisyon ang mga red bell peppers, lalo na sa Vitamin A. Di lang ito nakakatulong mapabuti ang ating mood, nagpapalakas din ito ng ating resistensiya.
 
9.     Tea o Tsaa - Nakaka-relax ng nerves ang tsaa. Nakakabawas ng tensyon ang isang basong mainit init na tsaa.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.