Mabisang Pampawala ang Pesteng Langgam Sa Bahay: Pamatay pangontra Ants Kolonya

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Delikado pag may kawan na ng langgam na namamalagi na sa bahay mo.

Maliban sa kirot ng kagat nung pulang langgam, may iba pang mga problema na maidudulot ito. Posibleng ma-kontamina ng mga langgam ang pagkain o sugat sa katawan dahil kasama sa mga karga nilang butil ng pagkain ay mikrobyo. Maaari rin na makasira sila ng istraktura ng bahay dahil may mga uri ng langgam na parang anay na kumakain ng kahoy.
 
Nagkukulumpunan daw ang mga langgan sa bahay kung may parating na bagyo. Pero kung araw araw mong nakikita ang sangkatutak na langgam na nagma-martsa sa dingding o kisame, malamang may nahanap na silang tirahan sa loob ng bahay mo. Kailangang hanapin ang kanilang kolonya bago lumala ang dala nilang problema.
 
May mga tinatawag na ‘exterminators’ ng peste na gumagawa ng trabahong ito, pero di sila gaano karami dito – lalo na sa probinsya. Kung makahanap ka man, libu-libo ang gagastusin mo para mag-ispray sila ng kung ano-anong nakakalasong kemikal sa iyong bahay.
 
May mga Simple, Ligtas, at Murang Solusyon, kahit na hindi magtawag ng ‘exterminator’. Kayang-kaya solusyonan ito gamit lamang ng mga sangkap na nabibili sa palengke o supermarket. Karamihan pa nga sa mga ito ay ginagamit mo na rin sa kusina, kaya’t hindi mabigat sa bulsa. 
 
1)    Liquid Detergent / Hand Soap
Ang mabulang sabon ay epektibo sa pag-puksa sa mga langgam dahil tinatanggal nito ang kanilang ‘pheromones’, ang kemikal na ginagamit ng mga insekto para makipag-ugnayan sa isa’t isa.
Mga Sangkap:
Maghalo ng isang parte ng liquid detergent at tatlong parte ng tubig. Ibuhos sa loob ng botttle spray.
Ano gagawin?
I-spray ito sa kulumpon ng mga langgam o sa mismong kolonya. Mainam ring mag-spray nito sa mga ‘points of entry’ o lagusan ng langgam galing sa labas papasok sa bahay nyo.
 
2)    Paminta
Kung nahahatsing ka sa amoy nito, mas matindi ang epekto ng paminta sa mga langgam. Maari ding gumamit ng ibang sili gaya ng Labuyo.
Mga Sangkap:
Kung wala kang tiyaga mag-durog ng paminta sa bahay, may durog na paminta na mabibili sa palengke. Kung may sariwang sili ka naman, maaring ibilad mo ito sa araw hanggang matuyo at pulbusin ito sa blender. O maaari ring bumili ng chili powder sa grocery.
Ano gagawin?
Sabuyan ng paminta ang mga langgam o ang mga parte ng bahay kung saan sila namamalagi. Pwede ring maglagay ng paminta sa mga butas o pasukan sa iyong bahay.
 
3)    Sukang Puti
Ayon sa mga eksperto, ito rin ay isang natural na pang-puksa ng mga langgam. Maari ding gumamit ng citrus fruits gaya ng kalamansi, kahel o lemon.
Mga Sangkap:
Mas mabisa ang purong suka pero kung nagtitipid ka o hindi ka mahilig sa maasim na amoy ng suka, pwede mong ihalo ang isang tasa ng sukang puti sa isang tasa ng tubig.
Ano gawin?
I-spray ang purong suka o 50-50 solution na iyong ginawa sa kulumpon ng mga langgam. Maari ding i-spray ito sa ding-ding, sahig, lamesa, mga kabinet at kung ano-ano pa para di na lumapit pa ang mga langgam.  
 
4)    Kumukulong Tubig
Pag may nakita kang malalim na butas o lungga sa iyong hardin, malamang doon nakatira ang isang malaking kolonya ng langgam. Kahit na yung maliliit na ant hill o punso ay maaring tirahan ng sangkatutak na langgam.
Ano gagawin?
Magpakulo ng tubig at ibuhos ito sa butas. Hindi agad nito mapupuksa ang buong kolonya kaya kailangan paulit-ulit mo itong gawin.
 
Mas Mabuting Umiwas kaysa sa Maghanap ng Lunas…
Kung napansin mong may nagkukulumpunan na mga langgam sa sahig o dingding, simulan mo nang hanapin kung san sila nanggagaling. Maaari ring gawin ang mga sumusunod para di na nila maisipan pang manirahan sa iyong bahay.
 
1)    Ilabas ang mga halaman na tinitirhan nila
Gaya ng ibang insekto, nakatira ang mga langgam sa lupa. Kung may sintomas ng peste ang iyong halaman, ilabas mo na ito kaagad sa paso o lupa. Kung gusto mo pang isalba ang iyong halaman, lagyan mo ng balat ng kung anumang citrus fruit gaya ng kalamansi, kahel o limon) sa ibabaw ng lupa sa paso.
 
2)    Pigilan ang pag-pasok nila sa bahay
Putulin ang mga vines o baging ng halaman o sanga ng puno na nakadikit sa iyong bahay. Kadalasan, diyan dumadaan ang mga langgam mula sa kanilang mga punso.
 
3)    Maglinis ng Bahay
Ang pangunahing pang-akit sa mga langgam ay pagkain. Kung may matuklasan silang pagkukunan ng pagkain sa iyong bahay, maghahanap sila ng paraan na pumasok. Maliban sa patuloy na paglilinis, siguraduhing lahat ng pagkain ay nasa loob ng ref o naka-plastik o garapon.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.