Pagmamalupit at pagbabanta ng landlord

Martha Kelvin
is a call center in the Philippines

Kami po ay isang tenant sa isang condo. kakalipat lang po namin nung Sept 16. May 2 months advance and 1 month deposit po kami. so ibig sabihin po mag count po si owner ng Sept 16 to Oct 16 para singilin po kami. So sinabi ko sa kanya, "ate delay po ang pera namin baga ka naman pwede pagamit yung isang advance".

At first, pinapa alis nya kami kasi gusto nya lagi on time. Eh akin lang naman hindi sa lahat ng oras financially stable po tayo, (by the way foreigner po ang asawa ko) plus buntis pa po ako 5 weeks na. At the end wala naman sya nagawa. Ginamit na yung isang advance, so it means bayad na kami ng Sept 16 to Oct 16. so mag count sya uli oct 16 to November 16 para singilin po kami for another month. Nung dumating na po itong November 16, delay po uli yung pera namin, so sabi ko kay ate yung cheke, so dumating po ang cheke namin ng Nov 23, so nilagay na namin sa banko at nag wait kami ng 3 days para mapasok sa account namin at mabayaran si owner. But the next day po, sumakit ang puson ko at dinugo ako so yung pera na dumating nagamit sa ospital at gamot ko para lang kumapit si baby. Plus na realize namin na need mag renew ng visa ang asawa ko kasi expire na pala for 4 months.

So dumating si owner ngaung November 28, sinabi namin "ate baka pwede ka maka antay na magawan namin ng paraan kasi na ospital po ako plus nagamit sa pag renew ng visa ng asawa ko." Kaso nagalit po sya plus tumawag ng barangay. Sabi ko paraan saan? Kasi madadaan naman po ito sa mabuting usapan, na kesho ginagago namin daw namin sya.

Kung tutuusin po atty. yung utang lang naman namin is the month Oct 16 to Nov 16. Hindi pa po natatapos ang Nov 16 to Dec 16 na bilang para mag 2 months kami na utang. Kaso tumawag na po sya ng barangay, so nung andun na po kami sa admin office ng condo, ang nang yari is gumagawa na sya na kwento na kesho niloloko namin sya, na kesho kung wala kaming pambayad eh dapat di na kami nag rerenta. na dapat din daw hindi kami nang loloko ng tao.

Tapos sinabi nya pa sa admin hindi daw kami agad nag bubukas ng pintuan pag kumakatok sya (minsan po di ko naririnig pag nasa kwarto kami kasi ho, mabilis ako magising at onting ingay naiinis na ako).

So ang gusto nya mang yari is within 2 days mag bayad kami ng 20k tapos umalis na. 20k kasi daw po malapit na matapos ang month of Nov 16 to Dec 16. Nakaka sama din po ng loob na sabi nya wala sya paki kung duguin ako basta mabayaran lang namin sya. Tapos tinatanong ko po sya ng mahinahon kung nagipit na po ba sya, ang sagot nya sakin ay ganito :"Wala kang paki alam, marami akong pera". So sabi po ng head admin, wala po kami magagawa kung gusto na ng owner i-terminate yung contract, pero hindi rin tama yun na paalisin kami agad lalo na sa sitwasyon ko.

Nag hysterical na sya na kesho kailangan umalis kami agad agad now! Para syang nag papalayas ng hayop. So at the end napunta kami sa barangay kasi mas kaya nila i handle yun. Nung andun na kami sa barangay, mas lalo ako nasaktan na kesho tinawag sya ng asawa ko na evil, (kasi naman po wala naman talagang puso) na wala syang sympathy. At parang hindi sya nag hirap dati. So sabi nya wala daw karapatan ang asawa ko mag salita ng ganun, kasi pwede nya daw kami kasuhan.

Tapos sya po unang nang duduro tapos nung kami na nag papaliwag syempre natural lang may expression ka pag nag sasalita. Sabi nya wag ko daw sya duruin. Tapos gumawa sya uli ng kwento sa barangay na sinabihan ko daw sya na ate atat na ata ka na ba sa pera mo? Ganyan ka na ba kagipit? Alam ng tao sa admin na never ko sya sinabihan ng ganun, may galang ako kahit papaano.

So ganito po ang nang yari, ang naging kasunduan, may 1 month advance and deposit pa po kami duon. Willing naman kami mag bayad ng 20k kung hahayaan nya kami tapusin hanggang Dec 16 which is yung nasa kontrata. Kaso ayaw nya gusto nya mag bayad kami sa Dec 6 at umalis na din at the same time. Pag hindi daw kami mag bayad ipapakulong nya asawa ko. Bayaran daw namin ang 20k plus yung mga bills like water and electricity atsaka nya ibabalik ang natitira deposit and avance namin. Kaso nag aalala kami na baka after namin mag bayad hindi na bumalik yung advance and deposit kasi halatang willing sya gawin lahat.

Tapos binabantaan nya kami na kung hindi kami mag bayad ang pag tawag ng evil ng asawa ko sa kanya ikakaso nya, kasama na dun ang di pag bayad ng renta. sabi nya pa wala sya paki gumastos ng malaki mapakulong lang asawa ko.

Ngaun po nag spotting na naman ako kasi super nag aalala talaga ako para sa asawa ko :(   Advice naman attorney! kasi nakaka walang gana talaga mag bayad kung walang puso ang owner nyo. halos lahat ng tao sa paligid namin naawa sa sitwasyon namin, grabi talaga. mahilig pa sya mag baliktad at gumawa ng kwento. Ang tanong ko lang din po, ano ang kaso na pwede namin isampa sa kanya? Sa mga inakto nya at pag babanta. maraming salamat po at god bless

About the author

Martha Kelvin

Profession: call center
teleperformance
Philippines , bacolod , Bago

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ano po ba ang nakalagay sa inyong kontrata?

Kasi po, ang advance usually, hindi po iyang ginagamit kundi doon sa mga huling buwan. Pero hindi ko po alam kung ano ang nasa contract ninyo. Ang isa pa po, nakalagay po siguro sa kontrata ninyo na kung hindi kayo makabayad, forfeited na ang advance at deposit.

Ngayon po, dahil sa kayo ay pumasok sa kontrata, bound po kayo doon. Dapat po ay naglalaan kayo ng pambayad sa renta lalo na't kayo pala ay buntis. Hindi po kasi ninyo puedeng gawing dahilan na hindi tumupad sa usapan sa ilalim ng kontrata iyong dahilan na kayo ay buntis o nag-spotting.

Ngayon po, hindi din naman tama na kayo ay i-harass noong may-ari ng condo. Maaari kayong mag-habla sa pulis dahil sa kayo ay ginigipit sa inyong maselang kalalagayan.

Ang dapat kasi ay nagpa-issue na lamang ng post dated checksa ang inyong landlady kung ang nais niya ay hindi na maningil at kung ang nais niya ay may magagawa siya para kayo ay mapa-alis sa lalong madaling panahon.

Sa praktikal na banda, hindi ba kaya't mas magandang umalis na lamang kayo? Kasi, dagdag pa sa stress ninyo ang laging pag-katok ng inyong landlady. Baka lalo kayong duguin.

Wala akong maibibigay na sagot sa inyo. Your landlady has the right to receive rent from you. You have the obligation to pay. You signed a contract. When you signed the contract, you made a warranty that you have the means to pay the monthly rent. You cannot then use the reason that your money has not arrived or that you used the money because of a medical emergency.

If you put yourself in your landlady's place, baka siya ay nagbabayad din ng monthly installment sa condo at ang inyong rent ay bahagi noong kanyang ibabayad, so, kaya siya mainit ang ulo, dahil pati siya ay stressed out din.

I don't know. I cannot give you advice as I have not seen your contract.
Martha Kelvin
is a call center in the Philippines
ang nakalagay po sa kontrata naka pag 3 buwan ng hindi nakaka bayad ang tenant ay pwede nya itong paalisin at bibigyan ng ilang araw upang maka pag impake ng gamit, alam naman po namin na may need kami bayaran, ginagawan na po ng asawa ko ng paraan before sya pumunta dito at nag punta ng barangay. humihingi lang po kami ng kaunting panahon para mabayaran ito ngunit sabi nya wala na daw po bisa ang kontrata kahit na pirmahan pa ng abogado, kasi siya daw po ang masusunod dahil sa unit nya kami nakatira. sa kontrata po ba dapat sumunod o sa may ari na nag papaalis agad?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.