Depende.
Utang sa Pinas, may promissory note
Kung ikaw ay may pagkaka-utang sa Pilipinas at hindi mo ito mabayaran, walang kulong dito. Ang kasong kakaharapin mo ay mga kasong sibil katulad ng collection of a sum of money. Kailangan mong bayaran ang utang mo.
Utang sa PInas, nag-issue ng tseke na tumalbog
Kung ikaw ay nag-issue ng cheke para bayaran ang iyong mga utang, at hindi mo napondohan ang mga tseke, maaaring makasuhan ka ng violation of B.P. 22 or Bouncing Checks Law. Dahil sa ito ay isang criminal na kaso, ito ay may parusang imprisonment at fine. Bukod dito, babayaran mo pa din ang utang.
Utang sa GCC, may promissory note
Sa mga bansang sumasailalim sa GCC o Gulf Cooperation Council, katulad ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Bahrain and Oman, MAKUKULONG KAYO DAHIL LAMANG SA PAGKAKAUTANG.
Oo, kung kayo ay may utang sa isang bangko, lending investor, private na tao, o sa credit card company, maaari kayong makulong. Dahil sa puede silang mag-file ng complaint sa police laban sa inyo at magfile din ng kaso para makuha mula sa inyo ang inutang ninyo, pati na ang mga interest, penalty at surcharge at mga court costs.
May mga ibang OFW na tinatakbuhan ang kanilang mga utang tumatawid sila at pumunpunta sa ibang bansa sa Middle East para doon ay magtrabaho. Hahabulin po kayo ng inyong mga pagkaka-utang.
Paano?
Bagamat magkaka-iba ang gobyerno ng mga bansang Arabo, sila po ay nagshi-share ng kanilang mga police records. So, kung ang pinagkaka-utangan ninyo ay nagfile na ng habla sa police laban sa inyo, ang habla ay lalabas sa mga computer nila sa immigration.
Maaari kayong pigilin sa mga border at airport, lalo na kung ang airline na inyong sinakyan ay iyong may mga biyahe sa GCC countries kung saan kayo ay may utang. Kahit na kayo ay doon pa magtrabaho sa EU countries, mahahabol pa rin kayo ng mga police complaints laban sa inyo dahil sa hindi pagbabayad ng utang sa mga bansa sa Middle East.
Kayo po ay iho-hold hanggan sa maipakita ninyo na inyong nabayaran na ang inyong mga utang. At malamang sa kayo ay ide-deport at dadalhin pabalik sa bansang inyong iniwan para doon ay humarap sa mga kasong isinampa laban sa inyo.
Ang isang bansa na pinaka-masugid ang paghahabol sa mga hindi nagbabayad ng utang ay ang United Arab Emirates. Sila ay naghahabol gamit ang mga computer sa immigration. At kung kayo ay nagbigay ng kopya ng inyong pasaporte o inyong mga personal details katulad ng inyong name, date and place of birth, kahit bago na ang passport ninyo, puede pa rin nila itong ma-trace dahil sa ang mga details ninyo ay hindi naman nabago.
Ano ang dapat gawin para maiwasang mapigilan sa mga airport dahil sa pagkaka-utang? Lalo na kung bayad na ang mga ito?
1. Kung kayo’y aalis ng UAE or anumang GCC country na may mga di-bayad na utang, kung maaari ay inyong sabihan ang mga pinagkaka-utangan na kayo’y aalis. Lalo na kung kayo’y aalis dahil sa kayo’y nagkasakit o dahil sa ibang mahigpit na mga kadahilanan na hindi naman ninyo ginusto.
2. Makipag-usap ng masinsinan at kung maari ay humiling ng isang payment or settlement plan. Humiling kayo ng isang sulat mula sa pinagkakautangan na sila’y pumapayag na i-settle ninyo ang inyong utang at doon ay ilathala ang inyong planong pagbabayad.
3. Kung kayo ay nangako na babayaran ang inyong utang gamit ang payment or settlement plan, tuparin ninyo ang inyong pangako. Magbayad ng regular.
4. Siguraduhing mayroon kayong prueba ng inyong mga binayaran. Kung kayo’y nagdeposito ng pera bilang kabayaran ng inyong utang, itabi ang mga deposit slip. Kung kayo ay magpapadala ng pera, siguraduhing humingi kayo ng resibo para doon sa inyong mga bayad.
5. Kapag natapusan na ninyong bayaran ang inyong buong pagkaka-utang, manyaring humingi kayo ng clearance. At kung maaari, humingi kayo ng ebidensiya na iniurong na ng pinagkaka-utangan ninyo ang mga kaso sa police laban sa inyo.
6. Ang letter of clearance o letter ng pag-aatras ng demanda laban sa inyo ang prueba ninyo para kayo ay hindi mapigilan ng police sa mga immigration.