MALABONG MATA: Natural na Lunas para MAAGAPAN

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ilang daang taon na ang nakaraan, ginagamit na ng ating mga ninuno ang mga teknik sa mata bilang natural na gamot sa problema sa paningin. Halimbawa, maraming mga tao ngayon ay halos nakatutok buong araw sa computer o cellphones na nagdudulot ng tinatawag na ‘Digital eye strain’.

Mukang hindi kapanipaniwala, ngunit totoo na nakakatulong ang eye exercises sa paggamot ng iilang problema sa panlalabo ng paningin. Katulad ng ibang muscles sa ating kataan, ang mga muscles sa mata ay kailangan din ng ehersisyo kung hindi ay mamamatay ang mga muscles. Kaya’t importante na aktibo ang mga muscles ng mata araw araw. Ang iba pang benepisyo ng pagehersisyo sa mata ay ang mga sumusunod:
-       Nakakabawas ng stress at nakaka-relax ng eye muscles
-       Nakakapagpatibay ng mata
-       Nag-iimprove ang panigin sa loob lamang ng ilang linggo.
 
 
Narito ang ilang eheresisyo na makakatulong maagapan ang panlalabo ng mata:
 
Ang 20-20-20 rule
Ang mata ng tao ay hindi dapat naka-tutok sa isang bagay ng matagalan. Halimbawa, kung nagtatrabaho ka gamit ang computer buong araw, nakakatulong ang 20-20-20 rule para maiwasang mapagod ang mata na nagdudulot ng panlalabo. Paano ito gawin? Kapag nakatutok sa isang gawain, huminto bawat 20 minutos at tumingin sa kahit ano na may distansya ng mga 20 talampakan. Tumingin ng mga 20 sekundo ang tagal.
 
Pumikit pikit
Mas madalang tayo pumikit kapag nakatutok tayo sa TV o computer screen. Kapag nakaramdam ka ng panunuyo ng mata o nagsisimulanng sumakit ang ulo, huminto at subukang pumikit pikit ng konti.
 
Pag-relax gamit ang Palad
Ipikit ang mata at dahan dahang itakip ang mata gamit ang palad. Siguraduhin lang na may puang at hindi nakalapat ang palad sa mata.  Gawin ito ng mga 30 sekundo, hangga’t wala ka nang makitang natitirang larawan na huli mong nakita. Siguraduhin na hindi dumikit ang palad sa mata at hindi ito idiin.
 
Hugi Otso
Isipin mo na may malaking number 8 na pahiga sa harapan mo, na ang layo ay mga 10 talampakan. Dahan dahan sundan ng mata ang linya ng numero. Gawin ito ng ilang beses sa loob ng mga 30 sekundo. Pagkatapos sundan naman ang numero otso ng pabaliktad na direksyon. Kailangang nakaupo habang ginagawa ito.
 
Iikot ang Mata
Tumingin sa kanan at kaliwa ng ilang beses na hindi ginagalaw ang uo. Pagkatapos tumingin sa taas at ibaba naman na hindi pa rin ginagalaw ang ulo. Gawin ito ng ilang beses.
 
Malapit at Malayo
Hawakan ang isang ballpen ng mga 10 pulgada mula sa iyong mukha. Ipokus ang paningin dito ng mga 10 sekundo. Pagkatapos tumingin sa isang bagay na may layo ng mga 10 talampakan at tumingin dito ng karagdagang 10 sekundo. Ibalik na naman ang paningin sa hinahawak na ballpen. Gawin ito ng mga 5 beses. Mabuti ito sa taong nagsasalamin. Tanggaling muna ang salamin o antipara bago gawin itong exercise. Kailangang nakaupo pag ito gagawin.
 
Tinutulungan ng mga eye exercises na patibayin ang mga mata, makapokus ang paningin, at mapadali ang paggalaw ng mata. Habang ine-ensayo mo ang iyong mga mata, natuto kang icontrol ang mga muscles sa iyong mata at maging tama at maayos ang panigin.

Ang ehersisyong ito ay depende sa edad at kondisyon ng mga mata.
Hindi man siguradong makakatulong ang mga eye exercises sa iyong paningin, makakatulong ito sa guminhawa ang nararamdamang di maganda. Kapag mayroon kang mga karaniwang problema sa mata tulad ng myopia o nearsigtedness o hyperopia o far sightedness o astigmatism, siguro hindi magagamot ito ng eye exercises.
 
Ngunit importante rin na magpa-check up o eye exam kapag may nararanasang problema sa panigin.
Depende sa problema ng iyong mata, maaaring kumonsulta sa 2 klaseng doktor:
Ang mga Ophthalmologists ay mga doctor na espesiyalista sa pagaalaga ng mga mata. Nakakapag reseta sila ng mga gamot para sa pagalaga at gamot sa sakit sa mata at nagoopera rin sila ng mata.

Ang mga Optometrists naman ay nakakapagbigay ng pagsusuri tungkol sa mga karaniwan na mga sakit ng mga mata, ngunit hindi sila nakaka-opera ng mata.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.