Malakas po ba ang aking ebidensya? Pwede ba gamiting ang chat messenger messages bilang ebidensiya na may kalaguyo ang asawa ko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hingi po sana ako ng legal advice kung pwede kong kasuhan ang aking asawa at kalaguyo niya. Eto po ang kwento ko:
Apat na taon ng nakakaraan nagsend sa akin ng screenshot ang anak ko dahil may nakita siyang conversation ng asawa ko at ng isang pastor na kagawad. Ang nakalagay eh "Ano ang hirap mo ng hagilapin..ayaw mo naman makipaghiwalay". Kinausap ko ang asawa ko tungkol dito at yung lalake...sabi nung asawa ko na hindi raw siya yun at na hack daw acct niya or cp niya. Hindi lang ako sure kung ano yung nahack..yung lalake inamin niyang siya ang chinat pero nagulat lang siya doon sa message ng asawa ko na bakit may word na hiwalayan...nakarating sa asawa ng babae tong nangyari...so sa madaling salita dahil mahal ko ang asawa ko kahit alam kong nagsisinungaling siya naninawala ako.

Between 2013 or 2014 nangyari yan.....eto ngayun sa kasalukuyan...sinanla ng asawa ko cp niya dahil kapos daw kami. So ginagamit niyang pangchat yung laptop ng anak ko (yung anak kong nakahuli noon sa chat nila). Nagtaka siya kung bakit may ibang acct doon sa laptop niya so binuksan niya ang fb account. Ang name ng acct eh lalake. Then binuksan niya yung messenger nakita niya may conversation ang kausap ng bogus na lalakeng account eh yung pastor na kagawad na unang nahuli na ng anak ko sa chat. At ang usapan eh tungkol sa kanilang dalawa....pang lalake at babae...pang jowa...pang kabet..ang sagwa ng nabasa ko.. meron pang conversation doon na nagbibigay ng pera ang asawa ko doon sa pastor..at meron pang word na kabet...kabet ka lang mabait ka lang sakin kapag nasa kama tayo.......at hindi matatatwang sila ng asawa ko ang magkachat dahil nabanggit doon yung name ng anak kong nakahuli ang sabi eh.." ikaw kasi eh ang yabang yabang mo hindi ka nagbubura ayan tuloy nasend ng anak mo ( binanggit yung name ng anak ko). So lahat ng mga conversation nila sinend sakin ng anak ako.

So hinarap ko yung asawa ko..as usual hindi aamin at hindi raw niya acct yun. Eto po ang tanong ko: Meron po bang patutunguhan kapag nagsampa ako ng kaso? Mahina po ba ang ebidensya ko? Gusto ko po kasing makamit ang katarungan yung mahabang panahong ginago at niloko nila ako....dito po ako ngayun sa Saudi...balak ko po sanang magdemanda pagdating ko ng December...meron po bang pagasang manalo ako sa kaso or pwede nila akong baligtarin at kasuhan ng paninirang puri?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Well magagamit mo yan as evidence if you can establish beyond reasonable doubt na conversation talaga yan ang husband mo and ng kanyang kalaguyo. Maaring makasuhan siya under RA 9262 kung sa pangyayari na yan it has caused psychological abuse. Mas mabuti if mayroon pang ibang ebidensya na makukuha other than this conversation. Pwede naman pong ireport ninyo ito sa Police at magpaassist sa pagpafile ng complaint sa office of the prosecutor ng sa ganun hindi na kukuha ng private lawyer. Para maiwasan na baligtarin at makasuhan ng libel iwasan ang pagpopost ng mga paninirang puri o anumang makakasama sa reputation ng kalaguyo.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.