Malupit na Natural na GAMOT Pampaantok

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nahihirapan ka ba makatulog kahit na pagod? Nagigising ka ba sa hating gabi at hindi na ulit makatulog? Ang insomnia o di makatulog, ay isang pangkaraniwang problema na nakakasama sa iyong kalusugan. Nakakabawas rin ito ng iyong enerhiya at kakayahang magtrabaho sa umaga.

Narito ang mga natural na gamot pampatulog:
· Magnesium - Ang Magnesium ay isang sangkap na nakakapagpaayos ng tulog. May magnesium ang ating katawan. Ngunit maaaring magkulang sa magnesium kapag kulang ang kinakain na sustansya o nutrition.
Nakakatulong ang magnesium sa pagtulog dahil nakaka-relax ito ng muscles at nakakabawas ng stress. Ang kakulangan ng magnesium sa utak ay maaring magdulot ng pagkabalisa ayon sa pagsasaliksik. Maaaring makakuha ang magnesium sa mga pagkain, tulad ng mga berdeng gulay, mani, cereal, buto ng kalabasa at isda.
 
· Lavender. Ayon sa mga research, ang lavender oil ay nakakakalma at nakakatulong magpahimbing sa mga taong may insomnia. Subukang maligo sa maligamgam na tubig na may kasamang lavender oil bago matulog para makapagrelax katawan at utak. O kaya pwedeng amuyin ang lavender oil bago matulog. Maaari ring ilagay ang lavender oil sa air diffuser.
Nabibili ang lavender essential oil sa mga health stores o online stores. Mainam na piliin ang 100% pure lavender essential oil, at hindi yung may synthetic.
 
·  Nakaka-relax na music
Halimbawa, may nadisklubreng tinatawag na binaural beats na nakakatulong magpaantok. Sa iilang pagaaral, napatunayan na maaaring may epekto ang pakikinig ng binaural beats para sa pampakalma at pampaantok. Kadalasang pinapakinggan ang binaural beats ng mga 30 minuto habang nakapikit ang mata at nakahiga o nakarelax ang katawan. Itong background music ay halimbawa ng binaural beat.
 
· Regular na ehersisyo
Ang madalas na pagehersisyo ay nakakapagpalakas ng ating katawan at kalusugan, na nakakatulong magkaroon ng mahimbing na tulog. Base sa pagaaral, ang pagehersisyo ng 2.5 oras bawat linggo ay nakakatulong malabanan ang pagkalungkot at kakulangan ng pagtulog.
Maaaring maglakad o mag-yoga sa umaga o hapon, at di gabi. Para pag dating ng gabi, bumaba na temperature ng ating katawan.
 
· Pagligo ng maligamgam na tubig
Maligo ng maligamgam o medyo mainit na tubig ng mga 1.5 oras bago matulog, para ma-relax ang katawan.
 
· Tamang nakasanayan – May mga tamang paguugali na nakakatulong para mahimbing at tuloy tuloy ang ating pagtulog. Halimbawa, sikaping matulog ng halos parehas na oras gabi gabi. Iwasan din ang cellphones o tablets sa kama o bago matulog, dahil nakakasira ng pagkaantok ang blue light ng cellphones. Takpan ng kurtina mga bintana para madilim ang kwarto o kaya gumamit ng eye masks.
 
Ang mga natural na remedyo o pamamaraan upang makatulog ay epektibo naman subalit kung malala na ang iyong insomnia at palagi kang napupuyat, lalo na kung ito ay tumatagal ng ilang linggo, mas makabubuting kumunsulta sa iyong doctor.
 
Hartescu I, Morgan K, Stevinson CD. Increased physical activity improves sleep and mood outcomes in inactive people with insomnia: a randomized controlled trial. J Sleep Res. 2015 October;24(5):526-34. doi: 10.1111/jsr.12297. Epub 2015 Apr 21. PMID: 25903450.
 
Lee, Minji et al. “Possible Effect of Binaural Beat Combined With Autonomous Sensory Meridian Response for Inducing Sleep.” Frontiers in human neuroscience vol. 13 425. 2 December. 2019, doi:10.3389/fnhum.2019.00425
 
Abbasi, Behnood et al. “The effect of magnesium supplementation on primary insomnia in elderly: A double-blind placebo-controlled clinical trial.” Journal of research in medical sciences : the official journal of Isfahan University of Medical Sciences vol. 17,12 (2012): 1161-9.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.