May bisa po ba ang sulat na pinapirma ng bayaw ko sa byenan ko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang lupa po ay ipinangalan ng byenan ko sa aking mr. Habang nasa abroad kami pinatayuan ng bahay ng aking bilas, sinabihan kami ng byenan kong babae na palayasin ang bilas ko nung umuwi kami last year na sinunod naman ng mr ko. Normal na magalit ang bilas dahil gumastos na siya sa bahay nila. Paguwi ng mr niya, pinapipirma nila ang byenan kong lalaki para katibayan na binigay na sa kanila yung part ng lupa. Ano po ang chances na manalo kami sa kaso at maevict ang bilas ko.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang ibig mo bang sabihin nakapangalan na ang lupa sa Mr. ay title na ito ? Nakadepende kasi kung anong klasing kasulatan ang napirmahan para mailipat ang title sa Mr. mo. Is it by way of donation or deed of sale kasi mga mga formalities sa instrument na dapat sundin. If they can prove na hindi valid ang pagkatransfer pwede nilang maannul yan. However, if valid naman mas lamang kayo dahil ang title will serve as your best evidence na kayo ang tunay na nagmamay ari ng nasabing lupain therefore, pwede ninyo maipa eject yong bilas ninyo dahil wala naman siyang katibayan na siya ang nagmamay ari. Yong nasabing document na pinermahan ng byenan mong lalaki ay walang bisa na ito kung mas nauunang nakapangalan na ang titulo sa husband mo.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hindi din po alam ng Mr ko kung paano at bakit sa kanya ipinangalan ang titulo ng lupa, 2001 pa po nailipat sa pangalan niya bilang panganay po siguro. Nakiuna lamang po ang bilas ko na magpatayo ng bahay sa nasabing lupa habang kami ay nakatira pa sa abroad, ang byenan ko po ang nagbigay ng pahintulot sa kanya. Ang Mr ko naman po ay wala intensyon solohin ang lupa, pinangangalagaan lang po niya ang karapatan pa ng iba niyang kapatid dahil ang pinatayuang parte ng bilas ko ay sa tabi ng kalsada at iginitna pa ang bahay, na sa paniwala namin ay plano niyang kunin ang magkabilang side para sa mga anak niya at sa likuran na lang ang pgpartehan ng ibang mgkapatid kasama na mr ko.

Ngayon po ay sila ang naghahamon na paalisin namin sila legally, para maging pera po ang bahay nila dahil ipapabayad nila sa amin.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.