Ano gamot o lunas sa Pilay pagkapwersa? Hilot, Albularyo manggagamot

Medical Team
is a Medical expert in United States

Napilayan o nalinsad na mga buto o litid

Ang pagkalinsad ay isang pinsala sa litid – isang lugar kung saan nagtatagpo ang dalawa o higit pang mga buto mo – kung saan ang dulo ng mga buto ay naaalis sa kanilang normal na mga posisyon. Ito ay isang napakasakit na kondisyon na temporaryong nakakasira ng hugis at nakakaharang sa tamang paggalaw ng litid.

Ang pagkalinsad ay pinakakaraniwan sa mga balikat at daliri. Ang ibang lugar ng pagkalinsad ay ang siko, tuhod at balakang. Kung ikaw ay naghihinala ng pagkalinsand, humingi agad ng tulong sa doktor para maibalik ang iyong mga buto sa dating posisyon.

Kapag nagamot ng maayos, karamihang mga kaso ng pagkalinsad ay bumabalik sa dati nilang gamit pagkatapos ng ilang linggong pahinga at gamutan. Subalit ang ibang litid tulad ng iyong balikat ay may panganib na paulit ulit na malinsad.


Ang isang nalinsad na litid ay maaaring:

- Makikitang mawawala sa porma o wala sa lugar

- Namamaga o umiiba ang kulay

- Sobrang masakit

- Hindi maigalaw

Maaari ka ring makaranas ng pangingilig o pamamanhid malaip o sa baba ng pinsala – tulad ng sa iyong paa sa nalinsad na tuhod o sa kamay kung ito ay nalinsad na siko.

Kailan magpapatingin sa doktor

Maaaring mahirap matukoy ang nabaling buto sa nalinsad na buto. Kung ikaw o ang iyong anak ay mukhang may kahit isa sa dalawang pinsala, humingi ng medikal na tulong agad agad. Kung posible, lagyan ng yelo ang mga litid at huwag galawin habang naghihintay ng manggagamot.



Dahilan o bakit mayroon akong pilay?

Ang pagkalinsad ay nangyayari sa mga contact sports tulad ng football at hockey, at sa mga larong may mga pagkabagsak, tulad ng downhill skiing, gymnastics at volleyball. Ang mga basketbolista at futbolista naman ay karaniwang nalilinsad ang mga litid sa daliri at kamay sa aksidenteng pagkatama sa bola, sa lupa o sa ibang manlalaro.

Ang matigas na pagkatama sa litid sa isang aksidente sa motor ay isa pang karaniwang dahilan ng pagkalinsad, dahil sa pagtama ng nakainat na kamay sa pagkahulog.



Mga panganib

Ang maaaring maging panganib na nakakapagdulot ng pagkalinsad ay mga:

- Pagkasusceptible sa pagkatumba. Ang pagkaranas ng pagtumba ay naglalagay sa iyo sa panganib ng pagkakalinsad ng litid, lalo na kung gagamitin moa ng iyong kamay para pigilan ang sakit ng pagkabagsak o kung ikaw ay bumagsak sa isang parte ng katawan tulad ng iyong balakang o balikat.

- Namamana. May ilang taong pinapanganak na ang mga litid ay maluluwag at mas malaki ang lugar para mapinsala kumpara sa karamihan ng mga tao.

- Paglalaro ng sports. Karamihan ng mga pagkalinsad ay nangyayari habang naglalaro sa mga high impact o contact sports tulad ng gymnastics, wrestling, basketbol o futbol.

- Aksidente sa sasakyan. Ito ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkalinsad ng balakang, ngunit mababawasan ang panganib ng iyong pinsala kung magsusuot ka ng seatbelt.



Mga kumplikasyon

Ang kumplikasyon ng isang nalinsad na litid ay:

- Pagkapunit ng kalamnan, at mga litid na nagbibigay presyon sa napinsalang lugar.

- Napinsalang ugat sa pinasala o sa paligid ng pinsala

- Panganib na masaktan ulit lalo na kung malala ang pagkalinsad o paulit-ulit na pagkalinsad

- Pagkabuo ng arthritis sa apektadong lugar sa pagtanda

Kung ang mga litid na sumusuporta sa napinsalang parte ay nainat o napunit, o kung ang mga ugat sa may litid ay napinsala, maaaring mangailangan ng operasyon para maayos ito.



Mga Pagsusulit at Diagnosis

Bukod sa panlabas na pagsuri sa napinsalang lugar, maaari ding gawin ng doktor mo ang mga sumusunod:

1. X-ray. Ang X-ray ng iyong litid ay ginagamit para makumpirma ang pagkalinsad at makakapagpakita ng nabaling buto at iba pang pinsala sa litid.

2. MRI. Ang Magnetic Resonance Imaging o MRI ay makakatulong sa iyong doktor para suriin ang pinsala sa malambot mong kalamnan sa paligid ng nalinsad na litid.



Gamutan

Ang paggamot ng pagkalinsad ay depende sa lugar at pagkalala ng pinsala at maaring mangailangan ng:

Pagbabawas o reduction. Sa prosesong ito, maaaring galawin ng marahan ng iyong doktor para tulungan ang iyong buto na bumalik sa dating posisyon. Depende sa laki ng sakit o pamamaga, baka mangailangan ng anesthesia bago manipulahin ang iyong buto.

Immobilization o ang hindi paggalaw. Matapos maibalik ang iyong buto sa dating posisyon, pagbabawalan ng iyong doktor ang iyong mga buto na magalaw ng ilang linggo gamit ang sling o splint. Kung gaano mo man katagal suotin ang splint o sling ay depende sa litid na napinsala at ang pinsalang natamo ng mga ugat at kalamnan mo.

Operasyon. Maaaring mangailangan ng operasyon kung hindi kayang magalaw pabalik ng iyong doktor sa tamang posisyon o kung ang mga ugat sa paligid ay napinsala. Ang operasyon ay kakailanganin din kung paulit-ulit ang pagkalinsad, lalo na ng iyong balikat.

Rehabilitasyon. Matapos tanggalin ang iyong splint o sling, kakailanganin mo dahan dahang rehabilitasyon na ginawa para maibalik ang dating galaw ng iyong litid.

Gamot Pambahay

Subukan ang mga paraang ito para mabawasan ang sakit at matulungang gumaling ang pagkalinsad matapos gamutin ang nalinsad mong parte ng katawan:

1. Pagpahingahin ang nalinsad na litid. Huwag ulitin ang galaw o gawain na naging dahilan pagkalinsad nito at iwasan ang masasakit na galaw.

2. Lagyan ng init o yelo. Ang paglagay ng yelo sa iyong napinsalang litid ay nakakabawas ng pamamaga at sakit. Gumamit ng cold pack sa loob ng 15 hanggang 20 minuto sa bawat beses. Sa unang araw o ikalawa, gawin ito ng ilang beses sa isang araw. Matapos ang dalawa o tatlong araw, kung mas kaunti na ang sakit at pamamaga, ang hot pack o heating pad ay makakatulong sa mahigpit at nananakit na kalamnan. Limitahan ang paggamit nito ng hanggang 20 minuto lang.

3. Uminom ng pain reliever. Ang mga over-the-counter na gamot tulad ng ibuprofen (Advil, Motrin IB, atbp.), naproxen (Aleve) o acetaminophen (Tylenol, atbp.), ay maaaring makabawas ng sakit.

4. Panatilihin ang galaw sa iyong litid. Matapos ang isa o dalawang araw, gumawa ng kaunting mga simpleng ehersisyo na itinuro ng iyong doktor o physical therapist para mapanatili ang galaw ng napinsalang litid. Ang hindi paggalaw ng litid ay nagdudulot ng matigas na litid.



Pagpigil sa pilay o pagkapwersa

Para maiwasan ang pagkalinsad:

1. Mag-ingat na hindi ka mahulog. Ipakonsulta ang iyong mata ng regular at kung ikaw ay umiinom ng gamot, tanungin ang iyong doktor kung maaaring magdulot ng pagkahilo ang mga ito. Karagdagan pa, siguraduhing naiilawang mabuti ang iyong bahay at tanggalin ang mga maaaring maging dahilan ng pagkatisod sa lugar kung saan ka naglalakad.

2. Maingat na maglaro. Magsuot ng inererekomendang kasuotan kapag naglalaro ng contact sports.


3. Iwasang maulit ito. Kapag nalinsad mon a ang isang litid, maaari pang maulit ito sa hinaharap. Para maiwasan ito, mag ehersisyo ng strength at stability exercises na inererekomenda ng iyong doktor para mapalakas ang suporta ng iyong litid.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.