BAWAL KAPE [Ikalawang Bahagi]

Abigail Rose Labaddan-Princesa
is a Medical expert in the Philippines


B-A-W-A-L K-A-P-E


K – Kaalaman sa kalusugan at nutrisyon, gawin at palaganapin

Maging maalam pagdating sa kalusugan at nutrisyon. Makinig sa mga payo ng mga eksperto. At huwag lamang pakinggan, gawin mo rin ang mga ito, una sa sarili mo at sa iyong pamilya. At ibahagi mo rin sa iba. Knowledge is power at health is wealth ika nga.


A – Agwatan ang pagbubuntis at planuhin ang panganganak

Tatlo (3) hanggang limang (5) taong agwat ng pag-aanak ang bagong rekomendasyon ng DOH. Sapat na panahon ito upang makabawi ang katawan ng ina sa lahat ng tubig, dugo, sustansya at lakas na nawala sa kanya sa pagbubuntis, panganganak, pagpapasuso at pag-aalaga ng bata. May natural at artificial family planning methods na pwedeng gamitin upang maiwasan ang ‘di-planadong pagbubuntis.


Siyam (9) na buwan ang pagbubuntis. Siyam na buwang paghahanda - saan manganganak, sino’ng magpapa-anak, ano’ng sasakyan papunta sa paanakan, anu-ano ang mga dadalhin, sino ang sasama sa buntis, kanino pwedeng iwanan ang ibang mga anak, atbp. Bawal nang manganak sa bahay at sa hilot. Para mas makasiguro, manganak sa lisensyadong paanakan at sa midwife, nurse o doktor. Mahirap ibakasakali na lamang ang buhay ng ina at ng sanggol.


P – Pakuluan ang tubig inumin at panluto

Ang kontaminadong tubig ay maaaring maging sanhi ng pagsusuka, pagtatae, atbp. Kahit mukhang malinaw ang sinalang tubig, maaaring may mga mikrobyo pa rin itong hindi nakikita ng mga mata. Upang makasigurong patay ang lahat ng mga bacteria, spores, mga bulate at itlog nito at iba pang mga masasamang elemento ay siguraduhing kumulo nang 30 minuto ang tubig inumin AT panluto. Pati ang panluto dahil hindi naman tayo nagsasaing o nagluluto ng sinigang na isda, atbp. nang umaabot sa 30 minuto, hindi ba? Pwede ring bumili na lang ng tubig sa water refilling station kung meron. Isama na ito sa regular na budget ng pamilya.


E – Espiritwal na kalusugan, pahalagahan

Sabi ni Jesus, “Hindi lamang sa tinapay mabubuhay ang tao, kundi sa bawat Salitang lumlabas sa bibig ng Diyos”. Sinabi rin Niyang, “Ako ang Daan”. Ang sabi pa Niya, “Lumpit kayo sa Akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha at kayo’y Aking pagpapahingahin”. At sinabi pa rin Niyang, “Narito Ako’t nakatayo sa pintuan at tumutuktok. Ang sinumang duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya at magkasalo kaming kakain”.


Ang tao ay natural na makasalanan at ang hilig ay paluguran ang sarili. Matindi ang hatak ng katawan. Madaling sumunod sa mga layaw nito - masarap at masaya sa simula subalit sa dulo nama’y sakit at kapahamakan ang kahihinatnan. Kaya’t kailangan natin ng mas mataas na kapangyarihan na humawak sa atin upang malabanan ang tukso. Sa sarili lamang natin ay wala tayong magagawa. Subalit sa Diyos, walang imposible.


Maaari mo ring subukang magbago sa sarili mong lakas at determinasyon pero ang tunay na pagbabago ay mapapanatili lamang ng lumalagong ugnayan kay Kristo. Ang sa Kanya’y panyaya lamang. Nasasaiyo pa rin kung iyo Siyang papapasukin at susundin.


Para i-summarize, narito uli ang ibig sabihin ng B-A-W-A-L K-A-P-E:


B – Bottle-feeding ay mapanganib para sa sanggol


A – Alisin ang mga kemikal (Caffeine, Alcohol, Nicotine, MSG)


W – Wag magpalipas ng gutom


A – Antibiotic, huwag abusuhin


L – Limitahan ang alat, taba, tamis at preservatives


K – Kaalaman sa kalusugan at nutrisyon, gawin at palaganapin


A – Agwatan ang pagbubuntis at planuhin ang panganganak


P – Pakuluan ang tubig inumin at panluto


E – Espiritwal na kalusugan, pahalagahan


Mapapansing ang mga nasa “BAWAL” ay mga bawal o dapat iwasan o huwag gagawin – bottle-feeding, mga kemikal (caffeine, alcohol, nicotine, MSG), pagpapalipas ng gutom, self-medication at sobra-sobrang alat, taba, tamis at preservatives. Ito ang “DON’Ts”. Iyon namang mga nasa “KAPE” ay mga dapat gawin o ang “DOs” – Kaalaman sa kalusugan at nutrisyon, pagpaplano ng pamilya, pagpapakulo ng tubig inumin at panluto, at pagpapahalaga sa espiritwal na kalusugan.

Achieving an ideal weight is everybody's goal. It doesn't merely help us boost our confidence but more than this, it helps us maintain a normal health status and minimize the risk of developing various diseases. However, though you hear several positive feedbacks about a specific type of diet, whether that diet helps a person to lose pounds or obtain that waistline and a curvy look of a top model, that doesn't mean that it is also applicable to you. Sometimes, you just need to follow basic routines to lose weight. Here are some helpful tips to guide you:

<!--[if !supportLists]-->1. Start your day and every meal with a glass of water. As soon as you wake up, gulp down a glass of cool water. A glass of water lets out all your digestive juices and sort of lubricates the insides of your body. It also helps in flushing out the toxins in your body and in decreasing the amount of your food intake as it occupies space in your stomach and make you feel fuller.

2. Avoid sweetened bottle drinks, especially sodas because they contain sugar and sugar means calories. The more you can cut out on these sweetened bottle drinks, the better for you. If you really want to drink sodas, then stick to diet sodas.

3. Choose fresh fruit to processed fruits. Processed and canned fruits do not have as much fiber as fresh fruit and processed and canned fruits are nearly always sweetened.

4. Eat just what you need. Do not let yourself indulge in food that you just want. Keep an eye on everything that goes in your body. As the saying goes, eat to live, don't live to eat.

5. Eat high protein meal in the morning.

6. Chew food thoroughly for better digestion and assimilation

7. Do not eat for at least 3 hours before bed. Avoid night time snacks.

8. Get used to small frequent feeding.

9. Include all the food groups.

10. Three meals and 2 snacks per day are encouraged.



Ito ang mga dapat at hindi dapat gawin -- mga payo ng doktor at iba pang manggagawang pangkalusugan upang makaiwas sa mga sakit. Tandaang, “prevention is better than cure.”


BAWAL KAPE! BAWAL KAPE! BAWAL KAPE!


May tanong po ba?

About the author

Abigail Rose Labaddan-Princesa

Graduate of BS Community Nutrition at UP-Diliman in 2004 Registered Nutritionist-Dietitian since 2005 Dietetic Resident at UP-PGH in 2007 Nutritionist-Dietitian at the Nestle Wellness Center in 2007 Nutritionist-Dietitian at DOH Center for Health Development Region IV-B in 2010-1012 Volunteer with Agape Rural (Health) Program since 2005
Profession: Registered Nutritionist-Dietitian
Agape Rural (Health) Program
Office Address: Enero 21 Street Barangay Salvacion, Busuanga, Palawan
Philippines , Palawan , Busuanga

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.