BAWAL KAPE - [Unang Bahagi] Healthy lifestyle and nutrition tips

Abigail Rose Labaddan-Princesa
is a Medical expert in the Philippines

Do not skip breakfast. A healthy breakfast can provide fibre, calories, vitamins and minerals important for health. Choose whole grain cereals, porridge orwholemeal toast with fruit for a healthy start to the day.

Busy ang mga nutritionist kapag Hulyo dahil Buwan ng Nutrisyon dito sa Pinas. Kung lumaki ka dito, lalo na sa probinsya o kaya sa public schools, malamang ay naaalala mo pa ang mga programang inilulunsad ng gobyerno para maiangat ang estado ng nutrisyon lalo na ng mga bata. Andyan ang nutri-bun, nutri-pack, compact food, feeding programs at marami pang iba. May mga programa sa plaza na nagsisimula sa parada ng mga opisyales at mga mag-aaral na may bitbit na slogan at mga prutas at gulay, sa pangunguna ng maingay at makulay na banda.


Noong nakaraang buwan, sumama akong mag-bara-barangay upang magsagawa ng health and nutrition symposium. Ang lecture ay pinamagatan naming BAWAL KAPE. Bakit kamo? Dito kasi sa aming lugar, isang itinuturong dahilan ng malnutrisyon ng mga bata, lalo na ng mga estudyante ay ang pagliban sa pagkain lalo na ng agahan. Kung tatanungin mo kung ano ang inalmusal ng bata, “Kape lang po”, ang isasagot niya. Iyon kasi ang nakagawian dito, mapabata man o matanda, may ngipin o wala, kape lang sa umaga, ayos na. Matapos mag-kape, deretso na sa bukid o sa dagat o sa eskwela. Kaya naisipan naming gumawa ng lecture na talaga namang hinding-hindi nila malilimutan.


Ang B-A-W-A-L K-A-P-E ay isang acrostic na naglalaman ng mga payong pangkalusugan at nutrisyon na kung iyong susundin ay makatutulong upang makaiwas ka at ang iyong pamilya sa mga sakit at iba pang panganib. Nais ko ring ibahagi ito sa iyo at baka makatulong din sa iyo at magandang ibahagi mo rin sa iyong mga kamag-anakan dito sa Pilipinas lalo na sa nasa rural communities kagaya ng dito sa amin sa Palawan.


B-A-W-A-L K-A-P-E


B – Bottle-feeding ay mapanganib para sa sanggol


Hindi nakakakuha ng colostrum ang sanggol na hindi dumedede sa ina. Ang colostrum ay panlaban ng sanggol sa mga impeksyon. Ang bottle-feeding ay maaari ring maging paraan na makapasok ang mikrobyo sa katawan ng bata. Masyado ring magastos at matrabaho ang bottle-feeding kumpara sa breastfeeding. Mahirap pang tunawin ang formula milk kumpara sa breastmilk kaya nakakakabag. May mga formula milk pa na nakakapag-pa-allergy. Maaari ring maging sanhi ng pagkabulok ng mga ngipin ang pagdede sa biberon. Ilan lamang ito sa mga panganib na dulot ng bottle-feeding.


A – Alisin ang mga kemikal (Caffeine, Alcohol, Nicotine at MSG)


Ang caffeine ay isang psycho-active drug na matatagpuan sa kape, tsaa, itim na soft drinks at energy drinks. Ito ay nagpapabilis, nagpapalakas at nagpapapalya ng puso; nakakapagpanerbyos; nagpapaalis ng gutom; nagpapaasim at nagpapasakit ng sikmura; nagpapasakit ng ulo; nagpapahilo; nagpapsakit ng kala-kalamnan; nagpapaihi; atbp. Ang sabi nila, kapag masakit ang ulo, “inuman mo ng kape”. Sintomas iyan ng pagka-adik sa kape dahil kulang na ang dating dami ng caffeine na iniiom para makuha yung “high” na hinahanap. Kapag hindi mag-kape, masakit ang ulo. Withdrawal syndrome ang tawag dyan.


Ang alcohol naman ay nakasisira ng atay, pancreas, utak at puso; nagpapaasim at nakasisira ng sikmura; nagiging sanhi ng ibang kanser; nagpapahina ng resistensyang panlaban sa mga impeksyon; nakakaapekto sa pagbubuntis; nakakaadik; atbp. Kahit pa may nararamdaman nang mga sakit, hirap pa ring tumigil uminom ang taong adik na sa alak.


Ang nicotine ay nakasisira ng ugat ng dugo; nagpapaalis ng gutom; nagiging sanhi ng ibang kanser; nakakaadik; atbp. Tandaang hindi lamang ang naninigarilyo ang apektado ng kanyang paghithit bagkus pati ang mga nakalalanghap ng second-hand smoke na kanyang ibinubuga.


Ang MSG o monosodium glutamate ay nagpapakabog at nagpapapalya ng puso; nagpapasakit ng ulo; nagpapamanhid ng mukha; atbp. Hindi lang halata, pero mas maalat pa ito sa asin.


W – ‘Wag magpalipas ng gutom


Ang pagpapalipas ng gutom ay nagpapaasim at nagpapasakit ng sikmura na pwedeng mauwi sa ulcer; nagpapasakit ng ulo; nagpapahina ng katawan; at nagiging dahilan ng malnutrisyon lalo na sa mga bata. Ibabalik ko sa kape. Ang kape ay hindi talagang pamalit sa pagkain dahil walang calories o energy na nakukuha mula rito. Pakiramdam mo ay busog ka na at handa na para sa araw. Pero sa totoo lang ay pinagtrabaho mo lang ang iyong utak at katawan nang walang kain.


A – Antibiotic, huwag abusuhin


Ang antibiotic ay gamot na kailangan ng reseta ng doktor. Kailangan ding sundin ang tamang gamutan para maiwasang magkaroon ng resistensya ang mikrobyo laban sa gamot. Kapag nangyari iyon, hindi na tatalab ang gamot sa sakit dahil nag-evolve na ang mikrobyo. Mas matindi at mas mahal nang antibiotic ang kakailanganin para puksain ito. Kaya’t iwasang mag-self-medicate. Ugaliing magpareseta sa doktor at sundin ang tamang dami at oras ng pag-inom ng antibiotic. Ilang halimbawa ng antibiotic ay Amoxicillin, Cefalexin, Erythromycin, Cotrimoxazole at Rifampicin.


L – Limitahan ang alat, taba, tamis at preservatives


Ang pagkain ng sobra-sobrang alat, taba, tamis at preservatives ay maaaring mauwi sa mga tinatawag na lifestyle diseases kagaya ng diabetes, high blood, high cholesterol, at cancer. Ito ay maaaring magdulot ng atake sa puso o ‘di kaya’y stroke. Kaya ugaliing maghinay-hinay sa mga pagkaing kagaya ng bagoong, daing, taba ng baboy, bulalo, balat ng manok, mga de lata, kendi, tsokolate at soft drinks, atbp.


This means avoiding fatty meats, commercial pastries, cakes and biscuits, fried, take-away and processed foods and commercial fats such as palm and coconut oil.


Itutuloy: http://buhayofw.com/medical-advice/diet-nutrition-exercise/bawal-kape-ikalawang-bahagi-5201774bd83df


Healthy eating is not about strict dietary limitations, staying unrealistically thin, or depriving yourself of the foods you love. Rather, it’s about feeling great, having more energy, and stabilizing your mood. If you feel overwhelmed by all the conflicting nutrition and diet advice out there, you’re not alone. It seems that for every expert who tells you a certain food is good for you, you’ll find another saying exactly the opposite. But by using these simple tips, you can cut through the confusion and learn how to create a tasty, varied, and healthy diet.

A healthy diet should include a wide variety of nutritious foods for sufficient intake of all nutrients, including vitamins and minerals. Foods to include are breads, pastas, lean meats, fish, fruits and vegetables. A healthy diet can help you maintain a healthy body weight and decrease your risk of many diet-related chronic diseases, such as cardiovascular disease, type 2 diabetes and some cancers.

About the author

Abigail Rose Labaddan-Princesa

Graduate of BS Community Nutrition at UP-Diliman in 2004 Registered Nutritionist-Dietitian since 2005 Dietetic Resident at UP-PGH in 2007 Nutritionist-Dietitian at the Nestle Wellness Center in 2007 Nutritionist-Dietitian at DOH Center for Health Development Region IV-B in 2010-1012 Volunteer with Agape Rural (Health) Program since 2005
Profession: Registered Nutritionist-Dietitian
Agape Rural (Health) Program
Office Address: Enero 21 Street Barangay Salvacion, Busuanga, Palawan
Philippines , Palawan , Busuanga

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.