PANAHON NA BA PARA MAGPAPAYAT?

Rizza Marie Magbuhat-Edradan
is a Medical expert in Japan

Kahit nasaang panig man ng mundo, sa tingin ko hindi na mawawala sa ating mga Pilipino ang pagkahilig natin sa pagkain. Madalas kasi bahagi ito ng bonding activity ng pamilya at ng mga magkakaibigan. Yun nga lang, habang nagkaka-edad tayo, sadyang mag-iiba ang ating kakayanan na gamitin ang pagkain bilang enerhiya sa araw-araw. Ang resulta? Love handles (o bilbil) at mga pantalon na hindi na halos maisara. Ang madalas na pagkain ng marami ay maaaring humantong din sa sobrang katabaan, o Overweight at Obesity sa wikang binyaga.


When you’re trying to lose weight, it’s tempting to want results as fast as possible. But remember, very rapid weight loss is unlikely to help you to maintain a healthy weight long-term. And it comes with health risks.


Our weight depends on how much energy you take in (the calories in food and drink) and how much energy your body uses (burns) up:


      • If the amount of calories that you eat equals the amount of energy that your body uses up, then your weight remains stable.
      • If you eat more calories than you burn up, you put on weight. The extra (or excess) energy is converted into fat and stored in your body.
      • If you eat fewer calories than you burn up, you lose weight. Your body has to tap into its fat stores to get the extra energy it needs.

Maging tutoo tayo, ang sobrang katabaan ay hindi magandang tingnan. Bukod diyan, ang mas kritikal na epeketo ng sobrang katabaan ay maaari itong pagmulan ng mga lifestyle diseases tulad ng cancer, diabetes, hypertension at sakit sa puso. Dahil diyan, sa aking palagay, lahat tayo ay dapat gumawa ng hakbang kung tayo o ang ating mahal sa buhay ay sobra na sa katabaan.


Paano nga ba malalaman kung ang isang tao ay sobra na sa katabaan? Maraming paraaan na maaaring gawin at ang pinaka-simple sa mga ito ay ang pag-compute ng ating BODY MASS INDEX o BMI.


Ano nga ba ito? Ang BMI ay hango sa timbang at tangkad ng isang tao at mula dito nalalaman kung sobra na ang katabaan. Ang BMI ay hindi inaabisong gamitin sa mga babaeng buntis, mga atleta, mga bata at sa mga taong may pagmamanas dulot ng sakit.


Nais mo na bang malaman kung sobra na ang taba sa inyong katawan? Bago tayo magsimula ay kailangang alamin nyo muna ang inyong height (sa foot and inches) at weight (sa pounds). Siguraduhin na kunin ang timbang sa umaga, matapos kayong umihi at dumumi upang makuha ang tamang sukat.


Pagkatapos nito, bibisitahin natin ang isang website na iko-compute ang inyong BMI gamit ang impormasyon tungkol sa inyong height at weight. Sundan nyo lamang ang hakbang na ito:


1. Pumunta sa http://www.mayoclinic.com/health/bmi-calculator/NU00597


2. I-click and CALCULATE ADULT BMI


3. I-type ang inyong weight at height


4. I-click ang SUBMIT button.


Nakita mo na ba ang BMI mo? Ayon sa mga eksperto kapag ang iyong BMI ay mula 18.5 to 24.9, ito ay nangangahulugang normal lamang ang level ng taba sa iyong katawan at kayo ay nasa tamang timbang. Kung ikaw ay nasa normal na BMI ngayon, congratulations! Ibig sabihin nito sapat ang dami at uri ng pagkain sa iyong diet at maaaring sapat din ang iyong physical activity.


Lumampas ka ba sa 24.9? Sa kasamaang palad ikaw ay OVERWEIGHT o OBESE. Tandaan lamang na magkaiba ang pagiging OBESE at OVERWEIGHT. Ang mga taong obese ay mas mabigat at mas maraming sobrang taba sa katawan kumpara sa mga taong OVERWEIGHT. Gayunpaman, kung ikaw ay overweight pa lamang o obese na, kailangang gumawa ka na ng hakbang upang mabawasan ang iyong timbang.


Hindi mo na kailangang gumastos ng malaki, sapagkat ang subok na paraaan ng pagpapayat ay binubuo ng pagpili ng tamang uri at dami ng pagkain, pagkakaroon ng regular na physical activity na angkop sa iyong edad at kalusugan at ang pagbabago ng ilan sa iyong mga kinaugalian o habits. Maaaring may katagalan bago mo makuha ang tamang timbang gamit ang prosesong nabanggit ko, ngunit ito na ang pinaka-epektibong paraaan upang makamit mo ang malusog na timbang.

      • Eat vegetables to help you feel full.
      • Drink plenty of water.
      • Get tempting foods out of your home.
      • Stay busy -- you don't want to eat just because you're bored.
      • Eat only from a plate, while seated at a table.
      • Don't skip meals.

It is important to plan ahead. Perhaps you could plan each day's meals and recipes the day befre, or plan a week's meals at a time In this way, you will konw exactly how much food you will be eating. This is better than looking in the refrigerator before meal times or snacks to see what is there. It is best to separate eating from other activities. This helps you to keep to your planned eating for the day. So, try not to eat while watching TV, during meetings, etc.


Sa susunod na mga araw ay ituturo ko sa inyo kung paano magbawas ng timbang gamit ang ligtas na pamamaraan at magbabahagi rin ako ng mga impormasyon ukol sa pagkain, pagluluto, nutrisyon at kalusugan: http://buhayofw.com/medical-advice/diet-nutrition-exercise/dapat-tama-ang-taba-51c3785a40a19


Maaari rin kayong mag-iwan ng comment o reply.

1 person likes this

About the author

Rizza Marie Magbuhat-Edradan

Hi kababayan! I'm Cherry, a registered Nutritionist-Dietitian of more than 10 years and highly experienced and skilled in Nutrition Counseling, Menu Planning & Food Preparation, Food Safety and Education. You can also check my blogs for more food and nutrition-related information: https://www.facebook.com/pages/Cherry-RND-Rizza-Marie-T-Magbuhat/158622890946946?fref=ts http://cherryeatsandthinks.tumblr.com/
Profession: Registered Nutritionist-Dietitian
formerly of the University of the Philippines-Diliman
Office Address: Okinawa, Japan
Japan , Okinawa , Okinawa

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mercy Abordo
is a Receptionist cum Sales coordinator in United Arab Emirates
nasa tamang diet naman po ko dok pero parang hindi naman ako napayat.. ano po ba dapat gawin? thnx
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.