Amoebiasis o pagiiti: Sintomas, Sakit, Lunas, Gamot, symptoms, signs

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Introduksyon / Pasiuna


Kapag ang iyong bituka ay nagkaimpeksyon mula sa parasitikong Entamoeba histolytica (E. histolytica), ang kondisyon ay tinatawag na “amoebiasis”. Ang E. histolytica ay naninirahan sa bituka ng inpektadong tao. Ito ay maaaring lumabas sa kanilang mga dumi. Ang impeksyon ay karaniwang nagaganap matapos makainom ng tubig na may inpektadong dumi o pagkain ng pagkain na inihanda o hinugasan ng maruming tubig. Siyam sa bawat sampung may amoebiasis ay hindi nakararamdam ng sintomas. Doon sa mga nagkakaroon ng sintomas, ang pagtatae na maaaring may dugo, ay ang pinaka-karaniwang sintomas. Ang mga taong may mas mataas na tsansa ng amoebiasis ay ang mga naglalakbay sa mga lugar kung saan ang amoebiasis ay karaniwan tulad ng mga bansa na hindi masyadong malinis ang kapaligiran.





Sanhi / Hinungdan (Causes)


Ang amoebiasis ay inpeksyon na dulot ng “Entamoeba histolytica”.


Paano nakukuha ang amoebiasis? / Unsay gakahitabo para matakbuyan ka sa amoebiasis?


Ang amoebiasis ay karaniwang napapasa buhat ng “fecal-oral route” o sa pamamagitan ng pagkain o paglunok ng inpektadong pagkain ngunit maaari rin itong makuha sa pagkakaroon ng kontak sa maruming kamay o gamit. Ang inpeksyon ay nagsisimula matapos makakain ng “cyst form” ng parasitiko na naghihintay lamang magising sa mga dumi ng taong tagadala ng amoebiasis. Dahil ang amoebiasis ay napapasa sa pamamagitan ng maruming pagkain o tubig, karaniwan ito sa mga bansa sa mundo na limitado ang sanitasyon.


Ano ang mga sintomas ng amoebiasis? / Unsa ang mga sintomas sa amoebiasis?


Ang pinaka-karaniwang sintomas ng amoebiasis ay ang diarrhea o pagtatae (na maaaring may dugo), pananakit ng tiyan at lagnat. Sa mga bihirang panahon lamang, ang amoebiasis ay maaaring makasanhi ng inpeksyon sa atay.



Maaari pa rin ba akong magtrabaho? / Pwede ba gihapon ko magtrabaho?


Ang mga humahawak ng pagkain, nag-aalaga ng mga bata at mga nagtatrabaho sa “health care” na merong amoebiasis ay hindi dapat magtrabaho hangga’t hindi pa tumitigil ang sintomas. Ang mga bata ay hindi dapat pumasok sa eskwela hangga’t hindi pa tumitigil ang sintomas.


Paano ko mapipigilan na maipasa ito sa aking pamilya? / Unsaon nako para dili nako ni mapasa sa akong kapamilya?


Sa inyong pamamahay, ang tsansa na maikalat ang amoebiasis ay maaaring bawasan. Importante na ang mga taong may amoebiasis ay hindi naghahanda o humahawak ng pagkain na kakainin ng iba.


Lunas / Unsay tambal?


Ang lunas ay nagdedepende sa lubha ng impeksyon. Sa pangkaraniwan, ang “metronidazole” na tableta ay iniinom sa loob ng sampung araw. Kung ikaw ay nasusuka, maaari mong kailanganin na mabigyan ng gamot papasok direkta sa ugat hanggang kaya mo nang uminom ng tableta. Ang mga gamot na pumipigil sa pagtatae ay hindi karaniwang binibigay dahil nagpapalubha lang ito sa kondisyon. Matapos ang paggamot, ang dumi ay dapat muling suriin upang matiyak kung tuluyan ng nawala ang impeksyon.




Paano ko maiiwasang makakuha ng amoebiasis? Unsaon nako paglikay nga makakuha ug amoebiasis?


Sa pamamagitan ng pagsunod sa alituntunin sa ibaba, lahat tayo ay may magagawa upang maiwasang makakuha ng amoebiasis.


Maiging paghuhugas ng kamay. Tayong lahat ay marapat na maghugas ng kamay ng maigi gamit ang sabon at tubig sa hindi kukulangin sampung segundo, bago maghanda ng pagkain, bago kumain, matapos gumamit ng palikuran, matapos humawak ng kung anu-anong bagay.


Ligtas na paghahanda at pag-iimbak ng pagkain. Dapat na lutuing maigi ang hilaw na pagkain, hugasang maigi ang mga hilaw na prutas at gulay bago kainin, initin ang pagkain hanggang umabot ang loob na temperatura nito sa 75 degrees Celsius.


Dapat linisin ang bahay at kapaligiran.


Tiyaking malinis ang iniinom na tubig.


Kapag naglalakbay sa ibang bansa, huwag basta-bastang kumain o uminom ng kahit na ano kapag hindi natitiyak na malinis ang mga ito.


About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
BAKIT PO SUMASAKIT ANG KAMAY KO PAG INUUNAT KO PO ITO? SUMAKIT PAGKATAPOS KO PONG UMINIM NG METRONIDAZOLE NG 7 ARAW
RAMOS CHARLOTTE
is in the Philippines
NAG STOP PO AKO UMINOM NG GAMOT...7DAYS LANG KASI ANG RESETA.. IPAGPAPATULOY KO PO BA ITO FOR 10 DAYS?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.