Ano ang Sanhi, Lunas, at Gamot ng Dust mites? Paano matanggal mawala? Ano sintomas?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang mga dust mite ay pinakamalalang nagdudulot ng asthma at allergy; lalong-lalo na sa mga taong madaling kapitan ng sakit tulad ng mga bata o mga matatanda.

Ang mga dust mites ay nakikita kahit saan. Hindi ba nakakabuti sa pakiramdam na malaman na hindi sila nangangagat at ang iyong allergic reaction ay dahil lang sa paglalagay ng mukha mo sa isang unang punong-puno ng kanilang dumi? At kung sa tingin mo ay nakakabuti sa pakiramdam na ang mga dust mites ay kumakain ng patay na balat ng mga hayop at tao. Pwede ngang naglalaglag ka ng milyon-milyong patay na balat para pakainin ang milyon-milyong dust mites.

Dumadami ang mga dust mites sa tuwing may mainit at mahalumigmig na klima. Magbasa ka para mas matuto tungkol sa mga dust mites!

Ano ang mga dust mites?

Ang mga dust mites ay microscopic na mga kulisap na nabubuhay sa patay na balat na nalalaglag sa mga tao at alagang hayop. Ang mga dust mites ay hindi nakakasama sa maraming mga tao. Hindi naman sila nagdadala ng sakit pero maaari silang magdulot ng allergic reaction sa mga taong asthmatic at mga taong allergic sa kanilang dumi. Kadalasang napapagkamalang dust mites ang mga surot.

Skin cells at mga scales ng hayop, o mas kilala sa tawag na dander ay kadalasang mas madami o naka concentrate sa mga lounging areas, kutson, kadalasang ginagamit na mga kasangkapan sa bahay at mga kwartong naka carpet ay kadalasang may madaming dust mites. Yamang ang karaniwang tao ay nakakalaglag ng 1/3 ounce o 10 gramo ng patay na balat sa isang linggo, nagbibigay ito ng napakaraming pagkain para sa mga dust mite. Ang mga aso at pusa ay naglalaglag ng mas maraming dander para kainin ng mga dust mites.

Ang isang karaniwang kutson ay mayroon libo-libong dust mites. Okay ka pa ba? Halos 100,000 mites and nakatira sa isang square yard ng carpet. Handa ka na bang ikumbinse ang iyong asawa na maligo araw-araw? Alam mo bang tumatae ng halos 20 beses sa isang araw ang isang dust mite, bawat beses ay mayroong protina na nakaka allergy sa mga tao? Yuck! Ang protina na yon, na nakahalo sa tae at natanggal na balat ay siyang nagdudulot ng allergic reaction sa mga tao. Depende sa tao at sa pagkaka expose niya, ang reaksyon ay pwedeng iba-iba mula sa simpleng makating mga mata hanggang sa asthma attack. Sa huli, di tulad sa ibang uri ng mites, ang mga dust mites sa loob ng bahay ay hindi parasitiko o linta kasi kumakain lamang sila ng patay na balat. Kadiri, pero totoo.


Saan sila nakatira?

Ang mga kama ay pinakauna at pinakatirahan nila (kung saan 1/3 ng buhay nila sila doon naninirahan). Ang isang pangkaraniwang kutson ay maaaring magkaroon ng 100,000 hanggang 10 milyong dust mites sa loob nito (10% ng bigat ng isang 2-taong gulang unan ay maaaring gawa sa patay na dust mites at dumi nila). Mas gusto nila ng mainit-init at mabasa-basang mga lugar tulad ng loob ng mga kutson kung may taong nakahiga dito. Paborito nilang pagkain ang dander (patay na balat ng tao at hayop). Ang mga tao ay karaniwang nakakalaglag ng 1/5 na ounce ng dander (patay na balat) sa isang linggo. May 80% ng mga alikabok na lumulutang at nakikita kapag may sinag ng araw ay nalaglag na balat. Dagdag pa, ang carpet sa loob ng kwarto at kasangkapan sa loob ng bahay na naka upholster ay sumusuporta sa populasyon ng mga dust mites.

Ang kotse ay pwede ding tirahan ng mga dust mite at isang napakalaking lugar para magpasa ng bacteria kung hindi ka maingat. At mga lugar na ito ay ang manibela, radio, gear shift, lalagyan ng baso at upuan ng kotse.


Mapanganib ba sila? Ano ang nagagawa nila?

Para sa karamihan, kahit na nakakadiri, hindi delikado ang mga dust mites. Ngunit ang medikal na problema sa mga house dust mites ay nagmumula sa kanilang balat at dumi na pinaka sangkap ng alikabok sa loob ng bahay na nakakadulot ng allergy sa ilang mga tao. Mayroong genetic na dahilan sa pagkaka allergy sa dust mites, ngunit karamihan ng mga allergy na nakukuha habang tumatanda. Para sa mga taong iyon, ang paglanghap ng mga allergen galing sa alikabok sa loob ng bahay ay nagti trigger ng rhinitis allergica o bronchial asthma. Karamihan, ang mga tao na may allergy sa house dust ay may allergic reaction din sa dumi at balat ng mga dust mites. May mga studies na nagpapakita na ang pinakamakapangyarihang house dust allergens ay galing sa tae ng mga house dust mites.

Isa sa mga pinakamalakas na allergenic materials na nakikita sa loob ng bahay ay ang alikabok, na karamihang may kontaminasyon ng dumi at balat ng house dust mite. Tinatantyang ang mga dust mite ay isang rason sa 50 hanggang 80 porsyento ng mga asthmatic, kasama ang hindi na mabilang na eksema, sipon o hay fever, at iba pang karamdaman na pang allergy. Karaniwang dahilan ng allergy ang dust mites, balahibo ng pusa, dumi ng ipis, at pollen ng damo. Ang mga sintomas ay karaniwang respiratory (pagbahing, pangangati, naluluhang mata, hirap sa paghinga atbp.), at hindi rashes. Ngunit, may mga nababalitang pulang rashes sa leeg. Ang iba pang klase ng allergic reaction ay ang sakit ng ulo, pagkapagod at depresyon. Ang mga wheeze-inducing proteins ay mga digestive juice na galing sa laman loob ng mites ay makapangyarihan. Ang pagkaka expose sa mga mites sa unang taon ng pagkabata ay maaaring magdulot ng pang habangbuhay na allergy. Wala itong gamot, tanging pagpigil lang ang magagawa mo ditto. Kaya dapat kontrolin ang dami ng house dust mites.

Ang mga kama ay pinakauna at pinakatirahan nila (kung saan 1/3 ng buhay nila sila doon naninirahan). Ang isang pangkaraniwang kutson ay maaaring magkaroon ng 100,000 hanggang 10 milyong dust mites sa loob nito (10% ng bigat ng isang 2-taong gulang unan ay maaaring gawa sa patay na dust mites at dumi nila). Mas gusto nila ng mainit-init at mabasa-basang mga lugar tulad ng loob ng mga kutson kung may taong nakahiga dito. Paborito nilang pagkain ang dander (patay na balat ng tao at hayop). Ang mga tao ay karaniwang nakakalaglag ng 1/5 na ounce ng dander (patay na balat) sa isang linggo. May 80% ng mga alikabok na lumulutang at nakikita kapag may sinag ng araw ay nalaglag na balat. Dagdag pa, ang carpet sa loob ng kwarto at kasangkapan sa loob ng bahay na naka upholster ay sumusuporta sa populasyon ng mga dust mites.


Paano Makikita ang Sintomas ng Allergy sa Dust Mites

Ang mga protina sa tae ngdust mites ay gumagawa ng antibody sa mga tao na allergic kapag ito ay nalalanghap o dumadapo sa balat. Ang mga antibody na ito ang nagpapakawala ng antihistamine na dahilan ng pagbara ng ilong, pagmaga at pagka irita ng upper respiratory passages. Ang karaniwang sintomas ng allergy sa dust mites ay:

- Hay Fever

- Naluluhang mata

- Sipon

- Pagbabahing

- Asthma at hirap sa paghinga

- Eksema ng mga sanggol

- Makati, mapula o maluha-luhang mata

- Baradong ilong

- Makating ilong, bubong ng bibig o lalamunan

- Postnasal drip

- Ubo

- Pananakit ng mukha

- Madalas na paggising sa gita ng mahimbing na pagkakatulog

- Namamaga at kulay asul na balat sa ilalim ng mata

- Sa mga bata, ang kadalasang pataas na pagkamot ng ilong


Ang doktor ay pwedeng magsagawa ng skin at blood test para makumpirma ang pinaghihinalaang allergy sa dust mite. Mga tanong tulad ng: “Ako ba ay may hindi matanggal-tanggal na sipon at sakit sa ulo? Lagi ba akong nagigising na nangangati ang mata? Tuwing gumigising ba ako, lagi akong nababahing kaagad?”

Minsan ay mabilis na makikita ang mga sintomas ngunit minsan ay hindi din. Maaaring ang sintomas mo lang ay laging baradong ilong.

Ano pa ang nakakapagpalala sa sintomas?

- Pangit na bentilasyon sa bahay

- Mataas na halumigmig sa hangin

- Mataas na temperature (higit sa 70 F / 20 C)

- Polusyon sa hangin sa loob ng bahay tulad ng tabako o usok sa sigarilyo at usok sa kotse.

- Paglalakad sa rug, pag-upo sa upuan o ang pagkalog sa mga bedsheet ay nakakapagpalutang ng mga tae ng dust mites at nakakapagpalala ng sintomas ng taong may allergy.


Identipikasyon

Ang mga house dust mite ay masyadong maliit para makita ng iyong mata sapagkat sila ay 250 hanggang 300 microns lamang sa haba at may maaninag na katawan. Mangangailangan ng hindi bababa sa 10X na magnification para maayos na ma identipika sila. Sa pamamagitan ng microscope makikita na maraming hugis itlong na mga mite na naglalakad kahit saan at naglalakaran sa isa’t-isa. Mayroon silang walong mabuhok nap aa, walang mata, walang antenna, maybahaging mukhang bibig sa harap ng katawan na aakalain mo ay ang ulo at isang matigas na translucent na shell na nagbibigay dito ng katakot-takot na anyo.


Byolohiya at Buhay

Ang matatandang babae ay nangingitlog ng 40 hanggang 80 itlog ng iisahan o 3-5 grupo-grupo. Matapos mapisa ang mga itlong, may lalabas na larva na may 6 na paa. After ng unang pagbabalat, may 8-paang nymph na lalabas. Pagkatapos pa ng 2 nymphal stages, lalabas na ang matandang dust mite na may 8 paa. Ang buhay nito mula pagkabata hanggang paglaki ay tinatayang tatagal ng isang buwan at ang pagkatanda nito ay mabubuhay ng dagdag na 1 hanggang 3 buwan.

Ang kanilang kinakain ay paiba-iba, ngunit karaniwang binubuo ng patay na skin cells mula sa tao at hayop. Ngunit kailangan din nila ng sustansya galing sa pagkain ng isda, pagkain ng hayop, fungi, cerals, crumbs, atbp. Maraming mga mites ang naninirahan sa pugad ng mga ibon, sa mga kamalig, sa mga itinagong trigo o palay, atbp.

Isa sa mga naglilimita sa pagkabuhay ng mga mites at pagdami ng populasyon ay ang magagamit na tubig para mainom. Ang pinakamadaming populasyon ng mites ay nangyayari tuwing mahalumigmig na mga buwan tuwing summer. Pinakamataas ang kanilang populasyon sa mga mahalumigmig na rehiyon at pinakamababa sa mga matataas na lugar at tuyong klima. Dahil sa dami ng nalalagas na balat ng mga tao, maraming pagkain para sa kanila. Level ng allergen ng dust mites ay nasusukat sa alikabok sa kama, sa sahig, at sa sample mula sa hangin sa loob ng kwarto. Makikita silang maigi tuwing naglilinis ng bahay at nag-aayos ng kama.


Pag detect

Ang pagkakaroon ng dust mites sa loob ng bahay ay karaniwang pinaghihinalaan bago pa sila akita at ma identipika. Ang pag hingi ng tulong sa pag control ay karaniwang nagmumula sa mga taong nakumpirma ng mga doktor na may allergy at allergic sa dust mites o sa mga allergens na nanggagaling sa mga ito.

Ang presensya ng mga house dust mites ay makukumpirma lamang gamit ng microscope at nangangailangang mag kolekta ng samples galing sa kutson, sofa o carpet. Kakailanganin ng microscope na may sapat na magnification ang teknikal na kakayahan para makita at ma identipika ang mga dust mites gamit nito. Karaniwang hindi na kailangan ng testing. Napaka karaniwan na ng mga dustmite sa loob ng bahay. Halos palagi na silang nakikita sa bawat test kaya nakakagastos lang ang pagtetest. Mas maganda ang tanunging “Paano makokontrol o matatanggal ang dust mites?” kesa sa “Mayroon bang dust mites?”


Ano ang magagawa mo upang mawala, matanggal at masugpo?

Paraan para ma control at Paglilinis

Ang mga rekomendasyon para dito ay dapat mag focus sa pagkontrol ng alikabok. Dapat na mabawasan ang dami ng allergen na nasa alikabok kung saan ka nakatira sa pamamagitan ng pagkontrol sa pagdami ng allergen at ng alikabok na nagdadala dito. Para sa loob ng kwarto, mainam na gamitin ang ilan o lahat ng mga nakalista. Nakalista sila sa hanay ng kung ano ang mas epektibo:

1. Ibalot sa plastic cover o kung ano pa mang ballot na resistant sa dust mite and kutson, ivacuum ng maigi ang mga unan at ang paanan ng kama. Lagyan ng airtight na plastic o polyurethane na ballot ang mattress. Ang tip na ito ay ang pinaka importante dahil ang iyong kama (pati ang kuna ng anak mo) ang pinakamalapitin sa dust mites at sa mga tae nila at ang pag ballot sa mga ito ang makakapigil sa pagdabi ng mga mites.

Pababain ang temperature at halumigmig: gustong-gusto ng mga dust mites ang maiinit at mahalumigmig na mga lugar, mas mataas ng 70 F (21 C) at 50% pataas na humidity.

2. Temperature: Panatilihing 70 degrees pababa ang temperature sa loob ng bahay.

3. Humidity: ang epektibong pagkontrol sa mga mites ay mangangailangan ng pagpapanatili ng halumigmig o humidity na mas mababa sa 50%. May iba’t ibang mga dehumidifiers mula sa malalaking basement o ground floor na model hanggang sa maliliit na room model. Ang malalaking dehumidifier ay medyo mahal, pero nagtatagal din ng maraming taon.

4. Ang pag-iwan lamang sa iyong kama ng hindi nakaayos bawat umaga na naka expose ang mga bedsheet, at nagpapatuyo ng mga bedsheet ay nagbabawas ng dami ng mga dust mites. Ngayon, may rason ka na para huwag mag ayos ng kama!

5. Hugasan ang iyong mga bedsheets, unan at kumot ng napakainit na tubig. Labhan ang mga bedsheet at kumot ng isang beses bawat dalawang linggo. Labhan ang unan kada linggo o lagyan ng dust mite-proof na ballot at hugasan ng isang beses sa isang taon. Ang iyong punda ay ilalagay pagkatapos lagyan ng dust mite-proof cover. Gaano kainit ang mainit? Ang tubig na gagamitin para labhan ang iyong mga kumot at bedsheet ay dapat hindi bababa sa 130°F (54°C). Ilagay ang iyong washing machine sa pinakamainit na setting. Kung ang tubig ay hindi lumalabas na mainit, i-check ang iyong hot water heater-marahil ay hindimo napapansin na karamihan ng hot water heater sa loob ng bahay ay may adjustment sa temperature nito. Para sa mga telang hindi maaaring labhan sa mainit na tubig, ilagay lang sa freezer ng 24 hanggang 48 na oras para mapatay ang mga dust mites.

6. Gumamit ng Synthetic na Tela: Palitan ang mga balahibong unan ng synthetic na filling. Palitan ang mga lana na kumot ng nylone o cotton cellulose na kumot. At huwag kalimutan ang mga stuffed toys na laruan ng mga anak mo: siguraduhing bumili ng mga nalalabhang stuffed toys. Ang mga manufacturer o gumagawa naman ng memory foam mattresses ay nagsasabing hindi pinamamahayan ng dust mites ang kanilang mga produkto.

7. Maglinis ng lingguhan: Palitan ang punda, bedsheet at mga nasa baba ng kumot, at i-vacuum ang baba ng kama at pakigid ng kutson kada linggo. Linisin ang sahig, gumamit ng panlampaso o trapo para matanggal ang alikabok. Huwag na huwag gumamit ng walis o tuyong trapo at pinapalipad lang nito ang mga mite allergens.

8. Maglinis araw-araw: punasan at tanggalin ang alikabok gamit ng basing trapo ang mga takip ng kutson araw-araw.

Laging linisin ang lahat ng bedding (kumot, pads ng kutson at comforter) sa mainit na tubig (130 degrees F [o 60°C] kada linggo). Malamig at hindi masyadong mainit na tubig ay ‘di masyadong nakakapatay ng mites. Labhan din ang mga kurtina.

Palagiang maglinis ng mga material na hindi pwedeng ilagay sa washing machine: gumamit ng purong singaw para matunaw ang dumi habang natatanggal ang dumi at bacteria sa mga bagay na nililinis. Ang singaw ay mura din at environment-friendly na gamit. Wala nang kailangang gamiting delikado at nakalalasong kemikal. Ito ay mabisang paraan din para pumatay ng dust mites at surot.

9. Tanggalin ang carpet at palitan ng laminate na sahig, kahoy, tile, linoleum o vinyl na sahig. Tanggalin ang mga telang kurtina at blinds. (Kung may carpet ka, mag vacuum araw-araw.) Ang pag vacuum ng carpet at upholstery linggo-linggo ay nakakatulong. Basahin ang babala ng pag vacuum sa baba pagkatapos ng tips. Ang mga vacuums na may high-efficiency na filter ay nakakakuha ng mas madaming dust mites, ngunit kahit yung ordinaryong vacuum ay mabisa pa din.

10. Ang pag freeze at ang araw ay nakakapatay ng mites ngunit hindi nakakatanggal ng kanilang bankay. Dagdag sa pang freeze na temperatura at paglaba ng mga bagay sa temperaturang higit sa 130 degrees F, matagal na init sa ilalim ng araw at mababang halumigmig ay nakakapatay din ng dust mites.

Para sa mga stuffed toy ng mga bata: lagiang ilagay sa freezer ng 24 oras ang mga laruan bago labhan sa mainit na tubig. Ang pagtanggal sa kanila o ang pagbawas ng mga ito sa kwarto ay nakakatulong din.

11. Air Purifier o pansala sa hangin: Kahit na mas mabisang pigilan ang mga dust mite mula sa pinagmumulan nila, ang pagbawas din ng lebel ng alikabok sa hangin ay pangalawang nakakatulong din. May mga pest control na kumpanya ang nagbebenta ng air purifier na nagtatanggal ng pagkain ng dust mites. Ang mga pansala na gumagamit ng HEPA filtration ay mas mabisa at ligtas gamitin. Iba’t-ibang klase ng air purifier ang pwedeng ikabit sa central aircon para mabawasan ang mga irritants. Karamihan ng mga filter ay nagtatanggal ng 50 hanggang 70% ng material. Ang mga HEPA filters ay nakakatanggal ng hanggang 99% ng mga material, hindi lang dumi ng dust mite kundi lahat ng uri ng allergen tulad ng balahibo ng hayop, pollen, alikabok, dumi ng ipis atbp.

12. Gumamit ng malinis na air filter: Ang paglinis o pagpalit ng air filter sa iyong air conditioner ng isang beses sa isang buwan ay mabisang paraan. Ang mga filter na ni-rate na nakakahuli ng mga allergen ay mas epektibo kesa sa salamin lang.


Maraming Allergies

Mainam na tandaan na ang mga tao ay malimit na allergic lang sa dust mites. Kapag ang tao ay may allergy sa dust mites, kadalasang allergic din sila sa iba pang allergens. Kailangang tandaan na ang mga tao ay sensitibo sa iba’t-ibang klase ng allergens pati na din non-allergic triggers tulad ng odorants, nakakairitang kemikal, amoy ng tabako, amag at iba pang bagay na tulad nito.


Pag control gamit ng kemikal

Walang pesticide ang kasalukuyang ginagamit laban sa dust mites. Ngunit dalawang uri ng non-pesticide na produkto, Acarosan at Allergy Control Solution ay maaaring gamitin pantanggal ng house dust mites at allergens. Ang pangunahing kemikal ng bawat isa ay benzyl benzoate at tannic acid. Ang mga Benzoic acid esters tulad ng benzyl benzoate ay napaka epektibong acaricides ayon sa evaluations sa field at sa laboratory. Ang mga panganib sa kalusugan na nakikitang kaunti dahil ang mga benzoates ay medaling natutunaw ng katawan at ginagawang hippuric acid na nilalabas sa ihi.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.