Ano mga Nakakahawang Sakit? Paano maiwasan ng aking anak sanggol baby?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Nakakahawang Sakit na nangunguna sa listahan sa Pilipinas!

Kahit sobrang nag-iingat ka na, hindi pa din tayo 100% na sigurado sa kaligtasan natin at ng pamilya natin mula sa mga sakit na nakakahawa. Mahalaga na maging pamilyar tayo sa mga nakakahawang sakit lalo na kapag may parating na kalamidad o kapag nakahantad ka sa maduming paligid.

Baka ang iniisip mo na simple lang na sakit eh pagmumulan pala ng mas malalang kalagayan. Nasa Pilipinas ka man o nasa ibang bansa, narito ang listahan ng mga pangunahing sakit na nakakahawa, pwedeng sa pakikipagkamay, pakikipagyakapan, paglanghap sa maduming hangin o kahit anong pisikal na ugnayan mo sa ibang tao:

- Hepatitis E.Gaya ng Hepatitis A, ito ay fecal-oral, ibig-sabihin nakukuha sa pag-inom o pagkain ng mga pagain na kontaminado o kapag may kontak ka sa mga personal na gamit ng pasyente. Nakakaranas ang pasyente ng pananakit ng tyan, pananakit ng ulo, patig at maitim na ihi.Nakukuha din yan mula sa mga maduduming pagkain.

- Typhoid fever. Kadalasan ng nakukuha yan sa madumi at kontaminadong tubig na nagdudulot ng mataas na lagnat. Kadalasang nagdedeliryo o nahihibang ang pasyente dahil sa mataas na temperatura. Kapag hindi ito agad na agapan, maaaring mamatay ang pasyente o kung mabuhay man siya, maarng magkaroon ng komplikasyon sa mga internal organs.

- Lepstospirosis. Usong-uso ang sakit na yan lalo na kapag may baha. Dahil sa maduming paligid, humahalo sa tubig ang mikrobyo at mga virus na nanggagaling sa basura o ihi ng mga hayop lalo na ng daga. Kapag nagkaroon ito ng kontak sa mga sugat, o kahit sa mga parte ng katawan gaya ng kamay, bibig o ilong, magiging sanhi yan ng leptospirosis. Talagang nakakamatay yan gaya noong nagkaroon ng bagyo sa Olonggapo City noong 2013 kung saan may 600 katao ang nagkasakit.Maaari yang magresulta sa pagkasira ng atay, meningitis at problema sa baga.

- Rabis. Hindi na nakakapag-taka yan. Kinikilala yan sa Pilipinas bilang isa sa pinaka nakamamatay na naipapasang sakit dahil maaaring maapektuhan ang ibang tao kapag nagkaroon ng kontak sa pasyente o sa mga gamit gaya ng baso, kutsara o plato. Nakukuha yan sa kagat ng pusa o aso. Kapag lumala, maaari itong ikabaliw ng isang tao, na kikilos siya na parang aso gaya ng pagungol, pangangagat o pagkatakot sa tubig. Ang mas malala pa, sa loob lang ng 3-5 araw, pwedeng mamatay ang pasyente at madali itong makahawa.

- Dengue. Kahit nasa ibang bansa ka, pwede ka ring magkaroon ng dengue o yung sakit galing sa lamok. May pagkakatulad yan sa Chikungunya na galing sa lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Magkakaroon ng matinding lagnat, mga pagpapantal, pananakit ng ulo at tiyan at madami pang ibang sintomas. Masasabing isa talaga yan sa pinaka kinatatakutan ng karamihan sa mga pilipino.

- TB o Tuberculosis. Inaatake ng bacteria nito ang respiratory system o yung hingahan ng isang tao. Nakakahawa ang sakit na yan sa pagkakaroon ng kontak sa mga gamit ng pasyente, pagnakikipagusap ka ng malapitan at nasasagap mo ang laway ng pasyente. Umiwas kapag umuubo o sumisinga ang may TB dahil yan ang mas madaling makahawa.

- Malaria. Sinisira nito ang red blood cells. Magkakaroon ng mataas na lagnat ang pasyente. May pagkakapareho ito sa mga sintomas ng dengue. Nakukuha yan kadalasan na kapag nakainom ng kontaminadong tubig. Kapag buntis ang nagka-malaria, pwede niya itong maipasa sa sanggol.

- HIV at AIDS. Nakukuha ito sa pamamagitan ng sekswal na ugnayan o pakikipagtalik marahil sa kasekso. Kahit nasa ibang bansa ka man, pwede kang maapektuhan ng nakamamatay na sakit na yan.


Ang mga yan ay ilan lang sa mga sakit na nakakahawa na dapat nating pagsikapan na iwasan. Nakatulong sana ang artikulo na yan para maging mas maingat ka sa kalusugan mo at ng pamliya mo.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.