Mga dapat malaman kapag may tigdas ang isang sanggol
Ang tigdas o yung measles eh yung nakakahawang sakit dahil sa virus na nabubuhay sa mucous ng ilong at lalamunan ng taong may impeksyon. Pero mas delikado ba kapag sa bata o sa isang sanggol iyan nangyari? Oo naman, kasi kapag hindi yan naagapan, maaring umakyat sa utak ang virus o sa baga ng sanggol. Kaya talagang mahalaga ang bakuna kontra tigdas habang sanggol palang.
Mga sintomas:
- Pangunahin ng sintomas nito eh yung mga mapupula at makakating pantal. Sa simula para lang itong simpleng sipon, lagnat, pagbabara ng ilong o pananakit ng katawan. Minsan, namumula at nagluluha ang mga mata. Paglipas ng ilang araw, may susulpot na mapuputing marka sa bibig ng sanggol pagkatapos eh yung mga mapupulang pantal na sobrang makakati na magsisimula sa ulo pababa sa paa. Kapag nagtagal ang lagnat, pwedeng magkaroon sila ng diarrhea o magsuka pa nga. Minsan, napagkakamalan din itong dengue.
Nagkakaroon ng tigdas ang isang sanggol kapag nahawa niya ito mula sa isang adulto o bata na may tigdas din. Napakabilis niyang makahawa lalo na kapag bumahin, umubo o magkaroon ng direktang contact ang may tigdas sa sanggol. Kung minsan, dahilan din ang mahinang immune system at kakulangan ng sapat na nutrisyon o bitamina. Kung napansin mo na may sintomas ng tigdas ang anak mo, ano ang dapat mong gawin?
- Magpatingin na agad sa doktor. Gaya ng nabanggit kanina, kung lalala iyan, pwedeng magkaroon ng komplikasyon sa baga at sa utak ang bata lalo nat mahina pa ang katawan niya para labanan ang virus o bacteria.
- Kapag mataas ang lagnat niya, siguraduhin na lagi siyang umiinom ng tubig o kahit na anong fluid para di siya matuyuan o ma-dehydrate. Kapag matindi ang ubo niya, gumamit ng mga cooling vaporizer o pamahid at ilagay ito sa likod at dibdib niya. Iwasang gawing panggamot sa pantal ang kahit na anong pamahid ng walang pasabi ng doktor.
- Wag na wag basta papainumin ng kahit anong pampababa ng lagnat ang bata kung hindi ito inireseta ng doktor. Numero unong dapat iwasan eh yung aspirin dahil pwede itong makamatay. Kung sa loob ng anim na araw eh hindi padin nababa ang lagnat niya, kailangan niyang maturukan o makainom ng antibiotic para sa bacterial infection.
- Iwasan na lumapit ang bata sa kahit na anong maduming lugar at panatilihing palaging malinis ang suot niyang damit. Iiwas muna siya sa anumang contact sa laruan dahil karaniwan ng isinusubo nila ito.Nakakahawa talaga ang tigdas kaya ilayo muna ang sanggol sa ibang bata lalo na yung walang bakuna kontra tigdas.
- Palaging I-monitor ang lagnat niya at iwasang matuyuan ng pawis
- May mga nagsasabi na bawal sakanila ang malalansa na pagkain gaya ng itlog o isda pero hindi pa naman yan talaga napapatunayan.
Marami ka ding magagawa para makaiwas ang sanggol sa tigdas. Numero uno jan eh yung pagpapabakuna ng MMR vaccine. Hindi niyang 100 porsyentong masisiguro na hindi sila magkakatigdas. Pero kapag may bakuna sila, mas malakas ang depensa nila sa tigdas at kung magkaroon man sila, hindi ito magtatagal o magiging kasing lala ng iba. Syempre malaking bagay din kung iiwas sila sa mga may tigdas kasi talagang nakakahawa ito. Panatilihin na laging malakas ang resistensya ng bata at pakainin sila ng masusustansya.
Pabago-bago ang panahon sa ngayon kaya talagang kailangan ng doble ingat. Kapag may sintomas na ang anak mo, wag magpaliban. Nakatulong sana sayo ang mga nabanggit na yan.