Ebola: Ano symptoms, lunas, cure, treatment, sintomas, sanhi

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ano ba ang Ebola? / Unsa ang Ebola?

Ang “Ebola Virus Disease (EVD)”, na tinaguriang “Ebola hemorrhagic fever” noon, ay isang klase ng malubhang karamdaman at karaniwang nakakamatay na sakit sa mga tao. Ang virus ay napapasa mula sa mababangis na hayop at naikakalat sa mga tao sa pamamagitan ng tao patungo sa isa pang tao na transmisyon. Mataas ang tsansa na makaomatay ang Ebola – nasa 50% ang tsansa na makakitil ito ng buhay. Severe and often seriously lethal, the Ebola Virus Disease (EVD), is an acute illness which afflicts humans. It is a cause of mass outbreaks in several countries and has no cure yet.

Ebolagamotsymptomslunascuretreatment

Ano ang dahilan ng Ebola? / Unsa ang hinungdan nganong naay ebola?

Ang “Ebola hemorrhagic fever” ay isang sakit na dala ng Ebola virus na nagdadala ng hindi matukoy na mga sintomas sa maagang pag-atake ng sakit at kalaunan ay nagdudulot ng pagdurugo sa loob at labas ng katawan. Ang ebola ay tinataguriang isa sa mga pinaka-nakamamatay na impeksyon mula sa virus. May limang klase ng ebola virus ang nadiskubre at lahat ay nakamamatay. Sa isang malaking bansa, may mga epidemya na kumitil ng daan-daang katao.

The causative agent for the EVD is the Ebola virus. Five identified strains of Ebola are known as of the present. To where the Ebola virus lies dormant is not yet known. But it is said that the bats serve as reservoir.


Ano ang mga mararamdaman ng taong natamaan ng Ebola? / Unsa ang mga balatian kung matakbuyan ka ug Ebola?

Ang haba ng panahon na gugugulin ng virus na magdulot ng sintomas mula sa unang pagkakaroon nito ay nasa 2 hanggang 21 araw. Ang mga tao ay sinasabing hindi nakakahawa hangga’t wala pa siyang dinaramdam na sintomas. Ang mga unang sintomas ay ang biglaang pagkakaroon ng lagnat at panghihina, pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo at lalamunan. Ito ay sinnusundan ng pagsusuka, pagtatae, pamamantal at sintomas ng pagkasira ng kidney at atay. At kung minsan, mayroong panloob at panlabas na pagdurugo – halimbawa ay ang pagdurugo ng gilagid at pagkakaroon ng dugo sa tae.


Paano natutukoy kung mayroong ebola ang isang indibidwal? / Unsaon pagkabalo nga nay ebola ang us aka tao?

Ang ebola ay maaaring mapagkamalang malaria, meningitis o typhoid fever. Dahil dito, kailangang kumpirmahin kung ang mga sintomas ba na nararamdaman ng isang tao ay dala ba ng ebola. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng iba’t-ibang pagsusuri. Isa na dito ang “antibody-capture enzyme-linked immunosorben assay (ELISA)”, at marami pang iba na kinakailangan upang malaman kung paano lulunasan ang sakit. The ebola virus attacks the cells of the body and challenges the immune system. Incubation period is 2 to 21 days. The person first suffers from a sudden start of a fever, then fatigue and muscle pain sink in, and also headache and sore throat are present. There is bleeding as manifested by internal bleeding – blood in the stools, or external bleeding – like gum-bleeding.


Mga lunas at bakuna para sa ebola. / Mga tambal ug bakuna para sa ebola.

Ang pagtugon sa mga sintomas – ang pagbibigay ng karagdagang tubig at “dextrose” – at ang paglunas sa mga spesipikong sintomas ay nagpapataas sa tsansa ng pagkabuhay mula sa ebola. Wala pa sa ngayong napatunayang lunas para sa Ebola. Subalit, may malawak na pamamaraang posibleng makalunas dito tulad ng mga produktong mula sa dugo at mga “immune at drug therapies” kung tawagin. Wala pa sa ngayong lisensyadong bakuna ngunit may dalawang potensyal na “vaccines” ang sumasailalim sa pagsusuri upang maging ligtas gamitin ng mga tao.

There is no treatment yet known to cure Ebola. But there are ways that when observed are of great help in the likelihood of survival namely: hydration and maintaining the balance of electrolytes, oxygenation and blood pressure maintenance at the optimum, and the management of other diseases as they occur. There are also vaccines and treatment that are being experimented but the question for safety in humans is yet to be researched further.

Upang maiwasan ang epidemya, ang wastong pagkontrol sa ebola ay nakasalalay sa pamamaraan ng pagharap dito kung sakaling magkaroon ng mga kaso. Ang mga pamamaraan ay ang wastong pamamahala, pagtukoy sa mga pasyente, magandang serbisyo ng mga laboratory, wastong paglibing sa mga labi kapag may namatay, at pagpapalawak sa kaalaman ng mga mamamayan ukol sa ebola. Ang komunidad ay nararapat na isali sa bawat programang ukol sa ebola. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wastong kaalaman sa pagtukoy kung paano makukuha ang ebola at kung paano ito hindi maipapasa sa iba, epektibong nababawasan ang paglaganap nito.


Para naman sa mga nagtatrabaho sa ospital at iba pang “health-care settings”, ang mga kawani nito ay marapat na bigyan ng “standard precautions” habang nakikipaghalubilo sa kahit anumang pasyente. Kalakip na dito ang parating paghuhugas ng kamay, paggamit ng mga “masks” at iba pang tinatawag na “personal protective equipment”, wastong pagbibigay ng gamot, at marami pang iba. At kung natukoy na ang pasyenteng mayroong ebola, ang “health-care workers” ay nararapat na gumamit ng ekstrang mga pamamaraan upang mapigilan ang impeksyon tulad ng pagsusuot ng “masks”, “gowns” at kung minsan “gloves”.

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.