Bacterial Meningitis (mininghitis) at ang Seryoso Nitong Epekto sa mga Biktima
Ang bacterial meningitis ay maaaring makuha sa kahit anong edad ngunit karamihan nito ay mga kasong mula sa edad na lima at pababa na mga kabataan. Ang mga lalaking bata ay mas nagkakaroon nito kumpara sa mga babae. Sa kabuuan, tatlong klase ng bacteria ang nagdadala ng bacterial meningitis at ito ay ang H. influenza type b, menigococcus, at pneumococcus.
Sanhi at Transmission
Ang mga bacteria na nabanggit ay napapasa sa pamamagitan ng paglanghap ng respiratory secretions from person-to-person. Ang ibang tao ay hindi alam na dala-dala nila ito halimbawa na lamang nito ang ang Pneumococcus na karaniwang sanhi ng mga infection sa tenga. Ang meningitis ay ang inflammation ng membranes (meninges) na nagsisilbing covering ng utak at spinal cord. Bilang covering ng utak, ang meninges ay nagsisilbing proteksyon sa utak mula sa paligid na mga threats. Ang pamamaga na dala ng meningitis ay nagdudulot ng tatlong tatak na sintomas ng meningitis at ito ay ang pananakit ng ulo, lagnat, at stiff neck. Ang meningitis na sanhi ng bacteria ay talaga namang nakamamatay kapag hindi nabigyang lunas.
Meningitis is typically due to a viral infection but can also be bacterial in origin, and less commonly caused by fungi. Bacterial meningitis is most commonly due to Streptococcus pneumoniae (pneumococcus) and Neisseria meningitidis (meningococcus). On the other hand, viral meningitis is a result of an infection brought about by an enterovirus. It is usually mild and often clears on its own. Lastly, cryptococcal meningitis is a common fungal form of the disease that affects people with immune deficiencies, such as AIDS. It's life-threatening if not treated with an antifungal medication.
Sintomas
Ang biglaang pagkakaroon ng bacterial meningitis ay nagpapakita ng shock, internal bleeding, purple spots, pagbaba ng consciousness, at mabilis na pagdeteriorate ng pasyente na maaaring ikamatay nito sa loob lamang ng 24 na oras. Kung dahan-dahan ito sa pagdevelop, karaniwang nagkakaroon ang bata ng ilang araw na sipon. Karaniwan silang may mataas na lagnat, sobrang sakit ng ulo, walang ganang kumain. Maaari rin silang magkaroon ng muscle aches, paninikip ng ilong, pagsusuka, stiff neck at seizure. Mapapansin mo ring sila ay napaka-iritable o kaya naman ay napakaantukin. Ang pagkakaroon ng purple spots sa katawan na nag-iindicate na may internal bleeding ay senyales na ang infection ay maaaring hindi na makontrol. Mayroon ring sintomas na dapat bantayan kapag mga bagong sanggol ay may meningitis. Ito ay ang mataas na lagnat, walang tigil na pag-iyak, masyadong irritable o kaya naman ay hindi magising, hindi masyadong gumagalaw, hindi dumedede, ang malambot na parte ng kanyang ulo ay nag-bubulge, at ang kanyang leeg at katawan ay tila naninigas.
Early signs and symptoms of meningitis are oftentimes mistaken for influenza. It typically develops over several hours or over one or two days. For patients age 2 years old and above, they may manifest sudden high fever, severe headache that isn't easily confused with other types of headache, stiff neck, vomiting or nausea with headache, confusion or difficulty concentrating, seizures, sleepiness or difficulty waking up, sensitivity to light, lack of interest in drinking and eating and skin rash in some cases, such as in meningococcal meningitis. On the contrary, newborns and infants with meningitis may show high fever, constant crying, excessive sleepiness or irritability, inactivity or sluggishness, poor feeding, a bulge in the soft spot on top of a baby's head (fontanel) and stiffness in a baby's body and neck.
Lunas
Di tulad ng viral meningitis, ang bacterial meningitis ay mas seryosong klase. Ang antibiotic therapy ang kailangan nito upang tumaas ang tsansa ng recovery. Kapag hindi agad nalunasan ng wastong antibiotic ang bacterial meningitis ay tumataas ang risk na magdevelop ng permanent na brain damage sa bata o pagkamatay. Noong 1991, may isang bakuna ang nagawa para sa H. influenza type b bacteria. At ito ay nagdulot ng napakalaking pagbaba ng number ng kaso. Mayroon na ngayong aprobadong vaccine para sa mga batang below 2 years old. Upang makompirma ang dahilan ng meningitis ay may tinatawag na lumbar puncture kung saan kumukuha ng fluid mula sa cerebrospinal fluid upang i-analisa. Tapos ay tinutukoy ang bacteria na dahilan ng meningitis. Pagkatapos nito ay sinisimulan agad ang anitibiotic therapy. Nagbibigay rin ang mga doctor ng anticonvulsant para maiwasan ang pagseizure ng pasyente. May tinatawag ring “corticosteroids” na mga gamot. Ito ay binibigay upang mabawasan ang pamamaga ng mga meninges. May mga “sedatives” ring ibinibigay para mabawasan ang restlessness. Ang iba pang mga gamot ay yung gamot para maibsan ang lagnat at sakit ng ulo. Sa pagrecover sa meningitis, yung hindi seryosong kaso ay maaaring magkaroon ng full recovery. Ang iba naman na nakakarecover sa grabeng mga kaso ay meron nang permanenteng damage sa utak at mga functions nito. Ang maagang pagtukoy at paghahanap ng lunas ang malalaking factors upang maagapan ang hindi magandang dulot ng meningitis.
Treatment for meningitis focuses on eliminating the cause. Hence, for bacterial meningitis, antibiotics are given. At the same time, the patient may also be given oxygen, intravenous fluids and steroids or other medication to help reduce the swelling around your brain. Admission in the intensive care unit for close monitoring may also be required. On the other hand, adequate rest, pain relievers and anti-emetics (anti-sickness) medicine for the vomiting are necessary for patients with mild viral meningitis. However, if the symptoms of viral meningitis are severe enough to require hospital admission, antibiotics will be given until the cause of the symptoms is known.
Home Remedies at Prevention o paano iwasan
Sinasabing, kapag may na-engkwentro kang may meningitis ay maaaring tumungo agad sa iyong doctor upang makapagtanong kung anong kailangang gawin upang maiwasan ang transmission nito. Kung babalikan natin, ang meningitis ay nakukuha mula sa infected na person na umubo, humatsing, humalik, nakipagshare ng gamit sa pagkain, toothbrush o sigarilyo sa taong hindi infected. Kung kaya naman dapat palaging maghugas ng kamay, “practice good hygiene” ika pa nila. Huwag manghiram ng gamit na hindi sa iyo lalo na kung ito ay gamit sa pagkain. Palaging maging malusog at malayo sa sakit at uminom ng vitamins. Takpan ang bibig kung uubo at hahatsing. Maaari ring magpa-bakuna para sa dagdag na proteksyon.