ANO MABISANG GAMOT SA BALISAWSAW? ANO SINTOMAS, SENYALES, SANHI, LUNAS

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano senyales at mga dapat mong malaman? Ano English translation meaning?

Naransan mo na din ba yan? Yung pakiramdam na hirap na hirap ka sa pag-ihi. Kumikirot ang pantog mo at masakit ang puson at balakang mo. Kadalasan pa, mayat maya kang makakaramdam ng pag-ihi pero kakaunti naman o baka wala pa nga. Ang pinakamalapit na ingles na termino dyan eh Strangury o Dysuria at mas kilala natin sa tawag na balisawsaw.

Ano sanhi ng Balisawsaw? Bakit nagkaka-balisawsaw?

Iba-iba ang dahilan ng balisawsaw. Sa babae, pwedeng UTI o yung Urinary Tract Infection. Pwede rin yan sa lalaki pero mas madalas eh dahil sa problema nila sa prostate glands. Habang umedad, mas malaki ang tyansa sa lalaki na magkaroon nito lalo na kung nahihilig sa maaalat. Kung problema mo yan, wag kang mag-alala dahil may solusyon naman. Eto yung ilan sa mga posibleng dahilan:

- Impeksyon sa Bato o Kidney

- Prostatitis o impeksyon sa prostate(namamagang pantog na karaniwan sa lalaki)

- Impeksyon sa matres

- Kidney stones o bato sa bato

- Mga ginagamit na sabon na msyadong matapang ang amoy.

- Mga sexually transmitted disease gaya ng HIV at AIDS

- Mga gamutan sa kanser at iba pa.

- Diabetes

Kung minsan, sinasabi din na malaki ang epekto ng emosyon o stress ng isang tao kaya nahihirapan siyang umihi. Hindi palaging iisa ang solusyon sa balisawsaw kahit na parang simpleng sakit lang naman yan. Iba-iba ang gamutan depende sa sanhi nito. Wag mong balewalain kasi maaaring may malala itong pinagmumulan. May mga kaso din na mas mapanghi ang ihi ng isang tao at mejo maitim ito. Baka dahil yan sa matindi na ang impeksyon.


Ano ba ang mga pwede mong gawin para magamot ito at mas maiwasan o pangontra?

- Ang paglapit sa doktor at pagpapakunsulta ng regular ang pinaka mabisang paraan. Syempre, bibigyan ka nila ng tamang gamot depende sa pinagmumulan ng balisawsaw. Kailangan mong ilang beses na magpa-urine test. Kung napapansin mo na nilalagnat ka na, mas tumitindi ang pananakit ng likod mo, o mas patindi ng patindi ang sakit ng puson at pag-ihi mo, tumakbo ka na agd sa doktor.

- Uminom ng tubig ng hindi bababa sa walong baso sa isang araw. Kung napapansin mo na mamula-mula ang ihi mo o may kasamang dugo, imonitor ang pag-inom mo ng tubig at antayin na maging normal ulit ang kulay ng ihi mo.Makaktulong din ang ibatibang klase ng juice gaya ng cranberry at buko juice. Uminom ng mga vitamin o kapsula na nagpapalakas ng kidney at tumutunaw ng bato. Syempre iwasan ng mga makemikal na inumin gaya ng soft drinks.

- Palaging maghugas sa tuwing matatapos ang pag-ihi. Regular na gumamit ng mga feminine wash at tiyaking malinis ang underwear o salawal na isusuot mo.

- Nakaka apekto din minsan ang sekswal na pakikipag-ugnayan ng isang tao. Kadalsan din na nagiging dahilan ng sakit na ito yung mga sakit na naipapasa dahil sa pakikipagtalik sa kung sino-sino.

- Maging maingat sa pagkain ng maaalat. Yung iba, talagang itinigil na nila qng pagkain ng maaalat.. Malaking tulong din ang ehersisyo para dumaloy ng maayos ang tubig at dugo sa katawan mo.

- Para sa Urethritis at UTI, kailangan ng antibiotic para maibsan ang pananakit at magamot ang impeksyon.

- Iwasan muna na magswimming sa mga mabubuhangin na tubig o maging maingat sa pinangpapaligo o pinanglilinis mong tubig. Baka kasi pasukin ng dumi ang matres mo at mas pagmulan yan ng problema.

Sa tamang pangangalaga at gamutan, pwedeng gumaling ang simpleng balisawsaw mo o kahit seryosong kondisyon pa yan. Nakatulong sana saiyo ang mga impormasyon sa artikulong ito.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.