Natural cures, halamang gamot at paano maiwasan ang Pigsa
Para sa mga maliliit na pigsa, makatutulong ang mga sumusunod na mapabilis ang paggaling at maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon:
· Lagyan ng warm compress at ibabad ang pigsa sa mainit-init na tubig. Gawin ito ng maraming beses kada araw. Para sa warm compress, magbabad ng twalyita sa mainit na tubig, pigain at ipatong sa pigsa. Makatutulong ito na bawasan ang pananakit at makatutulong na pumutok ng kusa at ma-drain ang pigsa. Kapag nagsimulang ma-drain ang pigsa, hugasan ito gamit ang antibacterial na sabon hanggang sa matanggal lahat ng nana. Pagkatapos ay pahiran ng topical antibiotic at takpan ng bandage. Ituloy ang paglinis dito dalawa o tatlong beses kada araw at ituloy ang warm compress hanggang sa tuluyang gumaling ang pigsa.
· Iwasang putukin, butasan o pisain ng pigsa para hindi kumalat ang impeksiyon.
· Iwasan ang kontaminasyon sa paghuhugas ng kamay matapos gamutin ang pigsa. Labhan din ang mga damit o twalyita na dumikit sa pigsa.