KELAN SAFE DAYS KO? Ano ang Rhythm o Calendar Method ng Natural Family Planning? Natural na paraan para hindi mabuntis

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ang kahulugan ng Rhythm o Calendar Method na Natural Family Planning?

Ang “Rhythm method” o (Calendar method/Calendar Rhythm method/Standard Days method) ay isang uri ng natural na family planning. Ang Natural Family Planning o NFP ay ang tawag sa kabuuan sa mga pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya na naaayon sa natural at moral na mga prinsipyo ng mga mag-asawa upang hindi makapagbuntis o magbuntis ang kabiyak. Ang NFP ay hango sa obserbasyon sa mga natural na pangyayaring nararamdaman at sintomas kung kalian pinaka-fertile o mabunga ang isang babae. Upang magamit ang rhythm method, kailangan subaybayan at obserbahan ang “pattern” kung kailan nag-oovulate o mabungang-mabunga ang babae. Ito ay nakakatulong upang malaman mo kung kailan pinakamataas ang tsansa mong makapag-dalang-tao. Kung umaasa kang magka-anak, maaari mong magamit ang rhythm method upang matukoy kung kalian ka makikipagtalik. At sa isang banda, kung iniiwasan mo pang magbuntis, upang malaman kung kailan ka iiwas muna sa pakikipagtalik. Ang paggamit ng “rhythm method” sa pagkontrol ng pagbubuntis ay nangangailangan ng wastong pagtatala sa mga sintomas at pagiging matiyaga. Kung hindi mo gustong mabuntis, ang iyong kabiyak ay dapat umiwas munang makipagtalik o kaya’y maaari siyang gumamit ng proteksyon sa mga araw na “fertile” o mabungang-mabunga ang babae

Paano ginagawa ang Rhythm o Calendar Method?

Ang Rhythm method ay itinatayang 95 porsyentong epektibo. Kailangan ng kooperasyon ng bawat mag-asawa upang maging matagumpay ang ganitong pamamaraan.

Mayroong tinatawag ding “Standard Days Method” o SDM, sa mga babaeng may “menstrual cycle” na 26 hanggang 32 ka araw lamang ito gumagana. Upang magamit ang ganitong paraan, ang mag-asawa ay hindi nagtatalik sa ika-walong araw hanggang ika-labing-siyam na araw sa menstrual cycle ng babae. Kapag ang babae ay mayroong higit sa isang cycle sa isang taon na mas maiksi kaysa sa 26 na araw, o kaya nama’y mas matagal sa 32 ka araw, ang lebel ng pagka-epektibo ng pamamaraan ay nababawasan.


Paano Ginagawa ang Standard Days Method (SDM)?

Sa isang ordinaryong kalendaryo, markahan ang araw ng una mong buwanang-daloy at markahan ito bilang Day 1 at bilugan. Pagkatapos ay sa kaparehong araw sa sumunod na linggo, lagyan ito ng Day 8 at bilugan. Bumilang ng isang araw lamang patungo sa Day 19 at bilugan. Markahan ng makapal na linya ang araw mula sa 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, at 19. Para sa labing-dalawang araw na ito, umiwas muna sa pakikipagtalik kung hindi mo pa gustong mabuntis. Ang ikawalo hanggang ika 19 na araw ay mga araw na mataas ang iyong fertilidad at ang puruhan na mabuntis. Ang ibang araw sa loob ng cycle ay maliit ang tsansa na makapag-buntis. Kaya naman hindi kailangang umiwas sa pakikipagtalik sa mga araw na ito. At kung kalian nagsimula ulit ang iyong sumunod na pagdurugo, markahan ito ng Day 1 sa bagong cycle. At gawin ulit ang nauna nang mga nasabi sa itaas. Lagyan ng parisukat ang bilang ng araw sa bawat cycle. Kaya naman dapat palagi kang may record ng iyong cycle. Kapag ang cycle ng iyong buwanang-daloy ay lumagpas sa 32 ka araw o mas mababa sa 26 ka araw ay dapat pumili ng iba pang natural family planning.




Mga Pwedeng Asahan sa Standard Days Method o SDM

Upang magamit ang pamamaraan na ito, kailangang:

· I-record ang haba ng iyong buwanang-daloy sa loob ng 6 hanggang 12 beses na menstrual cycles.


· Dapat mo ring malaman ang pinaka-maiksing bilang ng araw ng iyong buwanang-daloy. Bawasan ng 18 ang bilang ng araw ng pinamaiksing cycle na ikaw ay pinaka-“fertile”. Ang resultang numero ay ang bilang ng araw na ikaw ay napaka-“fertile”.

· Kailangan ring tukuyin ang pinakamatagal mong menstrual cycle. Bawasan lamang ito ng 11 at ang resulta ay nag-rerepresanta sa huling mga araw ng iyong “fertle days”. Halimbawa, kung ang iyong pinakamahabang cycle ay 32, bawasan ng 11, ang resulta ay 21. Sa halimbawa na ito, ang Day 21 ay ang huling araw na ikaw ay fertile.

· Planuhing mabuti ang pakikipagtalik lalo na sa “fertile days”.


Ang kailangan lang tandaan ay maraming mga “factors” na maaaring maka-apekto sa oras ng “ovulation” o ang pag-mature ng itlog ng babae. Kaya naman kung irregular ang iyong “menstruation” ay hindi ito magiging epektibo nang lubusan.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Mitch Chua
is a sales in the Philippines
Salamat po Dr jen at naliwanagan aq.... pero bat po sabi ng ob ko dapat sa loob ng 11 day na pagkafertile ko dapat ang gawin namin ay day 11 sex day 12 no sex parang alternate or skip palagi 1 day para daw po lumapot yung sperm at eggcell.... :)
Margarette Magculang
is a travel agent in the Philippines
irregular po ako doc,.minsan nga 2weeks late na,..ex po,pag nagkameron ako ng january 1 to 4 sa february po mga 6 na ako dadatnan then march12 hanggang mag iba iba na,...nhihirapan po ako mag calendar method..help po doc
Medical Team
is a Medical expert in United States
Pwede mo gamitin ang pregnancy calculator upang malaman kung kalian ka fertile at safe: http://www.buhayofw.com/postque/other-diseases-of-ofws
Mary Rose Arcilla
is in the Philippines
may tanong lng po ako doc. last menstration ko po nung July 28 Hangangang ngayon po hindi pa po ako ngkakaroon posible po ba delayed nako or buntis?
Medical Team
is a Medical expert in United States
May mga over the counter pregnancy test kits na mabibili sa mga pharmacy/drug stores para malaman kung buntis ka o hindi. Pwede ka na magpa-test ngayon. O pwede ka rin pumunta sa ob-gyn para magpa-test.
Kapag buntis ka at gusto mo malaman ang due date mo, gamitin ang pregnancy calculator: http://www.buhayofw.com/postque/other-diseases-of-ofws
1 person likes this
Mary Rose Arcilla
is in the Philippines
salamat po. doc
Ayen Lewl
is in the Philippines
Hi. Im 16 yr Old girl. Nagkamenns po ako nung Aug. 20-24 nakipagsex nman po ako nung sept. 11 Malaki po ba ung Chance na mabuntus ako? :(
Chard Naganio
is in the Philippines
Hello doc. Ask ko lng po yung gf ko po ksi last period is nov.2 tpos may nangyri po smin nov.23 withdrawal method po. Expected po nya mgkaroon n sya ng nov.29 pero wala prin po syang mens. Natakot po kmi kya ng pregnancy test sya knina negative nmn po ang result pero di prin sya dinadatnan. May lumalabas din daw po parang liquid n puti skanya. Normal lng pi b yun bgo mgkaroon ang isang babae? 18 yrs old plang po sya. Mraming salmt po s pagsagot doc
Ikol Bana
is in United Arab Emirates
Hi Doc, may ask po ako. Ung mens ko po is regular. Last mens ko nov 8-13 2014. Nag make love po kmi ng asawa ko ng nov27-dec3 po dahil nagleave po sya pinapasok nya po lahat un and last contact namin is nung sept pa so ilang months din po akong natengga dhil nasa abroad sya.. Till now po Dec 16 wala pa akong mens. Noong dec 12 binilhan ako ng pt ng asawa ko ung isa pong line is malabo. Maari po bang buntis ako? Maraming salamat po.. Sna makarinig pi ako ng feedback asap! Thankyou po more powers. Godbless
Analiza Dingal
is in the Philippines
hello po Dr. Jen tanong ko lang po pwde po ba mabuntis kahit mababa ang matris ??
Jamie Sanchez
is in the Philippines
Hi Dr. Jen, asj ko lang po nag start po kc ung menstration ko ng march 21,2015, den nag end po xa ng march 24 or 25, d po me sure kung anong date ng end, then march 29, nag make love kmi ni husband, pinasok nya sa loob,first menstration ko po ung march 21 after i gave birth on jan. 1, so my posibility pp b akong mabuntis ulet, pls reply
Diana Hermosa
is in Hong Kong
Nagtalik po kami ng boyfriend ko Nung last day ng menstruation ko hanggang 5 Araw na pagtatalik ng walang condom at paginom ulit ng pills. Pro nadidikit Nya ang many ang penis sa cervix ko po. My posibilidad po ba ako mabuntis?
Ren Mina
is in the Philippines
Dr. Jen. nagkaperiod ako ng may 20 then nag sex kame ng bf ko may 31. safe pa rin ba ako kahit winidraw nia naman lahat? Kase po yung period ko minsan delayed katulad po last time nagkaperiod ako april 10 ang expeceted na dating ng period ko may 5 pero nagperiod nlang ako May 20 na. Pakisagot po pls. Thank you!
Kate Guzman
is in France
Doc..ask lng po..last mens ko po august 13...at ginamit aku ng asawa ku august 17..may pasibility po bah na mabuntis aku??
Jamelle Tuazon
is in United Arab Emirates
may ask po aku ngmens aku ng august 12 tpos mga 2days nun mejo mhina na mens ko nun den after 3days spot nlng siya tpos ngsex po kmi ng asawa ko nung august 22 my chance po ba aku g mbuntis?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Doc posible po ba mabuntis gf ko kahit di ko inirelease sa kanya lahat ng sperm kopero baka kasi may nailabas akong kaunti sa ano nya e.natatakot po kasi kami pareho baka magkabunga. First time kasi namen. Salamat doc
Marco Tolentino
is in the Philippines
Active pa po ba to?
Jhane Fiona
is in the Philippines
Doc maari po ba mabuntis if ung men's dumating July 30 tapos nakipagtalik nung Aug 21 . then tpos irreg po and mens!?? Thanks
Pia Alcantara
is in the Philippines Medical History
Hi doc. Ask kulang po kung safe po ba makipag sex. Kapag irregular ka. First-time kulang maeregular. The time ngtake aku ng pills. Tapus hinunto ku. 11 po aku ngkaruon then 15 po nakipgsex aku without protection. Ung regular Means ku po every 1 or End Of The month . Posible po kaya doc?? Thank you and god bless
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.