Ano ang sikreto ng pagpapaputi ng kutis, balat at muka?
Ang Skin Whitening o ang pagpapaputi ng balat at kutis ay ang paraan o proseso ng paggamit ng mga kemikal para paputiin ang kulay ng balat o para pagpantayin ang kulay ng balat sa pamamagitan ng pagbawas sa melanin. May mga kemikal na napatunayang epektibo sa pagpapaputi ng kulay ng balat, ngunit meron din mga napatunayang delikadong gamitin. May mga taong gumagamit ng mga produktong pampaputi para sa mga problema sa balat kagaya ng age spots, acne scars, at discoloration dahil sa mga hormones. Pero kadalasang gumagamit ng pampaputi ang mga tao para pumuti ang natural na kayumangging kulay ng balat.
Ano ang nagbibigay kulay sa balat?
Ang melanin sa balat ang nagbibigay ng kulay dito. Ang melanin ay pigment na nagmumula sa mga cells na tinatawag na melanocytes. Nalalaman ang kulay ng balat base sa dami ng melanin nito. Kapag mas marami ang melanin, mas maitim ang kulay ng balat. Ang dami ng melanin sa balat ay nakadepende sa lahi o genetic makeup ng isang tao. Naaapektuhan din ang produksiyon ng melanin kapag nabilad sa araw, naaapektuhan ng mga hormones, pagkasira ng balat, at exposure sa mga kemikal.
Kusang bumabalik naman sa dating kulay ang mga balat. Halimbawa, ang tan color na balat ay unti-unting mawawala kapag nabawasan ng pagkabilad sa araw. Ngunit may mga pangingitim kagaya ng age spots o liver spots ang pwedeng maging permanente sa katagalan.
Ano Mga Paraan ng Skin Whitening? Ano mga pinaka mabisang gamot o lunas?
Sa panahon ngayon, marami nang uri ng produkto na magagamit para pumuti ang kulay ng balat. May mga cream, lotion, sabon, deodorant, at iba pa. Ang mga produktong ito ay naglalaman ng mga sangkap na may kakayahang magpaputi ng balat. Nagagawa ng mga ito na paputiin ang balat sa pamamagitan ng pagbawas o kaya naman pagpigil sa produksyon ng melanin. May mga produktong naglalaman ng mga natural na sangkap kagaya ng kojic acid at mayroon ding naglalaman ng mga gamot na nakakapagpaputi kagaya ng tretinoin. Ang sangkap na hydroquinone naman ang pinakamadalas gamitin na pampaputi, ngunit kinokontrol ang paggamit nito dahil maaari itong magdulot ng masamang epekto sa balat at kalusugan.
Maliban sa mga produkto, mayroon ding mga proseso na ginagawa kagaya ng laser treatments para paputiin ang balat. Ginagawa ito kapag hindi epektibo o kaya hindi sapat sa pagpapaputi ang paggamit ng mga produkto lamang.
Upang makasiguro, importante ang gumamit ng natural na paraan sa pagpapaputi. Narito ang iilang mga natural na produkto na maaari nating gamitin:
1. Maligo gamit ang katas ng KALAMANSI
Isa sa mga kilala at pinakamabisa na pampaputi ay ang kalamansi. Nagtataglay ang kalamansi ng alpha-hydroxy acids (AHA), na nagtatanggal ng mga dead skin. Ang katas ng kalamansi ay naglalaman ng citric acid kung saan nakakapagpalinaw ng kutis. Habang naliligo, gamiting pang-banlaw ang tubig na may halong juice ng kalamansi o lemon. Nakakatulong ito upang tumingkad o lumiwanag ang kulay ng balat.
Mga Dapat Gawin:
- Pigain ang kalamansi at ialagay sa malinis na tabo. Haluan ng tubig ang katas ng kalamansi. Tandaan, mas maigi na magkasing dami ng sukat ang juice ng kalamansi at ang tubig. Upang maiiwasan ang panlalagkit sa balat kapag hinaluan ng tubig.
- Isawsaw ang bulak o cotton ball at ipahid sa mukha , leeg , dibdib , siko , tuhod , at iba pang parte ng katawan na nais mong paputiin.
- Ibabad sa loob ng dalawampu minuto o 20 minutes. Hugasan ito ng maligamgam na tubig o warm water. Iwasang magpaaraw dahil ang balat mo ay magiging sensitibo dala ng paglagay mo ng katas ng kalamansi.
- Nakakapag-patuyo ng balat ang juice ng kalamansi kaya huwag kalimutan na mag-lagay ng moisturizer. Makakatulong din ang lotion na may moisturizer.
- Gawin ito ng tatlong beses sa isang lingo. Paalala, bawal itong gawin ng madalas dahil masisira ang kutis o di kaya ay magkakairita.
2. Kuskusin ang balat gamit ang hilaw na PATATAS
Maniwala ka o sa hindi ang patatas ay hindi lamang kinakain, kundi pampaputi at pampaganda ng kutis. Ang patatas ay nagtataglay ng Vit. C. Ngunit hindi lamang ang patatas ang mayroong Vit. C. May mga gulay din na mayaman sa Vit.C , kagaya ng kamatis at pipino. Kung wala kang pundo ng patatas sa bahay , maaari mong gamitin ang ibang gulay na mayaman sa Vit. C. Maraming nabibili na cream na mayroong Vit. C sa tindahan o over the counter. Subalit mas mabisang paraan ang paggamit ng hilaw na patatas. Gamitin ito ng ilang beses sa isang linggo.
Mga hakbang sa paggamit:
- Hiwain ang hilaw na papatas ng makakapal.
- Kuskusin ang nahiwang patatas sa balat na nais pumuti.
- Hayaang matuyo ang mamasa-masang balat. Banlawan ng mainit-init na tubig ang balat.
3. Paggawa ng luyang dilaw o TURMERIC PASTE (Nabibili ang turmeric sa mga supermarket)
Ang turmeric ay isa sa mga tanyag na ginagamit pansahog ng mga Indian sa kanilang niluluto para pampalasa. Matagal ng panahong ginagamit na
pampaganda ng balat ang luyang dilaw. Pinaniniwalaan na ang turmeric ay nakakaiwas sa pagkaroon ng maitim na balat. Wala pang patunay na
epektibo nga ito. Subalit halos lahat ng mga gumagamit ng luyang dilaw ay nasiyahan sa kinalabasan nito.
Paraan sa paggawa ng turmeric paste:
- Haluin mabuti ang turmeric at olive oil, upang makagawa ng paste.
- Magpahid ng manipis sa balat o kung saan parte mo nais pumuti.
- Hayaan ito ng 20 minuto, pagkatapos banlawan ng maligamgam na tubig.
Paalala : Magbibigay ng mantsa sa balat na kulay dilaw ang luyang dilaw. Huwag mangamba dahil kusa din itong mawala.
4. Paggamit ng ALOE VERA
Ang aloe vera ay tanyag din sa pagpagaling o lunas ng nasunog na balat. Naglalaman din ito ng antraquinone. Tumutulong ito sa pagpapalinaw ng balat dahil unti-unti nito nababaklas ang mga patay na balat na nakakapit. Matatagpuan ito parati sa mga sangkap ng mga lotion at cream. Para sa magandang kalalabasan gumamit ng totoong aloe vera o di kaya ay bumili ng purong aloe vera.
Paano gamitin:
- Ipunas sa buong mukha ang aloe vera.
- Patagalin ng dalawampung minuto sa balat hanggang sa matuyo at masipsip ng mukha.
- Maaari ng banlawan o hayaan na lang na nakababad sa mukha. Ang aloe vera ay maraming pakinabang sa ating balat , kaya hindi na kailangang banlawan.
5. Banlawan ang balat gamit ang TUBIG NG BUKO (kulay green).
Isa ang tubig ng buko ang masasabing natural na paraan sa pagpaputi. Subalit hindi pa ito napag-aralan ng mga dermatologist. Ngunit , ang mga
gumamit nito ay napatunayan na malaki ang tulong nito sa pagpapaganda ng kutis.
Mga paraan:
- Kumuha ng tubig ng buko. Siguraduhin na ito ay walang halong tubig o di kaya ay kemikal. Magbukas ng buko na kulay green at kunin ang
tubig.
- Isawsaw ang cotton ball sa tubig ng niyog. Ipahid sa mukha at sa mga parte ng katawan na gusto mong paputiin.
- Ibabad ng 20 minutes , pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig.
Ano mga Panganib ng Skin Whitening?
Sa paggamit ng mga pampaputing produkto o proseso, kasama dito ang mga sumusunod na panganib:
· Ang matagalang paggamit ng mga pampaputi ay maaaring madulot ng premature skin aging.
· Ang matagalang paggamit ay nagpapataas ng panganib ng skin cancer kapag nabilad sa araw. Ugaliing gumamit ng sunscreen kapag gumagamit ng pampaputi.
· Ang mga sangkap ng pampaputi ng balat at kutis kagaya ng steroids ay maaaring magpataas ng panganib ng impeksiyon sa balat, paninipis ng balat, acne at mahinang paggaling ng mga sugat. Ang paggamit nito sa malaking bahagi ng balat ay maaaring magdulot ng mga karamdamang dinudulot ng steroids sa katawan.
· Maaaring magdulot ng skin discoloration ang hydroquinone.
· May mga sangkap na nagdudulot ng iritasyon o kaya allergic reaction sa balat.
PAANO MAGPAPUTI NG KUTIS, MUKHA AT BALAT? Ano mabisang Gamot o ano dapat gawin, how to make skin whiter whitening smooth
May side effects po ba ang pagpaputi ng skin? Ano po mga panganib
Normal lang na maging na magkaroon ng side effects ang mga produkto na ginagamit sa ating kutis, kaya mabuti na ikaw ay mapagmatyag. Kelangan tignan ang ingredients ng mga kemikal na ginamit sa produkto, at kung naaayon sa ating balat. Iwasan ang mga produkto sa mercado na naglalaman ng hydroquinone at mercury, dahil ito ay mas nakakasama kaysa sa nakakatulong. Sa katunayan, maraming bansa ang ipinagbabawal ang mga produktong merong ganitong sangkap.
Medical History
Anu-ano po mga gamot ang meron o mabibili para mapaputi ang balat ko at kutis? Matagal ko na pong gustong magkaroon ng natural na maputing kulay ng balat. Narinig ko na pwede daw magpa-laser treatments na permanenteng magpapaputi? Totoo po ba to? Ano po ba mga iba pang pwedeng pagpilian na solusyon o lunas?
Ayon sa mga dermatologists, maraming pagpipilian tulad ng bleaching creams, chemical peels at lasers. Ngunit nangangailangan na magpakonsulta ka muna sa isang board-certified dermatologist upang matukoy kung ano ang pinakamabisang solusyon para sa iyo. Kailangan mo ring tandaan na kahita alin man lunas ang napili, hindi permanente ang resulta. Pinakamainam pa rin ang pagiwas sa pagbilad sa araw at ang paggamit ng sunscreen o sunblock (SPF 30 na may zinc oxide). Kumain ng tama na may gulay at prutas, uminom ng maraming tubig, at gumalaw galaw at magehersisyo. Nakikita ang kagandahan sa anumang kulay o anyo. Hindi natin kelangan gumaya o maimpluensya sa pilit na isinusubo sa atin ng media sa may mapuputing balat. Ang kayumanggi na kutis ay kasing ganda rin ng maputi.
Medical History
Mabisa po ba ang Glutathione pills pampaputi? Meron po ba itong side effects?
Pinagiisipan ko po kasi bumili ng glutathione capsules para magpaputi. Narinig ko po kasi na ginagamit ito ng maraming artista. Safe po ba gumamit o uminom ng glutathione?
Pinagiisipan ko po kasi bumili ng glutathione capsules para magpaputi. Narinig ko po kasi na ginagamit ito ng maraming artista. Safe po ba gumamit o uminom ng glutathione?
Isang anti-oxidant ang Glutathione na ginagamit para sa atay at paglilinis ng dumi sa loob ng katawan. Dahil dito, pumuputi at lumiliwanag ang kutis. Ayon sa pagaaral, mas epektibo raw ang glutathione kapag sinabayan ito ng Vitamin C. Malimit na ginagamit ang glutathione sa Asya, ngunit siguraduhing kilalang kumpanya at produkto ito.
Mayroon ding mga posibleng panganib ang paginom ng glutathione pills, dahil may mga eksperto nan a gsasabing may panganib ito sa ating bato o kidney kapag napasobra. May mga pagaaral din na nagpapakita na ang IV injection ng glutathione ay merong mga side effects tulad ng pagsusuka, allergies, at problema sa atay.
Mayroon ding mga posibleng panganib ang paginom ng glutathione pills, dahil may mga eksperto nan a gsasabing may panganib ito sa ating bato o kidney kapag napasobra. May mga pagaaral din na nagpapakita na ang IV injection ng glutathione ay merong mga side effects tulad ng pagsusuka, allergies, at problema sa atay.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.