Uhog na may dugo: Bakit pag-ubo o pag-dahak ng may dumudura pagdurugo?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ano ba sanhi o dahilan ng dumudura ng dugo?

Kung nararanasan mo yan, malamang na mag-alala ka. Pero baka hindi naman ganon ka-seryoso ang kaso mo kung bata ka pa at malusog. Mas dapat tutukan at seryosohin ng mga may edad na ang ganitong sitwasyon, lalo na kung naninigarilyo o nag-iinom sila sa mahabang panahon. Haemoptysis ang tawag sa ganyan.

Baka napapadalas ang pag-ubo o pag-dahak mo ng laway o plema na may kasamang pag-durugo na kadalasan ng nang-gagaling sa baga. Sa umpisa, di mo yan nararamdaman pero habang tumatagal, mas napapadalas na to at mas kapansin-pansin na. Kung may kasama naman iting hibla ng pagkain at maitim na dugo, malamang na galing yan sa bituka mo. Kailangan mo ng pumunta agad sa doktor. Ang sputum naman ay yung magkahalong plema at laway. Kung minsan, baka may mapansin kang sputum na may kasamang dugo. Yan ang karaniwang sintomas ng Laryngitis, Bronchitis, Impeksyon sa Baga o iba pa. Mas matindi pa, maari tong humantong sa kanser sa baga, impeksyon sa mga airways, pneumonia at mas seryoso pang mga kondisyon. Kailangan mo na talaga ng medikal na atensyon. Madming test ang ginagawa para matiyak yan gaya ng X-ray at CT Scan. Kung napapansin mo na madalas kang lagnatin, panginginig ng katawan, kawalan ng gana sa pagkain, pag-bagsak ng timbang o pagkahilo, baka may problema ka na nga sayong respiratory system. Para din itong hika. Hirap ka sa pag-hinga at nagbabara ang daluyan ng hangin patungo sa baga mo. Mas mabuti kung malalaman agad kung san ba nagmumula ang pagdurugo. Baka naman kasi may sira lang ang ngipin o mga gilagid mo kaya naipagkamali mo na galing ang dugo sa baga mo.

Anuman ang dahilan, mahalagang magmadali na sa pagpapa check-up. Heto ang listahan ng mga magagawa mo sa ngayon habang hindi pa o nakapagpatingin ka na:

-Umiwas sa mga usok o maduduming hangin na pwede mong malangahap.

-Iwasan din ang mga pagkaing pampaubo gaya ng mamantika, masyadong matatamis o mga instant foods na makemikal.

-Siguraduhing malinis palagi ang paligid mo at magtakip ng panyo sa tuwing babahing. Hwag ugaliing dumura sa kung saan-saan nalang. Ingatan ang sariling mga gamit, para di makahawa.

-Kontrolin ang sarili sa paninigarilyo at pag-inom ng alak. Eto ang numero unong dahilan ng sakit sa baga.

-Uminom ng maraming tubig dahil nakakatulong yan sa pagpapalabas ng plema.

-Iwasan din ang magbabad o pumunta sa malalamig na lugar. Kapag galing sa mainit na temperatura, magpunas agad upang di matuyuan ng pawis.

-Iwasan ang stress at labis na pagpapagod.


Iba-iba ang paraan ng pag gamot sa pagdahak o pag-ubo ng may plema at dugo. Depende yan sa pinagmulan. Karaniwan ng umiinom ng anti-biotics ang pasyente para mapigilan ang pag-kalat ng virus at impeksyon. May mga tinatawag din na cough suppressants para matigil ang labis at paulit-ulit na pag-ubo. Baka irekomenda sayo ng doktor ang operasyon kung talagang seryosong kaso ang nararamdaman mo. Sa ganyang sitwasyon, mahalaga ang pagiging postibo. Kaya kumilos na ngayon. Huwag ipagwalang-bahala ang amliliit na senyales. Mahalaga ang kalusugan. Sana ay nakatulong sayo an artikulo na ito.


About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.