Ano Phobia, Takot, Pobya? Sanhi, Lunas, Gamot, Kahulugan

Medical Team
is a Medical expert in United States

Bakit kung minsan may kinakatakutan bagay na wala namang kadahilanan? / Ngano man usahay naa may mga butang nga imong gakahadlukan pero wala ka kabalo ngano nahadlok ka sa ila?

Narinig mo na ba ang salitang “phobia”? Maaaring naramdaman mo na rin ito noon. Ang “phobia” ay isang seryoso at walang basehan na takot sa isang bagay o sitwasyon na hindi naman talaga delikado ngunit para sa may “phobia” ay nakakapagdulot ng sobrang pagkabalisa at pag-iwas sa naturang bagay. Ang “phobia” ay hindi basta-bastang nawawala at nagsasanhi pa ng mga pisikal at saykolohikal na mga reaksyon, at maaari ring makaapekto sa iyong trabaho at relasyon sa iba. Hindi lahat ng “phobia” ay nangangailangan ng medikal na atensyon. Ngunit kung ito ay nakakaapekto na sa iyong pang-araw-araw ng gawain, maraming “therapy” ang matatagpuan upang matulungan kang talunin ang iyong mga takot.

Ano ba ang mga kaibahan ng normal na takot kumpara sa “phobia”? / Unsay mga diperensya sa normal nga pagkahadlok ug “phobia”?

Dahil hindi normal ang “phobia”, maaaring ikumpara natin ito sa normal na takot upang malaman natin kung tayo na ba ay meron ng “phobia”. Ang ilan sa mga kaibahan ay ang mga ito: Ang normal na takot ay ang pangangamba kung ikaw ay nakakaramdam ng “turbulence” habang sumasakay ng eroplano. Nagiging “phobia” ito kapag hindi ka nakadalo sa kasal ng iyong matalik na kaibigan dahil kailangan sumakay ng eroplano upang makarating sa lugar na kanilang pagkakasalan. Isa pang halimbawa ay ang pagranas ng pananakit ng tiyan kapag nasa taas ka ng isang gusali. “Phobia” ito kung hindi mo tinanggap ang isang trabaho dahil nasa napakataas nitong palapag. Isa pang halimbawa ay ang pagkatakot kung nakakita ka ng malaki at mabangis na aso. Nagiging “phobia” ito kung ayaw mo nang pumunta sa parke dahil may maliit na aso doon. Normal rin ang pagkatakot sa karayom ngunit kapag ayaw mo nang magpagamot dahil natatakot ka sa karayom, ito ay “phobia” nang maituturing.


Bakit ba nakakaalarma ang pagkakaroon ng phobia? / Ngano mang makaalarma man kung naa kay “phobia”?

Ang mga taong may phobia ay nagsisikap na iwasan ang mga bagay na kanilang kinatatakutan. Kapag hindi nila ito naiwasan, maaari silang makaramdam ng pagkabalisa at sobrang takot, mabilis na pagtibok ng puso, hirap sa paghinga, panginginig, at nagpupumidlas upang makalayo sa bagay na iyon. Karaniwang nagsisimula ang pagkakaroon ng “phobia” simula pagkabata at nadadala hanggang tumanda. Wala pang nalalaman na tiyak na dahilan kung bakit nagkaka-phobia ang isang tao.


Ilan sa mga karaniwang phobia. / Pipila sa mga komon nga phobia.

“Agoraphobia” – ay ang takot na mapunta sa lugar na napakaraming tao. Ang apektado nito ay karaniwang umiiwas sa pakikipagrelasyon at nagtatago lamang sa bahay.

“Social phobia” – ay ang sobrang takot sa pakikipaghalubilo sa ibang tao. Ito ay maaaring umabot sa punto na kahit ang simpleng pakikipag-usap, halimbawa ang pag-order sa restaurant ay hindi maisagawa. Alam rin ng may sakit na meron siyang problema pero hindi niya napipigilan ang sarili na matakot.

Mga phobia na tiyak para sa mga spesipikong bagay o sitwasyon. Ang mga pinakakaraniwan ay ang:


“Nyctophobia” – takot sa dilim;

“Arachnophobia” – takot sa gagamba;

“Hemophobia” – takot sa dugo o pinsala sa sarili o sa iba;

“Dentophobia” – takot sa mga dentista o pagpapabunot ng ngipin; “Claustrophobia” – takot sa masisikip na lugar at espasyo;

“Acrophobia” – takot sa matataas na lugar o nalulula sa mataas na lugar; at marami pang iba.



About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.