Ang problema sa pagkabagot o pagkainip ay nagmumula kung paano mo pinapamahalaan ang iyong pansin o atensyon.
Ang pagkainip at pagiging abala ay nagmumula sa pakiramdam ng kakulangan ng klarong pag-iisip kung ano ang sumasaklaw sa iyong pansin. Ang pagkainip ay ang pakiramdam na kunti lang ang mga paraan upang igugol ang pansin. Ang pagiging abala o busy naman ay sapilitang pagkainip. Ibig sabihin nito ay may mga maraming magagandang paraan upang maiukol ang pansin, ngunit ang ito’y nawawala bago mo pa man ito magamit.
Ang Pagkainip ay nasa iyong Isip
Ang mga pakiramdam ng pagkainip at pagiging abala ay parehong subjective o pansarili. Hindi mo masasabi at i-claim na ito ay busy o boring. Halatang ang mga damdaming ito ay pansarili, ngunit nawawala ang isang mahalagang punto. Ang tunay na problema ay ang kalidad ng pagbibigay pansin.
Ikaw ay may nagagawa, abala o naiinip man, dahil ang iyong pansin ay may pinanggagalingang bagay o dahilan.
Maaari mong matandaan ang mga panahong ikaw ay may ginagawa. Maaaring ito’y tungkol sa isang proyektong gustong-gusto mong gawin, paggugol ng oras sa iyong pamilya, sky diving o bakasyon. Bakit nakatuon at ginagawa mo ang mga ito at hindi ang ibang bagay?
Unawain Kung Bakit Ka Naiinip
Bago mo masosolusyunan ang pagiging pagkainip, dapat mong maunawaan kung bakit mo nararadaman ito.
- Nararamdaman mo bang ikaw ay pagod o tamad?
- Ikaw ba ay unmotivated upang gawin ang mga bagay na nais mong gawin?
- Pakiramdam mo ba ay hindi mo nagagawa ang mga bagay na gusto mong gawin?
- Pakiramdam mo ba ay hindi mo alam kung ano ang gagawin?
Mga paraan upang malabanan ang Pagkainip
1. Magkaroon ng Sapat na Pahinga
Ang pagkainip at pagod ay interrelated o may kaugnayan. Sa pagiging pagod mo, nakakagawa ka ng isang direktang ruta patungo sa pagkainip. Ang dahilan nito ay nahihirapan ang utak na tumutok sa isang partikular na sitwasyon at nawawala sa pagitan ng maraming sitwasyon kung ikaw ay pagod.
Ang kakulangan ng concentration ang naglalagay sa iyo sa pagitan ng pagiging focused at unfocused. Ang pagitang ito ay ang literal na kahulugan ng pagkainip.
2. Gumawa ng mga Layunin o Goals
Ang ibig sabihin nito ay ang paghahanap ng isang direksyon. Kapag marami kang iniisip, nararamdaman mong ikaw ay naiinip.Kaya mahalaga ang paggawa ng mga layunin. Ang mga layunin ay makakatulong upang bigyan ka ng direksyon at nakakatutulong sa iyo na maging focused.
3. Focus
Ang pagkainip ay misdirection ng enerhiyang mental. Kaya kung nabibigyan mo ng direksyon ang mga enerhiya at focus na ito, mapagtatagumpayan mo ang pagkainip.
4. Baguhin ang iyong Mga Iniisip
Ang buhay ay reflection ng iyong mga saloobin; kung nagagawa mong kontrolin ang iyong mga saloobin makokontrol mo rin ang iyong buhay. Subukan maging positibo sa lahat ng ginagawa mo at gawing constructive ang iyong mga saloobin. Makakatulong itong mabago ang iyong pangkalahatang saloobin at makabuo ng isang aktibong pananaw.
5. Maging Motivated
Maging inspired upang magawa ang mga bagay.
Isipin ang iyong magiging kinabukasan, ang iyong mga plano, ang iyong long term goals at kung saan mo nais maging, halimbawa, sa loob ng 10 taon. Subukang bigyan ang iyong sarili ng isang magandang proseso atmagsimula dito. Simulan sa iyong mga plano at dahan-dahan pagtrabahuan mula sa iyong kasalukuyang sitwasyon.
Ang pag-iisip na ito ay napaka-epektibo para mapagtagumpayan ang pagkainip.
6. Baguhin ang iyong kapaligiran
Ito para sa akin, ay ang pinaka-epektibong paraan upang harapin ang pagkainip. Tuwing ikaw ay naiinip, bumangon at kumilos, baguhin ang iyong kapaligiran at ilipat ang iyong sarili.
7. Magpahinga
Kung minsan ang kailangan mo ay pahinga sa buhay. Maghanap ng ilang masasayang bagay na maaari mong gawin at hayaan ang iyong utak na magtrabaho sa minimum na enerhiya.
Makakatulong ito sa iyong magpalamig at magbibgay sa iyo ng sapat na sigla at enerhiya upang gawin ang mga bagay.
8. Taggapin ang Pagkainip
Minsan ang tanging paraan upang taluninang pagkainip ay tanggapin ito. Hayaan ang iyong katawan na maging okupado sa prosesong ito at subukang mag relax. Magnilay at hayaan itong dumating sa iyo. Kung hindi mo lalabanan ito, hindi ito gaganti.