Paano Ba Labanan ang Lungkot Ng Pagiging OFW?

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia
is a Medical expert in the Philippines

How to fight feelings of loneliness and depression?


Madaling gamutin ang sakit sa katawan pero mahirap gamutin and sakit na emosyonal. Ngunit ang ating emotional health ay isa ring aspeto ng ating kalusugan. Kung ikaw ay labis na nalulungkot o nagkakaproblema, ikaw ay madaling magkakasakit dahil sa stress o depresyon na nagdudulot ng kakulangan sa pagkain at pagtulog.


Kadalasan, ang mga kababayan nating mga OFW ay nakakaranas ng kalungkutan. Ang narararamdamang kalungkutan ay pampadagdag sa problema sa trabaho at pagod. Sa sobrang lungkot, ang iba sa mga OFW ay nakakaisip ng bisyo tulad ng pag-inom ng alak, pagsusugal at paninigarilyo ng labis. Ang mga gawaing ito ay walang maidudulot na mabuti sa kalusugan.


Paano nga ba labanan ang kalungkutan habang ikaw ay nagingibang bansa? Ang kalungkutan ay isang pakiramdam ng kawalan ng loob o kakulangan ng isang bagay na hindi mo alam kung ano. Mayroong iba't ibang mga uri ng mga kalungkutan at iba't ibang grado ng kalungkutan. Pero ang totoo ay ang kalungkutan ay IBA sa pag-iisa. In other words, loneliness is different than just being alone.


May mga taong nag-iisa sa buhay dahil pinili nilang ang pag-iisa pero hindi naman sila nalulungkot. Ang kalungkutan o loneliness ay ang pag-iisa at ang pagkakaramdam ng lungkot dahil dito. Nasa utak lamang ang kalungkutan. Kumbaga, loneliness is just a STATE OF MIND. Tayo mismo ang nagpapalungkot ng ating mga sarili. We are hoping that someone or something will come to take our loneliness away, when in fact, tayo lamang ang maaring magpawala ng sarili nating kalungkutan.


Dapat tayo maghanap ng paraan upang hindi tayo palaging nalulungkot. Upang tigilan ang lungkot, dapat mong tanggapin na ikaw ay nakakaramdam ng kalungkutan. Mahirap itong aminin sa ating mga sarili, pero dapat nating i-express ang ating kalungkutan. I-express ang iyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagsulat ng diary, pagbuo ng liham, paggawa ng kanta, pag-paint o pag-drowing at iba pang mga paraan. Ang mga gawaing ito ay makakatulong upang maiexpress natin ang ating kalungkutan. Bukod sa pag-express, subukan mong maging aktibo palagi. Maglaro ka ng sports o magjoin sa mga asosasyon o clubs na kung saan may mga taong interesado sa mga bagay na hilig mo. Pwede ka ring makiugnayan sa isang counselor, pari, pastor, o teacher na maaring magbigay sa’yo ng advice.


As such we have come up with several ways to reduce feelings of isolation, all of which have positive and negative aspects.


Feelings of loneliness don’t have to be constant to call for action, but you will need to give yourself a push to get back into the thick of life and re-engage with others to start feeling better.


Whether you’re feeling lonely now or just know how it feels, you may get an emotional boost from befriending someone else who’s lonely. Some people may view loneliness as contagious, and therefore lonely people often become even more isolated.


Turn being alone into a positive. Do things you enjoy doing alone, like reading or walking. But make it part of your routine to be around people. Join a club, volunteer. If all else fails, have dinner at the bar in your favorite restaurant. Talk to the bartender.


Science reveals that social interaction can help us live healthier, happier, and longer lives. Yet too many of us are missing out on chances for connection.

Magjoin ka sa mga clubs o associations na binubuo ng mga taong may similar na interes sa’yo. Huwag kang pumasok sa association o club na iba ang interes kesa sa interes mo. Huwag mong baguhin ang sarili mo kung ikaw ay nalulungkot. Mas mabuti pang iexpress mo ang tunay mong sarili kaysa baguhin mo ito para makahanap ka lamang ng mga bagong kaibigan. Sa madaling panahon, makikita mo na mamahalin ka ng ibang tao bilang ikaw ang tunay na ikaw at hindi bilang ikaw na gawa-gawa mo lang. Magpakatotoo ka at mamahalin ka ng mga tao sa paligid mo, hanggang tuluyang mawala ang kalungkutan sa iyong buhay.

About the author

Dr. Marie Gabrielle Laguna-Bedia

Internal Medicine/ Adult Medicine/ Palliative Medicine. Online Consultation at https://www.facebook.com/bediamedicalclinic/
Profession: Internal Medicine
Bedia Medical Clinic
Office Address: Meds at Sea Pharmacy, Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo
Philippines , Iloilo , Iloilo City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Maharlika Reynoso
is a Banker in Germany
Salamat po doc sa advice at payo. Para sa mga nangungulila, narito pa po ang iilang mga tips pano malabanan ang pagkalungkot ng mawalay sa pamilya at bansa: http://buhayofw.com/blogs/blogs-translation/paano-labanan-ang-lungkot-pangungulila-ng-mawalay-sa-pamilya-homesic-53156d89bca02
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.