Ano Genital Herpes? Buni sa ari, sanhi, sintomas, medication, symptoms, gamot, lunas

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ang “genital herpes” ay isang karaniwang “sexually transmitted infection” o impeksyon na nakukuha mula sa pakikipagtalik na umaapekto sa mga kalalakihan at kababaihan. Itinatayang isa sa bawat limang tao (adult at teenager) sa Amerika ang merong genital herpes infection – at karamihan sa kanila ay walang alam na nagdadala na sila nito. Ang genital herpes ay nilalarawan ng pagkirot, pangangati, at pagsusugat sa iyong ari. Kapag ikaw ay nagka-impeksyon nito, maaari kang makahawa kahit wala kang mga sugat


. Ang “herpes simplex virus (HSV)” ang sanhi ng genital herpes. Ang pakikipagtalik ang pangunahing pamamaraan upang lumaganap ang virus. Matapos ang inisyal na impeksyon, ang virus ay nagpapahinga muna sa katawan at napupukaw ng maraming beses sa isang taon. Walang lunas para sa genital herpes subalit may mga medikasyon na nakakatulong mabawasan ang sintomas at iwasang makahawa sa iba. Ang condom ay nakakatulong upang hindi mapasa ang impeksyon sa iba.



Ano mga Sanhi? “Hinungdan sa Sakit” / Causes


Mayroong dalawang klase ng herpes simplex virus ang nagdudulot ng genital herpes. Ito ay ang:


· Herpes Simplex Virus – 1 (HSV-1). Ito ang klase na karaniwang nagsasanhi ng “cold sores” o “fever blisters” sa paligid ng iyong bibig, datapuwat pwede mo itong mapasa sa iyong ari habang nag-ooral sex. Ang pabalik-balik na impeksyon mula sa HSV-1 ay mas madalang kumpara sa HSV-2 infection.


· Herpes Simplex Virus – 2 (HSV-2). Ito ay ang klase na karaniwang nagsasanhi ng genital herpes. Ang virus ay napapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik na “sexual contact o skin-to-skin contact”. Ang HSV-2 ay napaka-karaniwan at sobrang nakakahawa, meron o wala ka mang bukas na sugat.


Dahil ang virus ay madaling namamatay sa labas ng katawan, halos imposible na makakuha ka ng impeksyon mula sa kontak sa palikuran, towels o iba pang mga bagay na ginamit ng infected na indibiduwal.


Genital herpes is caused by a type of virus known as herpes simplex virus (HSV). There are two types of HSV, HSV-1 and HSV-2. Both strains can infect the genital and anal area as well as the mouth and nose (cold sores) and fingers and hand (whitlows).The virus enters the body through small cracks in the skin or through the moist, soft lining (mucous membranes) of the mouth, vagina, rectum, urethra (tube where urine comes out) and under the foreskin. The virus then becomes dormant (inactive) and remains in the body where you were infected. In some people the virus can become active again from time to time and cause further outbreaks of genital herpes – known as recurrent outbreaks.


Ano mga Sintomas? Mga sintomas nga mabatian / Symptoms


Maraming tao ang may impeksyon ng herpes na may kaunting sintomas lamang na maaaring mapagkamalang ibang mga sakit. Posible rin na ikaw ay magka-impeksyon at wala kang maramdamang sintomas, kaya hindi lahat ng may impeksyon ay alam na meron silang herpes. Kung merong mga sintomas na lumalabas, ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:


· Pananakit o pangangati na nagsisimula sa loob ng dalawa hanggang sampung araw matapos ma-expose sa kapares na may impeksyon.


· Maliliit na mapupulang umbok o maliliit na puting paltos, na maaaring lumabas makalipas ang ilang araw.


· Sugat na lumalabas kapag ang mga paltos ay pumuputok at nagdurugo


· “Scabs” na lumalabas matapos maghilom ang mga sugat.


Ang mga sugat ay maaaring magpasakit sa iyong pag-ihi. At makakaramdam ka rin ng pananakit sa iyong ari hanggang tumigil ang impeksyon. Kapag sa unang pag-atake pa lamang, ikaw ay maaaring makaramdam ng parang sinisinat na mga sintomas tulad ng namamagang mga “lymph nodes”, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at lagnat.


Genital herpes is a health condition classified under sexually transmitted disease (STD). Any sexually active person is prone to have genital herpes. However, most of the time, patients with this type of STD do not manifest the symptoms. Hence, the likelihood of transmitting the infection becomes greater. On the other hand, some patients may show mild symptoms which are sometimes unnoticeable or may be mistaken for another skin condition. When symptoms do occur, they typically appear as one or more vesicles on or around the genitals, rectum or mouth. The average incubation period after exposure is 4 days (range, 2 to 12). The vesicles break and leave painful ulcers that may take two to four weeks to heal. Experiencing these symptoms is referred to as having an "outbreak," or episode.


Saan-saan ang lokasyon ng genital herpes? / Asa ang lokasyon kung asa mutubo ang genital herpes?


Ang mga sugat ay tumutubo kung saan ang impeksyon pumasok sa iyong katawan. Maaari mong mapalaganap ang impeksyon sa pamamagitan ng paghawak sa sugat tapos paghawak sa iyong parte ng katawan, kasali na ang mga mata. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagkakaroon ng sugat sa puwet, tumbok, at bibig. Ang mga kababaihan ay nagkakasugat sa “vaginal area”, sa labas ng ari, “cervix”. Ang kalalakihan ay nagkakasugat sa ari, “scrotum”, hita, at “urethra”.


Ano ang Paggamot o Lunas? / Unsa Tambal? Remedy, Cure, Treatment


Wala talagang lunas ang genital herpes. Ang paggamot gamit ang iniresetang “antiviral medications” ay maaaring:


· Tumulong para gumaling ang mga sugat nang mas mabilis lalo na sa inisyal na impeksyon ng herpes


· Makabawas sa lubha at tagal ng sintomas sa pabalik-balik na paglabas ng sintomas


· Makabawas sa dalas ng pabalik-balik na impeksyon


· Magpataas sa tsansang mapasa ang herpes virus sa iba


Ang mga antiviral na gamot para sa herpes ay ang acyclovir (Zovirax), famciclovir (Famvir), valacyclovir (Valtrex). Ang doktor ay maaari kang payuhan na uminom lamang ng mga gamot na ito kung ikaw ay may nararamdamang sintomas at kung ikaw ay may iniinom na gamot araw-araw kahit wala kang dinaramdam na sintomas.


If genital herpes affects the patient for the first time, antiviral drugs are usually prescribed and should be taken for at least five days or longer. These drugs work by preventing HSV from multiplying. However, it does not clear the virus from your body completely and does not have any effect once you stop taking it. Moreover, it is also recommended to do some remedies to ease the symptoms. These include keeping the affected area clean using either plain or salt water to help prevent blisters or ulcers from becoming infected and to encourage them to heal quicker. Furthermore, applying an ice pack wrapped in a flannel, or cold, wet, tea bags on the sores can also help soothe pain and speed up the healing process. Lastly, drink plenty of fluids to dilute your urine. This will make passing urine less painful. Passing urine while sitting in a bath or while pouring water over your genitals may also help.


Paano maiwasan, Prevention, Unsaon paglikay ang genital herpes?


Ang mga suhestiyon sa pag-iwas sa genital herpes ay magkahalintulad sa iba pang mga pamamaraan sa pag-iwas ng “sexually transmitted infections”. Huwag na munang makipag-talik o limitahan ang pakikipagtalik sa isang partner lamang na walang impeksyon. Dagdag pa dito, maaari mong pagamitin ng “latex condom” ang iyong partner kapag nakikipagtalik at iwasang makipagtalik kapag kayong dalawa ay may “outbreak” ng herpes sa “genital area” (ari: titi ng lalake, o vagina/pekpek ng babae).


Bakit kumakati ang ari ko?

Bakit may bukol ako sa bayag?

Bukol sa singit, genital area: Ano kaya ito?

Mga butlig at bukol sa ari


Gamot at lunas sa nangangating ari

About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Pawang nakakasanhi po ba ang HSV-1 at HSV-2 ng herpes? Makadala ba ug herpes pareho ang HSV-1 ug HSV-2?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, pawang ang HSV-1 at HSV-2 ay nakakasanhi ng genital herpes o sira.
Ang HSV-1 ay karaniwang nakaka-apekto sa bunganga at bibig, na nagsasanhi ng sugat at mga paltos (karaniwang tinatawag na “cold sores”). Subalit ang virus na ito ay napapasa rin sa iyong pribadong parte ng katawan sa pamamagitan ng oral sex at nagsasanhi ng genital herpes. Sa kadahilanang ito, importante na hindi makipag-oral sex kapag ikaw o ang iyong nobyo ay merong “cold sore”. Ang HSV-2 ay ang karaniwang sanhi ng genital herpes subalit ito rin ay naikakalat sa bunganga karaniwang dahil sa hindi protektadong oral sex at nagdudulot ng “oral herpes”.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Ano po ang mangyayari kung meron akong genital herpes ngunit wala po akong iinuming lunas? Unsay mahitabo kung naa koy herpes dayon dili ko muinom ug tambal para maulian siya?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Kahit walang gamutan, ang impeksyon na dulot ng herpes/sira ay karaniwang nawawala lang na walang ginagawa. Subalit kung ang iyong sintomas ay hindi bumubuti, o lumulubha ito, dapat kang magpatingin sa iyong doktor para sa payo ukol sa lunas. Datapuwat hindi kinakailangan na kumuha ng gamot para sa sira, dahil nawawala nga ito ng kusa, ang pagkakaroon ng gamot ay nakakabuti. Ang gamot ay tumutulong maibsan ang mga sintomas, nagpapabilis ng paghilom ng sugat at binabawasan ang tsansa na kumalat ang impeksyon sa iba.
Kung napag-desisyonan mong makipagkita sa iyong doktor sa unang pagkakataon na napansin moa ng mga sintomas ng sira/buni sa ari, maaari ka niyang bigyan ng reseta ng antiviral na gamot na nakakabawas sa lubha ng mga sintomas at nagpapaikli sa panahon ng pagpapagaling sa impeksyon. Kakailanganin mong inumin ang mga tabletas na ito sa loob ng limang araw o mas mahaba pa kung meron pa ring mga bagong paltos nang naglalabasan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
May pagsusuri ba na makakapagsabing merong herpes virus kahit walang sintomas? Naa bay eksaminasyon nga makabalo nga naa koy herpes virus bisag wala koy sintomas?
Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates
Oo, merong ganitong pagsusuri subalit hindi ka karanwang susuriin kung wala kang dinaramdam na sintomas ng genital herpes (sira).
Isang pagsusuri sa dugo ang nakakatukoy kung meron kang herpes virus o wala, kahit wala kang kapansin-pansing sintomas. Subalit, ang pagsusuring ito ay hindi karaniwang ginagamit at hindi nakakatukoy ng sintomas sa mga napakabagong impeksyon.
Sa karaniwang nangyayari, magkakaroon ka lamang ng pagsusuri sa dugo para sa genital herpes (sira) kung meron kang sintomas sa virus. Ang doktor o nurse ay kukuha rin ng sample sa lugar na may impeksyon. Ikaw ay maaaring kakailanganing marahang paputukin ang paltos upang maisagawa ang pagkuha ng sample. Ang sample ay ihahatid sa laboratoryo para kompirmahin kung meron ka bang virus.
Arche Adulfo
is in the Philippines
Ano tawag pag my sugat ang gilid ng titi ng lalaki..my gamot ba para mabilis mawla ung sugat.
Rusty Tolentino
is in the Philippines
Pwede pa po bang mag ka anak pag may herpes
Manny Sibal
is in the Philippines
May sugat pong biglang lumabas sa titi ko. Although sa misis ko lang naman po ako nakikipagtalik. Nung una pong nangyari, inakala ko pong ordinaryong sugat lamang po. pero ngayon may sugat nanaman po sa bandang itlog ko. Maaari po ba itong herpes?
Edie Deĺgd
is in the Philippines
Ahh doc ramos matanong q lang po kahit po ba nawala na ang mga sintomas dahil nakainom na q ng antiviral medicine my tyansa paren po ba aqong makahawa sa aking partner huh..slamat po
Rose Sharma
is in Malaysia
Possible bha po na Hindi madetect sa medical Kung my herpes ka...
Chy Dela Cruz
is in the Philippines
Magandang araw po. Makati po ang aking singit, nmamalat,mapula at ang bandang looban ng aking ari ay may mga tumutubong maliliit at makinis n laman ...maaari din po b na isa itong sakit na nakukuha sa pakikipagtalik? madalas din po n naglalabas ako ng kulay puti,transparent o yellow n likido. ano pong spesyalista na doctor ang maari kong pag konsultahin sa ganitong uri ng sakit. salamat po , umaasa po ako sa inyong kasagutan.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Dok paanu po ung sugat s loob ng ari ng aswa ko matatawag po ba un n herpes kasi ung gamot n ibingay ng urolgy ay parang hindi po ng reak at at saan po kami pwede mag patingin about s mga ganitong sitwasyon!
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
ang sabi kasi ng doktor clymadia daw po ang pinagtataka klng po hangang ngaun ganun pa din d ng hilum ang sugat tas kumakati kati daw po ing ari or s loob ng itlog niya please Dok bigyan po ninyo ako ng advise para s aswa ko kung anung dapat namin gawin!
Mark Erwin
is in the Philippines
pahelp nmn po ung ari ko po kc nagsisigat mula po nga shampoohin ko ng headand shoulder...numipipis po ung balat ng ari ko...ano po pwd gamot...
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
HERPES CURE Powerful Herbal treatment is 100% guaranteed for HSV cure, the reason why most people are finding it difficult to cure HSV 1 or 2 is because they believe in medical reports, drugs and medical treatments which are not helpful to cure HSV and haven't proved any sign of helping. Natural roots/herbs are the best remedy which can easily eradicate herpes forever. I never believed it until I was helped and cured of my 16 months genital herpes with natural herbal medicines from Dr Aligban. Where other medical prescribed drugs and treatments failed, Dr Aligban natural herbs helped save me from Genital herpes permanently and I'm so grateful for this. You can also get help from this great and powerful African Herbalist Dr Aligban by reaching him [email protected] , he also cure DIABETES, FIBROID, HIV, and HEPATITIS A,B,C. Make your order now on via his website;https://draligbanherbalcure.weebly.com/ You can reach me via; [email protected]
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.