Syphilis o sipilis: Sanhi, Sintomas, Lunas, Gamot, paano maiwasan, Signs, symptoms

Dr. Arvin Ramos
is a Medical expert in United Arab Emirates

Ano ang syphilis? / Unsa ang syphilis?

Ang syphilis ay isang klase ng napaka-nakakahawang sakit na karaniwang naikakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik pati na ang “oral at anal sex”. Sa ibang pagkakataon, napapasa ang sakit sa ibang tao sa pamamagitan ng matagal na paghahalikan o napakalapit na kontak ng mga katawan. Bagamat ang sakit na ito ay nakakalat buhat sa sugat, marami sa mga sugat ay hindi kapansin-pansin. Ang taong may impeksyon ay karaniwang hindi alam na siya ay may sakit kaya naman hindi niya alam na napapasa na pala niya ito sa kanyang “partner” sa pakikipagtalik. Ang mga buntis na ina ay napapasa ito sa kanilang mga anak. Ang sakit na ito na tinatawag na “congenital syphilis” ay maaaring makapag-dulot ng abnormalidad o pagkamatay ng isang sanggol.

Syphilis is a sexually-transmitted bacterial infection that begins as a painless sore — typically on the areas of the genitals, rectal, and/or oral area. Coming in contact with these sores via the skin or mucous membrane promotes the spread of syphilis.

Ano ang sanhi ng syphilis at gaano ito karaming naapektuhan? / Unsay hinungdan sa syphilis ug unsa kini ka daghan ug gaka-apektuhan?

Ang dahilan ng syphilis ay ang bacteria na tinatawag na “Treponema pallidum”. Noon, ang syphilis ay tinaguriang seryosong banta sa kalusugan na nagdudulot ng pangmatagalang problema tulad ng “arthritis”, pagkasira ng utak, o kaya’y pagkabulag. Pagdating ng 1940s, nang unang maimbento ang antibiotic na penicillin ay saka pa lamang bumaba ang mga kaso.

Treponema pallidum, a spirochete bacterium, is responsible for Syphilis. In most of the incidences, syphilis is transmitted by sexual contact. This sexual contact may also be in the form of oral and anal sex, and even kissing potentiates acquiring it. A painless ulcer is produced on those areas that came in contact with an infected person. A clear liquid then leaks out of the sore. This liquid contains a number of syphilis bacteria. If the integrity of the skin is compomised and the liquid enters the broken skin, the infection is passed on. Syphilis carriers are often unaware that they have these sores and so they transmit the disease without knowing it.


Paano ko malalaman na ako ay may syphilis? / Unsaon nako pagkabalo nga naa koy syphilis? (Signs and symptoms)

Ang impeksyon mula sa syphilis ay nangyayari sa tatlong iba-ibang estado:


“Early o Primary Syphilis”. Ang mga taong may “primary syphilis”ay nagkakaroon ng isa o marami pang sugat. Ang mga sugat ay karaniwang hindi kumikirot. Sila ay makikita sa palibot ng ari o sa paligid ng bibig sa loob ng 10 hanggang 90 araw matapos ang eksposyur. Kahit walang gawing lunas, ito ay nawawala na walang peklat sa loob ng anim na linggo.


Secondary Stage”. Ito ay tumatagal ng isa o tatlong buwan at nagsisimula sa loob ng 6 na linggo hanggang anim na buwan matapos ma-expose. Ang mga taong may ganitong syphilis ay nakakadanas na magkaroon ng maliliit na parang piso na pantal sa mga palad ng kamay o sa talampakan. Subalit, kung minsan may mga pantal rin na lumalabas sa ibang parte ng katawan. Tulad rin ng “primary syphilis”, nawawala rin ng kusa ang “secondary syphilis” kahit walang lunas na matanggap.


“Tertiary Syphilis”. Kung ang impeksyon ay hindi hinanapan ng lunas, nagiging malubha na klase ang syphilis at nagdudulot ng problema sa puso, utak at mga ugat na nagreresulta sa pagiging paralisado, pagkakaroon ng dementia, pagkabulag, pagkabingi, at pagkawala ng buhay.

Signs and symptoms of Syphilis present in its four stages. They are the primary, secondary, latent, and tertiary stages. The most infectious syphilis are in the first two stages. When syphilis is in the latent stage, you feel no symptoms and you are not contagious to others but the disease is still active. Tertiary syphilis is the most alarming stage. Symptoms of syphilis as a whole are having: a small, painless sore called chancre, skin rashes found on palms and soles, sore throat, headaches, swollen lymph glands, fatigue, fever, weight loss, hair loss, aching joints. In the latent stage of syphilis, complications include blindness, deafness, mental illness, memory loss, destruction of soft tissue and bone, neurological disorders, heart disease, neurosyphilis (brain or spinal cord infection) and even death.


Paano napapasa ang syphilis? / Unsaon pagkapasa ang syphilis?

Makakakuha ka ng syphilis sa direktang kontak sa taong may sugat buhat ng syphilis habang nakikipagtalik gamit ang ari, puwet o bibig. Ang mga sugat ay maaaring makita sa ari, puwet o sa bibig at sa loob ng bunganga. Maaari rin itong mapasa ng ina sa kanyang sanggol na nasa sinapupunan.


Paano malulunasan ang syphilis? / Unsaon pagtambal ang syphilis?

The treatment of choice for syphilis is penicillin. There is also a corresponding penicillin dosage for particular the specific stages. Preventing the spread of syphilis is also taking its toll. This necessitates educating patients to observe safe sex practices. Kung ikaw ay nagka-syphilis ng hindi pa hihigit sa isang taon, ang isang “dosage” ng “penicillin” ay sapat na upang malabanan ang impeksyon. Para sa mga “allergic” sa penicillin, ang tetracycline o doxycycline o ibang mga antibiotic ang pwedeng gamitin. Kung ikaw ay nasa mas malubhang estado ng sakit, mas maraming “dosage” ang kinakailangan. Ang mga taong ginagamot mula sa syphilis ay hindi dapat makipagtalik hangga’t hindi pa nawawala ang impeksyon. Ang mga “sexual partners” ng mga taong may syphilis ay dapat ring suriin, at kung kinakailangan, gamutin.


Paano maiiwasan ang syphilis? / Unsaon paglikay ang syphilis?

Para mabawasan ang iyong tsansa na makakuha ng syphilis, marapat na:


· Umiwas sa malapit na kontak sa isang tao na napag-alaman mong mayroong syphilis.


· Gumamit ng condom lalo na kung ikaw ay nagdududa kung meron bang syphilis ang iyong “sexual partner”.



About the author

Dr. Arvin Ramos

Profession: Dermatologist
St. Luke's Medical Center
Office Address: E. Rodriguez
United Arab Emirates , Abu Dhabi

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Atsuck Lee
is a none in the Philippines
doc nag ka gonnorhea po ako dulot ng sexual contact & 1.st ng yare nun feb 25.2k15 & nalaman ko nlng nag tulo nko mga march 6.2k15 nag self medications po ako nka pero nag tae po ako kati kati after ku sia nagamot at nagamot ko nmn nawala po yun fuel discharge then tumagal po ng march 31 bago kupo nalaman na my oral gonnorhea ako april 1.2k15 nun nag pa consulta nko sa doctor niresetahan po ng 3 meds yun isa pang 7days ko tinake yun isa pang 15 antipungal ata yun tas yun isa nmn 10.days ko tinake yun para sa oral mount 20.Pisces... sa ngaun po kc nkka randam ako ng pag kati kati padin at my singaw padin po ako sa gums pero yun sa labe ko nawala na pero nag pa lab test npo sabe sa resolt non react po sa dugo ko . ibig sabihin ba dok my pag asa pato gumaling hanggat hndi pa nakkuntamina ng gonnorhea yun dugo ko . please response sa ngaun po nag ttake padin ako ng meds ng dok tas tea na soursop leaves & fruits malunggay leaves guava leaves & ginger ni extract kupo yan at ginawang tea ...
Son Balbi
is in the Philippines
Dr reactive po ang toha kp
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Dr.Alvin nan Dito po ako ngayon gabi para humingi nang tulong nakikiusap po ako sa inyo dahil araw araw nalang po anxiety sa kakaisip nang sakit kong syphilis. Alam kopong meron ako dahil meron akong mga symtoms hinde pa po ako nakakapag check up dahil wala po akong kakayahan
Peter Trinos
is a Data encoder in the Philippines
Dr.Alvin nan Dito po ako ngayon gabi para humingi nang tulong nakikiusap po ako sa inyo dahil araw araw nalang po anxiety sa kakaisip nang sakit kong syphilis. Alam kopong meron ako dahil meron akong mga symtoms hinde pa po ako nakakapag check up dahil wala po akong kakayahan
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.