Ang indigestion o IMPATSO – na tinatawag ring dyspepsia o pagkasira ng tiyan – ay isang pangkalahatang salita na naglalarawan sa hindi magandang pakiramdam sa upper abdomen o bandang itaas ng tiyan. Hindi ito isang sakit o karamdaman, ngunit sintomas na nararamdaman, na may kasamang pananakit ng tiyan at pakiramdam ng pagkabusog matapos kumain. Nag-iiba-iba ang nararanasan na indigestion ng bawat tao. Paminsan-minsan lang nagkaka-indigestion ang mga tao ngunit may iba na araw-araw itong nararanasan. Ang indigestion ay maaaring sintomas ng iba pang digestive na sakit. Ang indigestion na hindi dulot ng underlying na sakit ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng lifestyle change at medikasyon.
BAKIT BA HINDI AKO MATUNAWAN O NATUTUNAWAN? Ano Dahilan o Sanhi ng Impatso o Dispepsia?
Ang indigestion ay maraming posibleng dahilan. Iba-iba mga dahilan ng impatso. Karaniwan konektado ito sa klase ng pamumuhay at maaaring ma-trigger ng pagkain, inumin o medikasyon. Ang mga karaniwang dahilan ng indigestion ay ang sumusunod: Ang sobrang pagkain o sobrang bilis sa pagkain, pag-ubos ng mga matataba o maaanghang na pagkain, sobrang kape, alcohol, tsokolate o mga soft drinks, paninigarilyo, pagkabalisa, iilang mga antibiotics, pain reliever, iron supplements. Kung minsan ang indigestion ay sanhi ng ibang digestive conditions tulad ng gastritis, peptic ulcers, celiac disease, gallstones, constipation, pancreatitis, stomach cancer, blockage ng intestines, kulang na blood flow ng dugo sa intestins. Ang indigestion na walang hinihinalang dahilan ay tinatawag na functional dyspepsia o nonulcer stomach pain.
Ano mga Senyales, Palatandaan o Sintomas ng Impatso?
Ang taong may indigestion ay maaaring may isa o higit pang sintomas sa mga ito:
- Madaling pagkabusog sa kalagitnaan ng pagkain. Hindi ka pa nga natatapos kumain ay nabubusog ka na at maaaring hindi mo na ubusin ang pagkain.
- Hindi komportableng pagkabusog matapos kumain. Ang pagkabusog sa indigestion ay tumatagal nang mas matagal kaysa sa normal.
- Mayroon ring discomfort sa upper abdomen. Mayroong parang burning sensation sa itaas na parte ng tiyan.
- Makakaramdam ka rin ng parang masikip na pakiramdam sa tiyan ay pakiramdam ng pagsusuka.
Ang Dyspepsia, o tinatawag na impatso o indigestion ay nararanasan ng lahat ng tao paminsan minsan. Sa mga banayad o hindi malalang kaso, makakaramdam ang tao ng pagkabusog o hindi magandang pakiramdam. Maaaring makaramdam din ang pasyente ng heartburn, pagka bondat, naduduwal, o nasusuka sa mga malalang mga kaso. Maliban dito, maaaring makaranas ang pasyente ng pagkabusog kahit hindi pa nauubos ang pagkain. May mga nakakaranas din ng paginit ng sikmura.
Komplikasyon
Datapuwat ang indigestion ay may seryosong komplikasyon, maaari itong maka-apekto sa kalidad ng pamumuhay dahil ang discomfort na nararamdaman sa tiyan ay maaaring makapag-pawala ng ganang kumain. Kung ang indigestion ay sanhi ng isang mas seryosong sakit, maaari rin itong may ibang komplikasyon na dala.
Ano ang pinakamabisang lunas o gamot sa impatso o dyspepsia?
Ang pagbabago sa mga pagkain ay maaaring makagaan ng pakiramdam mula sa indigestion. Ang doktor ay maaaring mag-rekomenda na umiwas sa mga pagkain na nagti-trigger o nagiging sanhi ng indigestion, pagkain ng 5-6 na maliliit na meals kada araw imbes na 3 malalaking meals, pagbawas o pag-iwas sa pag-inom ng alcohol at kape, pag-iwas sa paggamit ng pain relievers tulad ng aspirin, ibuprofen at naproxen. Ang iba pang rekomendasyon ay ang pagkontrol sa stress at anxiety. Kapag ang indigestion ay hindi pa rin nawawala gamit ang nasa itaas, maaaring uminom ng over-the-counter na antacids (pang-neutralise ng acid sa tiyan). Ang ibang options ay ang proton-pump inhibitors na nagpapababa ng acid sa tiyan, ang H2-receptor antagonists ay nakakapagpababa rin ng stomach acid, prokinetics upang ang tiyan ay mag-empty nang marahan, antibiotics para sa H. pylori bacteria kung ang iyong indigestion ay sanhi nito at antidepressants o anti-anxiety medications kapag ang discomfort sa tiyan ay sanhi ng stress.
Kaya nating iwasan ang dyspepsia o impatso ng hindi bumili ng gamot sa botika. Mayroong mga natural na gamot na nakikita sa bahay. Isa na rito ang pagkain na luya o ginger, na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain.
Paano maiwasan ang Impatso o hindi natutunawan ng pagkain? Ano mga simpleng tips o pag-iingat na dapat sundin? (Home remedies)
Ang hindi seryosong indigestion ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabago sa pamumuhay, tulad ng pagkain nang maliliit ngunit mas mas maraming beses sa isang araw. Nguyain rin dapat nang marahan ang pagkain. Iwasan ang mga triggers o nagpapalala ng dyspepsia o indigestion tulad ng matataba, maaanghang, processed foods, carbonated beverages, kape, alcohol / alak at paninigarilyo. Panatilihin rin ang tamang timbang, dahil ang sobrang bigat ay nakaka-stress sa tiyan na nagtutulak sa stomach acid patungo sa lalamunan.
Kailangan ring mag-ehersisyo, dahil nakakatulong ito sa pagkatunaw ng pagkain o mas agarang pagtunaw ng pagkain. Mabuti rin na iwasan ang stress. Kung umiinom ng gamot, maaaring ihinto ang ibang pain relievers nang may pahintulot ng doktor dahil ang mga ito ay nakaka-irita sa stomach lining. Maaari rin inumin muna ang mga gamot, ngunit siguraduhing pagktapos nang kumain.
References:
WebMD. (2020 March 08). Indigestion. Retrieved from: https://www.webmd.com/heartburn-gerd/indigestion-overview#1
MedicineNEt. (2019 October 17). Indigestion Dyspepsia. Retrieved from: https://www.medicinenet.com/dyspepsia/article.htm
WebMD. (2018 November 13). Gastritis symptoms and causes. Retrieved from: https://www.webmd.com/digestive-disorders/digestive-diseases-gastritis#1
Mayo Clinic. (2020, April 3). Gastritis. Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gastritis/symptoms-causes/syc-20355807
Cleveland Clinic (2016 January 11). Gastritis. Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10349-gastritis