Mga Dapat Ikabahala at Bantayan sa Ihi o Urine ng Tao

Medical Team
is a Medical expert in United States

Simula pa noong unang panahon, ginagamit na ng mga sinaunang doktor at espesyalista ang ihi upang malaman ang kondisyon ng tao. Sa India, nasusulat sa mga antigong papel na ang matamis na ihi na umaakit sa mga langgam ay isang sintomas ng diabetes.

Sa kasalukuyang panahon, maraming pag-aaral at pagsusuri tungkol sa ihi ang higit na nagpapalawak ng ating pag-unawa sa ating urinary system at pangkalahatang kalusugan.
 
Ang kulay at amoy ng ating ihi ay sumasalamin sa ating kalusugan. Ang ng itsura at amoy ng ihi ay nag-iiba depende sa kinakain, gamot, bitamina, at kondisyong medikal. Kadalasan, kung ikaw ay malusog at may sapat na tubig sa katawan, ang iyong ihi ay walang kulay o mapusyaw na dilaw. Ito rin ay walang amoy.
 
Pag umiihi, may mga maaari tayong bantayan para malaman kung malusog ba o may problema na maaaring maagapan.
 
Narito mga dapat bantayan sa ihi, base sa kulay, amoy at itsura:
 
Kulay ng Ihi
 
a.     Malinaw (Clear)
Kadalasan, kung ikaw ay malusog at may sapat na tubig sa katawan, ang iyong ihi ay walang kulay o mapusyaw na dilaw. Subalit, kapag malinaw ang ihi pero sobrang madalas umihi, maaring magpahiwatig ito ng sakit tulad ng Diabetes Insipidus. Ang mga taong may Diabetes Insipidus ay nahihirapang mapanatili ang tubig sa katawan kaya palagian silang umiihi.
           
b.     Yellow (dilaw)
Ang pagkukulay dilaw ng ihi ay maituturing din na normal na itsura ng ihi. Pinapalabnaw ng tubig ang konsentrasyon ng mga dumi at kemikal ng ihi. Pero kung hindi sapat ang tubig na iyong iniinom, kalimitan na magkukulay madilim na dilaw o dark yellow. Sa mga taong dehydrated, nagkululay dark yellow ang ihi.
 
c.     Red/Pink (Pula/rosas)
Di nangunguhulugan kaagad na malubha kapag may kulay pula o pink ang ihi. Maaari magkaroon ng panandaliang dugo sa ihi, dahil sa sobrang ehersisyo at kulang sa tubig. Tinatawag itong Exercise-induced hematuria.
Kung ikaw ang kumain ng mga pagkaing pula o rosas, may malaking tsansa na magkukulay pula o rosas din ang iyong ihi. Subalit, maari rin itong sintomas ng pagkakaroon ng tumor at bato sa kidney, o pamamaga ng prostate. Ang mga kondisyon na ito ay nagdudulot ng pagdudugo sa loob ng katawan na nailalabas sa ihi. 
 
d.     Brown (kayumanggi)
Ang kakulalangan ng sapat na tubig sa katawan ay nagdudulot din ng kayumangging ihi. May mga komplikasyon sa atay gaya ng porphyria at Alcohol-related Liver Disease (ARLD) na nagreresulta din sa kulay kayumanggi na ihi dahil sa pagpasok ng apdo na humahalo sa ihi.
 
Amoy ng Ihi
Ang amoy ng ihi ay maari ring basehan upang malaman ang kondisyon ng isang tao.
 
a.     Base sa mga nakakain
May mga pagbabago sa itsura at amoy ng ihi na hindi dapat ikapangamba. Kalimitan na ang dahilan nito ay ang mga pagkain o inumin na pinasok sa katawan. Ang sibuyas at bawang ay mga pampalasa na may matatapang na amoy. Nagtataglay sila ng sulfur na nagibibigay ng malakas na amoy sa ihi. 
Ang pag-inom ng kape ay nakakapagbago din ng amoy ng ihi. Ang metabolites na resulta ng pagproceso ng katawan sa ininom na kape ay nabibigay ng amoy-kape sa ihi. Tinuturing na diuretic din ang kape, o nakakapagpadalas ng pag-ihi. Nakakadulot ng kakulangan ng sapat ng tubig ang diuretics, kaya kung ikaw ay umiinom ng kape, asahan na hindi lang mag-aamoy kape ang ihi, kundi magkakaroon din ito ng malakas na amoy.
 
b.     Amoy Ammonia
Lahat ng ihi ay mayroong ammonia. Subalit, sa taong kulang sa tubig, kakaunting tubig lang ang nailalabas ng katawan kasama ng mataas na konsentrasyon ng dumi at toxins gaya ng ammonia. Maari rin itong sintomas ng mga komplikasyon sa pantog at kidney. Ang mga bakterya na nagdudulot ng Urinary Tract Infection (UTI) ay siya ring dahilan ng malakas na amoy ng ammonia sa ihi. Wala dapat ipangamba kung ang amoy ay panandalian lamang at nawawala kaagad. Pero kung ito ay nananatili at may kasamang pananakit tuwing umiihi, kinakailangan na kumonsulta sa doktor. 
 
c.     Matamis/malaprutas na amoy
Kung ang ihi ay may matamis o malaprutas na amoy, ito ay maaring hudyat ng iba pang komplikasyon. dahil sa mataas na lebel ng asukal sa dugo o diabetes. Ang matamis na amoy ay ang paraan ng katawan upang mailabas ang sobrang glucose ng katawan.
 
Itsura ng Ihi
Ang pangkalahatang itsura ng ihi ay nakakabigay din ng indikasyon sa kalagayan ng kalusugan ng isang tao.
a.     Mabula
Ang mabilisang pag-iihi ay maaring magresulta ng ihi na may mumunting bula. Kung ang mga mumunting bula ay di nawawala, hinihikayat na kumonsulta sa doktor dahil ito ay maaring dulot ng sobrang protina sa ihi na maaaring sintomas ng sakit sa kidney.
 
b.     Malabo
Ang pagkakaroon ng malabong ihi ay maaring pasimulang sintomas ng komplikasyon sa kidney, prostate, at mga sexually-transmitted infections (STIs). Ang mga bakteryang sanhi ng UTI ang nagdudulot ng malabong ihi. Ang pamamaga ng prostate ay maaring makaharang sa daloy ng ihi palabas ng katawan. Dito nasasama ang dugo at iba pang dumi na nagpapalabo ng ihi. Kalimitan, ang mga taong mayroong STIs ay naglalabas ng maputing likido na nahahalo sa ihi, at nagpapalabo dito.  
 
 
[1]Armstrong, J. 2007. Urinalysis in Western culture: A brief history. Retrieved from: https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0085253815523806
 
[2]Cleveland Clinic. 2022. Diabetes Insipidus. Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16618-diabetes-insipidus
[3]Cleveland Clinic. n.d. Urine Smell: What Does It Mean?. Retrieved from: https://health.clevelandclinic.org/why-does-my-urine-smell/
 
[4] Cleveland Clinic. 2021. What The Color of Your Pee Says About You. Retrieved from: https://health.clevelandclinic.org/what-urine-color-means/
 
[5] Cohen, M. 2022. The Truth About Urine. Retrieved from: https://www.webmd.com/urinary-incontinence-oab/truth-about-urine
 
[6] Healthline. n. d. Urine Colors Explained. Retrieved from: https://www.healthline.com/health/urine-color-chart
 
[7] Healthline. n.d. What Can Cause Urine to Smell Foul Without the Presence of Pain?. Retrieved from: https://www.healthline.com/health/foul-smelling-urine-no-pain
 
[8] Lauriello, S. 2021. 9 Causes of Smelly Urine—and What to Do About It. Retrieved from: https://www.health.com/condition/digestive-health/smelly-urine-causes
 
[9] NIDDK. n.d. Hematuria (Blood in the Urine). Retrieved from: https://www.niddk.nih.gov/health-information/urologic-diseases/hematuria-blood-urine
 
[10] Watson, S. 2021. Why Is Your Urine Cloudy? Retrieved from: https://www.webmd.com/a-to-z-guides/cloudy-urine-causes
 
[11] Fresenius Kidney Care. n.d. Is Foamy Urine a Sign of Kidney Disease?. Retrieved from: https://www.freseniuskidneycare.com/thrive-central/foamy-urine-kidney-disease

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.