Nbsp;
Yung kapatid ko po is pumunta sa birthday sa bahay ng tito ko, at may isang tibo (lesbian) na minura-mura, sinigawan siya at pinahiya sa mga tao. Nanghihiram ng motor yung kapatid ko sa pinsan ko. Ngunit si Mam na lesbian ay nagalit po at ayaw ipahiram. (Manugang po niya ang pinsan namin). 30+ po ang kapatid ko at si Mam lesbian ay turning 50 na po. So ginawa po ng kapatid ko hindi nalang niya hiniram, subalit ito pong si mam lesbian minura-mura po, sinigawan at ipinahiya ang kapatid ko. At nung susugurin na niya ang kapatid ko ay inambahan na po ng suntok ng kapatid ko, since matangkad po ang kapatid ko ay nadaplisan po siya ng suntok, kasama po ni mam lesbian ang anak niya at yung anak naman niya ay kumuha ng kutsilyo para saksakin ang kapatid ko. Nagpapulis po si mam lesbian subalit sinabihan sila sa presinto na sa barangay nalang pag usapan dahil mauuna po muna sa barangay. Nagkita sila sa barangay ngunit ayaw makipag ayos ni mam lesbian. Hanggang sa nagdemanda po siya. May maari po ba kaming ikaso sa kanila? Maraming salamat po