Namamanhid Kamay at Paa: Sign ng Anong Sakit? Bakit, sanhi, senyales, dahilan

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madalas unang nakikita sa kamay ang mga senyales na merong karamdaman, sa ibang parte ng katawan. Dahil puno ang kamay ng muscles, litid, ugat at daluyan ng dugo na konektado sa ibang bahagi ng katawan. Madalas pa nga, unang sumusulpot sa kamay ang karamdaman, bago pa magkaroon ng senyales sa mismong apektadong parte ng katawan. Ang tawag dito ng mga doctor ay: Systemic diseases.

Halimbawa, ang pamamanhid ng kamay o paa ay maaaring sign ng iilang karamdaman.
Sa umpisa, parang balewala lang. Pero habang tumatagal, maaaring lumala ito. Pero wag magalala at kadalasang nagagamot naman ito. Mahalaga lamang na pansinin ito, upang maagapan at maiwasan lumala.
 
Para magkaroon ng ideya kung ano mga maaaring karamdaman na binabatid ng pagmamanhid ng kamay, narito mga pinaka-karaniwang ugat, lalo na sa mga pinoy:
 
Diabetes
Tinatayang 30% ng mga nakakaranas ng pamamahid ng kamay ay dahil sa diabetes. Ang pamamanhid na may kasamang panginginig ay kadalasang nagsisimula sa magkabilang paa at umaakyat sa mga binti, na umaakyat sa mga braso at kamay ay maaaring unang palatandaan ng diabetes. Mahalagang impormasyon ito, dahil kadalasang banayad lamang ang nararamdaman sa umpisa ng mga may diabetes, hanggang sa lumubha at napipinsala na ang mga ugat.
 
Kakulangan sa Bitamina
Upang maging malusog ang mga ugat sa katawan, kailangan ng bitamina E, B1, B6, B12, at niacin. Ang kakulangan sa B12, ay maaaring humantong sa peripheral neuropathy o pagkasira ng mga ugat sa may kamay at paa.
 
Mga sakit sa laman loob na nakakaapekto sa ugat
Halimbawa ang
-       sakit sa bato
-       sakit sa atay
-       mga cancer at tumor na tumatama sa mga ugat
 
Naiipit ang ugat
Nagiging sanhi rin ng pamamanhid ng kamay ang pagkaipit ng mga ugat, litid at buto sa palad o kamay. Halimbawa, kapag naiipit ang ugat papuntang kamay, nagkakaroon ng pamamanhid o tingling feeling sa kamay, o tinatawag na Carpal Tunnel Syndrome.
Maaaring nakuha ito sa aksidente na nagkaroon ng matinding pinsala, pagkabale o pilay na nagreresulta sa pananakit ng ugat, at pagkadurog ng buto sa kamay o paa.
 
Malakas Uminom ng Alak
Ang mga taong malakas uminom ng alak ay may posibilidad na kulang sa thiamine o iba pang mahahalagang bitamina, lalo na kung hindi masustansya ang kinakain. Posible rin na
magdulot ng pinsala sa ugat, isang kondisyon na tinatawag ng ilang mananaliksik na alcoholic neuropathy. Kaya nakakaramdam ng pamamanhid at panginginig ng mga kamay at paa.
 
Impeksiyon
Isa sa dahilan kung bakit nanginginig at namamanhid ay dahil sa infection, kabilang dito ang Lyme disease, Shingles, Cytomegalovirus, Herpes, at HIV at AIDS.
 
Auto-immune diseases.
Ang mga sakit na nakakamanhid ay ang mga autoimmune diseases. Kabilang dito ay ang lupus, at rheumatoid arthritis.

Sources/ References:
Finley, Z. J., & Medvedev, G. (2020). Hand Infections Associated with Systemic Conditions. Hand clinics, 36(3), 345–353. https://doi.org/10.1016/j.hcl.2020.03.008

Zyluk, A., & Skała, K. (2014). Hand disorders in the course of systemic and chronic diseases: a review. Polish orthopedics and traumatology, 79, 30–36.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.