Natural na Gamot sa Almuranas

Medical Team
is a Medical expert in United States

Kapag pinabayaan ang almuranas, maaaring lumala at makasagabal sa gawain, kung kaya merong mga natural na paraan upang magamot ito:

Makakatulong din ang mga sumusunod para agapan ang pananakit at pamamaga na dulot ng almoranas o hemorrhoids, at kadalasan ito lamang ang nakakagamot sa almuranas:
 
- Ibabad ang puwet sa mainit na tubig 10 hanggang 15 minuto ng dalawa o tatlong beses sa isang araw.
- Umupo sa malambot na kutson o unan. O di kaya ay may binebenta na mga hugis donut na unan, na may butas sa gitna.  
- Panatilihing malinis ang puwet. Maligo araw araw at linisin ang puwet sa paligid ng butas nito gamit ang tubig lamang, dahil maaaring magdulot ng iritasyon ang sabon at palalain ang almoranas.
- Iwasang mairita ang puwet mula sa paggamit ng tuyong toilet paper. Gumamit ng basang toilet paper para linisin ang puwet pagkatapos dumumi.
- Maaari ring maglagay ng cold compress para maagapan ang pamamaga
 
Karamihan sa almuranas ay napapagaling ng simpleng pagbabago sa diyeta at bowel habits. Ang pagkain ng maraming mga prutas at gulay na mataas sa fiber ay tutulong sa paglambot ng dumi para maiwasan ang karagdagang iritasyon sa almoranas.
 
Ang mga sumusunod ang nagsisilbing senyales ng pagkakaroon ng almuranas:
-Hindi nakakaramdam ng sakit kahit dinudugo habang dumudumi
-Pangangati o iritasiyon sa may butas ng puwet
-Pananakit ng puwet
-Pamamaga sa may butas ng puwet
-Bukol na malapit sa butas ng puwet na sumasakit
- Di mapigilang pagtae o kusang lumalabas
Ang almuranas na nasa loob ng pwet ay hindi nakakapa o nakikita. Ngunit kapag ang tao ay dumudumi, maaaring magdudulot ng pagdurugo.
 
Ang mga bagay na nagdudulot ng almuranas ay ang mga sumusunod:
-Ang sobrang pwersa sa pag-iri habang tumatae ay nagdadagdag ng presiyon sa mga ugat
-Pag-upo ng matagal sa inodoro
- Madalas nahihirapang dumumi o tinatawag na constipation
-Pagbubuntis
-Pagiging mataba o obese na maaari din magdagdag ng presiyon sa mga ugat
-Mababang fiber sa diet
-Mga ibang sakit o karamdaman kagaya ng heart or liver disease
 
Ang almuranas o tinatawag na hemorrhoids sa ingles ay ang pangkaraniwang karamdaman ng namamagang mga ugat sa puwet. Maaaring dulot ito ng masyadong pag-iri sa pag-tae o kaya mula sa karagdagang presyon sa mga ugat habang nagbubuntis, at iba pa. Ang almuranas ay maaaring mangyari sa loob ng rectum kung tawagin ay internal hemorrhoid, o kaya naman sa labas na matatagpuan sa ilalim ng balat sa may butas ng puwet o tinatawag na external hemorrhoid. Maaari din maranasan ang internal at external na almuranas ng magkasabay.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.