Ancestral home: Ano ang Pagkababang Luksa

Jho Serino
is a Admin Assistant in the Philippines

Dalawa po kaming magkapatid at mayroon po kaming ancestral house sa Pasig, pero ang pagkaka alam ko po ang mother title ay nasa pangangalaga ng tiyahin ko. Pagkatapos mamatay ng nanay ko, kaming dalawang magkapatid at ang tatay ko ang nagbabayad ng amilyar ng parte ng lupa ng nanay ko sa kanyang pagkadalaga. Pagkababang luksa namin sa nanay ko ay nagpakasal muli ang tatay ko at kasalukuyan silang mayroon 4 na anak at ngayon po ay sama sama din po kaming nakatira sa iisang ancestral house na yon. Bago pa man mamatay ang nanay ko may plano na po sila ng tatay ko na ang kabuuang parte ng lupa ng nanay ko sa pagkadalaga ay mapupunta sa aming dalawang magkapatid kapag kami ay mag aasawa na at ngayon po ay plano na sana namin kunin ang parte naming dalawang magkapatid na kung saan yun naman din po yung unang plano ng aking magulang. Tanong ko po: magkakaroon din po ba hati sa lupa ang pangalawang pamilya ng tatay ko? Okay lang din po ba na ipalipat namin sa pangalan naming dalawang magkapatid ang titulo kahit na ang mother title ay nasa pangangalaga ng tiyahin ko dahil ang nais din naman po ng tihayin ko ay mas magkaroon kaming magkapatid na karapatan sa lupa ng nanay ko, keysa sa pangalawang pamilya ng tatay ko? maraming salamat po. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kayong dalawang magkapatid at tatay mo ang compulsory heirs ng nanay ninyo. So, pareho lang ang share ninyo na naiwang property na sinasabi mo. Ngayon, magkakaroon lang ng share ang pangalawang pamilya ng tatay mo kung siya ay sakaling mawala na. Pwede naman g hatiin na ninyo ang lupang inyong namana. Kailangan mag execute kayo ng Deed of Extrajudicial Partition/Settlement of Estate at kailangan ninyo ng isang abogado para gawin ito. Ito ang basihan sa pagpaprocess ng transfer of title sa inyong magkakapatid according to your share.
Jho Serino
is a Admin Assistant in the Philippines
Salamat po naliwagan po ako.. Pero Isang tanong din po sana, kung mag eexecute kami ng deed of extrajudicial partition/settlemnt of estate pano po ang magiging basehan ng hatian namin sa lupa? hahatiin din po ba siya saming tatlo na pantay pantay ang sukat ng lupa or automatic na ang kalahati ng lupa ay mapupunta sa tatay ko po at sa kalahati naman po ng lupa kami maghahati ng dalawa kong kapatid? salamat po ulit.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Depende yan sa magiging agreement ninyo kung paano hatiin. Maaring babayaran nalang ninyo ang dalawang heirs para magwaive na sila sa settlement at ibigay nalang sa isang tao at titulo nito sa kanyang pangalan. Malaya kayong mag agree paano hatiin pwede din naman equal sharing. Ang importante ang signature ninyong mga heirs sa Deed of Extrajudicial Partition kayo na ang magsabi sa abogado na gagawa nito.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.