Ofw ako, aking Katiwala Ibinubulsa ang nakolekta sa aking Paupahan

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ako po ay OFW at may magulang sa Pinas na matanda ngunit buhay pa. Sa pagpapadala ko po ng perang pang-aruga sa kanila, kulang po ang nagagamit para sa magulang namin dahil inuumit po ng mga kapatid at pamangkin ko ang bahagi ng perang padala. Naka-pundar din po ako ng tatlong pintong paupahan. Dahil wala po akong mapagkatiwalaan sa malapit na kamag-anakan, sa iba ko po ito ipinamahala. Siya po ay aking kilala magmula’t sapul pa at Kagawad din ng aming Barangay. Nuong una, na mga tatlong taon na siya ang nangongolekta ng upa, maayos po ang kanyang palakad. Nitöng nakaraang taon, sabi po ng iba kong kaibigan na mukha daw pong napapabayaan ang aking paupahan, may mga sira na hindi napapa-repair ngunit sa talata ng pag-kobra ng renta, may inaawas na mga halaga ang aking katiwala na ginamit daw po niya sa pagpapa-ayos ng bahay paupahan. Ofw po ako at isang taon at kalahati pa bago ako makauwi. Mukha pong ibinubulsa nitong aking katiwala ang bahagi ng perang nakokolekta. Kung ako po ay maghihintay hanggang maka-uwi bago gumawa ng hakbang, lalo pong malaki ang mawawala sa akin.Sa ngayon po ay kalahati na laming ng dating kita sa renta ang kanyang inihuhulog sa aking bangko. Nilisa ko na po ang lahat ng kamag-anakan at kakilala namin, wala po talaga akong maipapalit dito sa aking katiwala. Kung mga kamag-anak ko po ang pinamahala ko nuon pa, maaring ginastos na nila ang buong renta at walang maiiwan sa akin ni kusing. Masaklap man po ang katotohanan nunit ganito po talaga ang aking buhay. Ako po ay single pa, wala pang asawa, dahil gusto kong maiayos ang kalagayan ng magulang kong matatanda na. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin? Hindi ko po alam kung ano ang aking gagawin. Marami pong salamat.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Sa palagay ko hindi pa po sapat na ebidensya ang mga sabi2x lang na marami ng sira at hindi pinaparepair ang knowing na ikaw mismo ay hindi mo pa rin itong actual na nakikita ta. Mas mabuti sigurong direkta mong kausapin ang katiwala mo. Kung talagang hindi maayos ang pagkakadala you can terminate her naman at kung mayroon kang sapat na ebidensya maari mong kasuhan ng estafa. Mas mabuti pa siguro ikaw nalang mismo ang magmanage ng inyong property you have atleast income from that.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.