Paano ba makisama?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Sobrang hiyain kong tao. Hindi ako nagsasalita kung hindi ako kinakausap. Kaya ko di magsalita ng isang buong araw. Gusto ko sana maovercome yung pagiging mahiyain ko kaya Sales Representative ang inapplyan ko. Kaso kahit ano gawin ko hindi ko makuhang makipag usap natatakot ako diko alam kung bakit. 19 years old palang ako. Thanks po.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Ikaw ay maaaring isang introvert. Maaari mong umpisahan makipag usap sa mga taong malapit sayo habang unti unti sa iyong mga katrabaho o kaibigan kahit simple conversation lamang. Marahil ay natatakot ka na ikaw ay may maling masabi, ngunit maaari mong isaisip na maaari ka makipag usap kahit tungkol lamang sa mga simpleng topics. Bawat araw ay mag set ka ng goal na may bilang ng tao kang kakausapin, simulan sa pagbati at pagsimula ng conversation tungkol lamang sa trabaho o ng produktong iyong pinopromote. Maaari mo rin gawing motivation ang goals and objective ng iyong trabaho. Subukan na ngumiti sa bawat taong makakausap at isipin na ang takot ay nasa isip lamang.