Paano ko lalabanan sa kaso ang asawa ko? Ako po ay kasalukuyang nagtatrabaho dito sa Qatar. Sa 10yrs namin pagsasama ay talagang nakakaranas ako ng pananakit mula sa kanya?

Emily Dela Cruz
is a Domestic Helper in Qatar

Pero pinagtiisan ko dahil mahal ko po siya lalo na nung nagkaanak kami. Ikinasal po kami last December 2016 lang po. Sobra na po ang verbal abuse na nararanasan ko sa kanya lalo na po nung nagaapply ako papunta dito sa Qatar. At isang araw po bago ako umalis ay mga pasa pa sa katawan ang naranasan ko sa kanya. Kaya po hindi ko natiis at January 2, 2019 ay nakipaghiwalay na ako sa kanya.

Hanggang sa after 2 weeks ay napagalaman ko may bago na pala siya karelasyon. Ako po ay may nakakachat ngunit nakausap ko lang po ay nitong February 2019 at one time lang po kami nagkita, pero walang kahit na anong nangyare sa amin. Siya po ay aminadong sa loob ng isang buwan ay 2 times niya na na nagamit ang babae. Ngayon po ay binabaliktad niya ako. At ako daw po ang nauna.

Ako po ay monthly nagpapadala sa kanya ng pera kahit na po humiwalay ako. 5k po monthly para sa anak ko. At ang iba po ay pambayad sa utang na naiwan ko.

Ano po ang maari ko ipanlaban na kaso sa kanya kung sakali? Nakakatanggap na din po ako ng pagbabanta mula sa kanya. Sana po ay masagot ang katanongan ko salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pag uwi ninyo kung talagang patuloy pa rin ang pagbabanta niya at may karelasyon na siya subukan mo munang makipag usap sa kanya baka sakaling maayos pa ang inyong relasyon ngunit kung hindi na talaga at puro sakit nalang ang mararanasan mo sa kanya mas mabuting ireport mo nalang sa police ang lahat ng pangyayari para naman may ebidensya kayo laban sa kanya. Kung below 7 years old ang anak mo ang may legal custody nito ay dapat na sa ina unless declared unfit ang ina . In your case mas mabuting you keep all the evidence laban sa kanya incase gusto maghain na ng annulment in the future ang lahat ng ito ay magagamit mo.
Emily Dela Cruz
is a Domestic Helper in Qatar
hindi na po talaga kami magkasundo ilang beses na po namin sinubokan my karelasyon na din po siya ngayon..sabi niya lang po ipapadeport niya daw kami ng nakakachat ko ngayon..hindi po naman kami nagsasama dito sa Qatar at binata po siya.at kahit po hiwalay na kami ay patuloy ang pagpapadala ko sa kanya ng pera monthly my posibilidad po ba ang mga sinasabi niya gayong my karelasyon na din po siya na iba

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.