Paano mag Move on? Paraan upang Makalimot sa Unang Pag-ibig o First Love First Boyfriend o Girlfriend

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ang pagkalimot sa unang pag-ibig ay sadyang mahirap. Sa unang pag-ibig, natutunan at naranasan mong pumasok sa isang malalim na relasyon o sa romantiko na relasyon. Mararanasan mo lahat sa unang pagkakataon o ang sinasabi nilang “first time”, kung paano ka tumawa, umiyak, magmahal, minahal at higit sa lahat kabiguan. Malaki ang naidudulot ng first love dahil natuto tayo sa buhay at maging sa hinaharap. Ngunit, hindi lahat ng unang pag-ibig ay bigo, marami pa din ang naging masaya sa bandang huli.
 
Kapag ikaw ay nabigo sa unang pag-ibig, ito ay normal lamang. Lahat ng tao ay dumadaan dito. Mayroon kang magagawa upang malagpasan ito. Una, limitahan ang pag-iisip sa iyong Ex boyfriend. Subukan mong mag-pokus sa iyong mga ginagawa at hindi ang pag-iisip sa inyong nakaraan. Subukan mo ding pagtibayin ang iyong pananaw tungkol sa relasyon. Sa bandang huli, maraming bagay kang matututunan tungkol sa pag-ibig. Pagtapos ng paghihinagpis, subukang ipagpatuloy ang buhay. Mag-focus ka kung anong mayroon ka kaysa sa iyong nawalang iniirog.
 
Ang unang pag-ibig ay napakaligaya kung ito ay magtatagal hanggang sa huli. Ngunit walang kasiguraduhan sa mundo, at maraming mga nakikipaghiwalay din sa kanilang first love sa bandang huli. Kapag ganoon ang nangyari, alamin kung paano makalimot sa unang pag-ibig.
 
15 hakbang upang makalimot sa unang pag-ibig
Kahit sobrang kabiguan ang naramdaman, ito ay maghihilom rin. Sundin lamang ang 15 hakbang at siguradong gagaan ang iyong pakiramdam. Makakalimutan mo na ang iyong unang pagkabigo sa taong iniibig.
 
1. Itigil ang pag-iisip sa iyong Ex- Isipin mo na kailangan mong daigin o puksain ang
iyong dating kasintahan sa iyong isipan. Gayunpaman, ito ay hindi ganun kadali, habang sinusubukan mong huwag siyang isipin ay lalo mo lamang siyang naiisip. Subukan mong limitahan ang pagmo-mukmok. Mamili lang ng oras sa isang araw kung kailan iisipin ang iyong dating iniirog. Halimbawa, isipin lamang ang iyong ex-boyfriend ng kalahating oras tuwing umaga. Kung mayroong problema sa iyong pag-alala sa inyong nakaraan, subukan mong makinig ng kanta o isipin ang inyong paboritong pelikula.
 
Ang pagsulat sa isang journal o diary ng inyong alaala ay makakatulong din upang unti-unting maproseso sa iyong isip kung ano ang nangyari. Pagkatapos nito, subukang huwag isipin ang iyong dating kasintahan sa buong araw.
 
Kung bumabalik sa iyong ala-ala ang nakaraan, sabihin sa sarili na “Naisip ko na ito ngayong araw kaya ilalaan ko na lang ito bukas.”

2. Natural na Pag-papagaling- Ang unang karanasan sa pag-ibig ay palaging espesyal at mahirap kalimutan. Huwag itong tuluyang kalimutan dahil ito ay karanasan na karapat-dapat alalahanin at panghawakan. Maaring ang sakit ay sariwa pa sa ngayon ngunit kalaunan ay makakalimutan mo rin ang lahat ng sugat kung hahayaan mo lang itong maghilom sa natural na paraan. Ang unang pag-ibig ay para ka lamang naglakbay sa unang pagkakataon o isang firdt time na adventure. Naaalala mo ang lahat ng iyong unang bagay dahil ito ay espesyal na sandali para sa iyo. Ngunit ito ay unti-unting lumalabo habang lumilipas ang panahon tulad ng inyong unang pag-ibig. Kahit na gusting mo ng kalimutan ang lahat ng samahan niyo, ito ay nananatili pa rin sa iyong isipan.

3. Harapin ang Mundo- May kasabihan nga na “Hindi pa katapusan ng mundo.” Oo, masakit. Pero tignan mo, ikaw ay nananatiling buhay at malakas. Nasa mga kamay ang paglimot sa sawing pag-ibig. Kung nakakaya mong harapin ang mundo, makakaya mo rin lagpasan ang sakit. Marami kang mga kaibigan na nakapaligid sa buhay mo. Pero tingnan mo kung paano ka nagpatuloy kahit wala ang iba sa kanila sa maraming taon, ganoon din dapat sa pag-ibig.

4. Humingi ng tulong sa mga kaibigan- Marahil ikaw ay bata pa para sa bigong pag-ibig. Pero pagkatapos ng hiwalayan, malaki ang magiging parte ng iyong mga kaibigan sa iyong pagbangon. Maglaan ng oras sa kanila o maghanap ng mapagkakatiwalaang kaibigan upang mapagsabihan ng nararamdaman mo. Kadalasan, ang pakikipag-usap sa kanila ay nakakatulong upang gumaan ang iyong pakiramdam. Ngunit dapat sa mahinahong salita lamang. Huwag mong abusuhin ang pagdamay nila sa iyo o kaya’y baliwalain sila o sigawan at sisihin na para bang sila ang may kasalanan sa mga nangyayari. Ang iyong mga kaibigan ay naging mabuti sapagkat ikaw ay dinamayan. Huwag mong hayaang kamuhian ka nila dahil sa pag-abuso mo sa kanila.

5. Hindi makatotohanang hakbang- Kapag gusto mo ng pakawalan ang iyong unang pag-ibig, at isumpa na hindi na main-love pa muli, masasabing nasobrahan kana sa pag-iisip. Halimbawa, iniisip mo na “Hindi na muli akong iibig sa iba” o “Hindi na muli ako sasaya.”  Kung sa tingin mo ay nakaka-akit ang saloobin na ito, itigil na ito.

Walang relasyon ang magkatulad. Tama ka, kung sa tingin mo ay hindi mo nararanasan ang katulad ng sa nararanasan ng iba. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang hindi ka na pwedeng umibig o maging maligaya. Iwasang isipin na ikaw ay sinumpa o pinarusahan ng Diyos. Oras na nadapa, bumangon at taas noong harapin ang buhay at ang mga problemang darating. Huwag hayaang lalong malugmok ang sarili sa isang tabi, dahil ikaw din ang talo sa bandang huli. Iwasang parusahan ang sarili sap ag-iiyak at pagmo-mukmok. Hindi masamang maghinagpis ngunit kung ito ay umabot na ng buwan hanggang nagging taon na, aba hindi na normal na ganitong kinikilos.

6. Huwag mong subukang bumalik sa iyong dating sinisinta- Ang unang pag-ibig ay hindi nangangahulugang ito na rin ang iyong tunay at huling pag-ibig. Ang iyong mala-teleseryeng pagmamahal ay darating din sa iyo balang-araw. Dahil sa kawalan ng karanasan sa pag-ibig, gusto mong balikan ang kasintahan sa pilit na paraan. Gustong mong gayahin ang mga napapanuod sa talebisyon, na naghiwalay at nagkabalikan. Kung ikaw ay iniwan, subukang iligtas ang relasyon. Ngunit kung kayo ay hindi nagkakaintidihan, huwag mo ng ipilit na muling bumalik sa kasintahan.  Baka sa bandang huli magkakasakitan na lang kayo pareho.

7. Isipin mong ito ay isang Aral- ang unang pag-ibig ay maaring magkaroon ng malungkot na katapusan, pero alam mo, halos lahat ng mayroong unang pag-ibig ay may malungkot na wakas. Pero gayunpaman, tinuturuan ka nito ng mga bagay tungkol sa relasyon at kung paano ito magiging matibay. Isipin mo na lang na ang iyong pagkasawi sa pag-ibig ay isang aral at ipagpalagay na ang iyong mga karanasan ay nakabuti sayo kaysa ito ay kamuhian.

8. Pumili ng mga bahid- ngayon na ang relasyon ay tapos na, maglaan ng araw upang alalahanin kung anong mali sa iyong unang relasyon. Bakit masama ang loob ng iyong partner? Ano ang pinaka-ayaw mo sa kanya? Gayunpaman, habang iniisip mo kung bakit hindi naging maganda ang inyong relasyon, ito ay makakatulong din sayo kung anong klaseng partner ang iyong kailangan. Makikita at matutunan mo din kung ano ang nagawa mong mali sa pagmamahal.

9. Baliwalain ang iyong dating kasintahan o “deadma”-Alam kong ayaw mong isipin ito, pero sa ngayon ay nasa punto ka ng pagkaguhom. Ang iniisip mo ay kailangan mo ang iyong dating kapareha, ngunit kahit ang pagtingin lamang sa iyong Ex ay ayaw mong gawin. Kaya kaysa maghanap ka ng paraan upang marinig at makita ito, subukan mong iwasan siya. Huwag silipin ang facebook pages, twitter account, o kahit i-google siya. Wala kahit ano, baliwalain mo siya. Sa mga unang araw o pangalawa ay mararamdaman mo ang pagiging malungkot. Ngunit sa paglipas ng mga linggo na pag-iwas dito, mararamdaman mo at mapagtanto mo na ang buhay ay tuloy lamang kahit sayo ay naghiwalay na.

10. Intindihin kung ano ang Pag-ibig- Ngayon na unang beses mo pa lamang sa isang relasyon, alam mo na kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hanggang sa unti-unti mo ng ma-gets ang sinasabing first love. Alam mo na rin kung ano ang maibibigay ng lubos na pagmamahal. Kung paano ka pahirapan ng sakit nito bago pa mawala. Kaya naman kailangan piliin mo mabuti ang iyong mamahalin.

11. Unti-unting pagkalimot- Lahat ng sakit ay naghihilom sa tamang panahon. Makakaramdam ka ng pag guho ng mundo. Pero magtiwala ka, lilipas lahat ng iyan. Ang sakit ay tatagal ng isa o dalawang linggo, pero kung gagawin mo lahat upang makalimot gamit ang mga nakasulat dito, ang sakit ay malalagpasan mo at magiging isa kang mabuting tao.

12. Ituon ang sarili sa Kasalukuyan - Isipin mo na lang kung ano ang nangyayari sayo ngayon. Isipin mo ang iyong mga kaibigan, trabaho, interes at kinahihiligan. Habang wala ka pang karelasyon sa ngayon, maraming bagay ang dapat mong pagka-abalahan. Sumali sa mga samahan, magboluntaryo kahit saan, magpa-member sa gym. Kahit anong bagay na pwedeng gawin sa kasalukuyan na makakatulong sayo. Ang mga bagong alaala ay makakatulong sayo upang makalimutan ang nakaraan. Pag-isipang mabuti kung ano ang gagawin. Ang paggawa ng alaala ay makakabuti upang makalimutan ang iyong dating minahal. Importante na sanayin ang sarili sa pagiging mahinahon sa nararamdaman at saloobin. Gayunpaman, ito ay magandang paraan ng pagsisiyasat sa mga bagay bagay na nakakagambala sa iyo at tulungan kang ituon ang iyong sarili sa iba.

13. Pag-aalaga sa sarili- Mahirap maging positibo, kung wala ka namang pakialam sa sarili. Mapagtatanto mong mahirap matulog, mag-ehersisyo o kumain pagkatapos ng paghihiwalay. Gayunpaman, kailangan mo pa rin gawin ang simpleng pag-aalaga sa iyong sarili. Ito ay magbibigay sa iyo ng tibay at makakatulong upang maiwasan ang mga negatibong isipin. Bigyan mo ng pabuya ang iyong sarili, lalo na sa pagkain at pagtulog. Huwag kang matakot gawin ang iyong gusto pagkatapos ng inyong hiwalayan. Lumabas kayo ng mga kaibigan mo sa gabi. Maglakad-lakad o mag-bike. Manuod ng palabas na gusto. Mag-shopping at pumunta sa bar.

14. Ibahin ang pananaw - Karamihan sa atin ay nagkaroon muna ng higit sa isang relasyon, bago mahanap ang talagang makakasama habang buhay. Halimbawa, isipin mo ang iyong mga magulang, kaibigan, o mga kamag-anak. Maging sila ay nakaranas ng unang pagkabigo sa pag-ibig. Ngunit bandang huli, sila ay nasa masaya at matibay na pakikipagrelasyon din.

15. Maging totoo sa sarili- Halimbawa, kung sa tingin mo ay hindi ka na ulit makakahanap ng pagmamahal, palitan ito at isiping “kung ako ay magsimulang makipag-date, handa na akong umibig nang muli, sapagkat ayokong mag-isa.” Ipaalala sa sarili na habang mahirap pa ang mga bagay sa ngayon, may posibilidad na magmahal kang muli at maging masaya kahit na matagal pa ito.

Parang fairytale ang unang pag-ibig, ngunit minsan hindi natin maiiwasan na may hindi pagkakaintindihan na maaaring humantong sa pipiliin niyo na lang na maghiwalay. Kapag kayo ay naghiwalay ng iyong first love, mararamdam mo siguro na parang dinurog ang puso mo sa milyun-milyong piraso, at wala kang pakialam sa lahat basta mawala lamang ang sakit. May mga bagay din na maguguluhan ka lalo na kung ikaw ay nagninilay-nilay sa iyong bagong pag-ibig at sa iyong dating pag-ibig.

Pero gaano man kasakit at kabigat ng paghihirap ng paghihiwalay ninyo, isipin mong hindi ka nag-iisa. Masakit man sa ngayon, lilipas din ang panahon na hihilom ang sugat at magiging masaya ka din sa takdang panahon. Kung gusto mong makalimutan ang iyong unang pag-ibig, huwag mong pilitin ang sarili na ibura sa isipan. Sa halip, hayaan mong kusang mawala ang pait at makikita mo rin na unti-unti mo na itong nabubura sa isip at puso.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)