Paano maging maayos ang pagsasama ng mag asawa as Long Distance Relationship?

Rosalyn Abao
is a Domestic Helper in Hong Kong

Ako ay isang OFW sa HongKong at ang asawa ko ay sa Pinas. Hindi ko na po alam ang gagawin ko lagi na lang po kami nag aaway everytime ng magkakausap kami online ng dahil sa anak namin na hindi nakikinig at tita ko po nagbabantay sa anak ko. Lagi ko po sinasabihan na pagsabihan ang anak namin bz daw po siya lagi sa bukirin at minsan nakakapagsalita ako ng di maganda sa kanya gawa na rin ng stress sa work. Mahal ko po ang asawa ko at gusto ko maayos kami kahit magkalayo kami. Salamat po sa advice

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines
Normal lamang na makakaramdam tayo ng stress dahil sa pagod sa trabaho lalo na kung ikaw ay malayo sa iyong pamilya. Mainam na kausapin mo ang iyong anak sa mahinahon na paraan dahil hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa galit. Maari mo siya lambingin gaya ng pagsabi ng "I Love You" o bigyan ng reward kung siya ay mabait.
Patungkol naman sa iyong asawa, bago ito kausapin, huminga ka muna ng malalim (inhale/exhale) upang mawala ang stress na nararamdaman. Hangga't maari ay pigilan ang init ng ulo, kalma lamang sa pakikipag-usap. Hindi biro sa inyo pareho na malayo sa isa't-isa, kaya iwasan ang laging pagtatalo sa tuwing kayo ay magkausap. Humingi ng sorry kung sa tingin mo ay nagkamali ka. Hindi mo man maparamdam ang iyong pagmamahal, mahalagang sabihin mo ito sa kanya kung gaano mo siya kamahal at kung gaano mo gusto maging ok ang inyong pamilya.
Sa tuwing pagtawag, sabay ninyong buoin ang pangarap. Hindi mo mamamalayan, masaya na kayo laging nag-uusap.
Sana ay magiging maayos at maging maligaya ang inyong pagsasama.
1 person likes this
Recommend Reply Report abuse