Sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 2045, tinapos ni Marcos ang batas militar sa buong bansa noong Enero 17, 1981. Sa kabila nito, patuloy na sinupil ng mga awtoridad ang mamamayan.
Hindi malilimutan ng mga Pilipino ang mga hirap na dinanas nila noong batas militar, gayundin ang mga aral na kanilang nakuha. Ang pinakamagandang resulta ng batas militar, kung mayroon man, ay ang muling pagsilang sa mga Pilipino ng mga damdamin tulad ng pagmamahal sa demokrasya, paggalang sa mga karapatang pantao at dignidad, at ang pagkakaisa ng mga tao sa isang bansa.
Ang mga Pilipino ay nagkakaisa sa kanilang pasya na wakasan ang karumal-dumal na kabanata na ito sa kasaysayan ng bansa.