Paano po kung ang gf ko ay kasal pa siya dati pero yung asawa niya dati ay may kinakasama ng iba?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

My name is carlo, 30 years old nakatira sa pangasinan, itago ko nalang po sa pangalang catrina ang kasintahan ko ngayun, at nakatira siya sa naga city,

medyo mahaba po itong storya, sana po mabasa nyo po

bali kwento ko po muna yung sa nakaraan ng kasintahan ko, bali 

siya ngayon ay 31 years old, at naikasal siya dati (pero hindi niya daw gusto at biglaan lang at nireto lang ng kanyang magulang)  ng 24 years old siya

nag karoon sila ng anak ni buboy(asawa niya dati na kasal) ng isa at ngayon ay 9 years old na kasalukuyang nag tatrabaho ang asawa niya (si buboy) doon sa bulacan habang ang si catrina kasitahan ko ngayon, ay nasa naga city.

tapos biglang nag loko etong si buboy (ayon sa kwento niya saakin)

nakahanap ng babae at nag karoon sila ng anak doon pero nakunan,

ngayon si catrina ang gf ko ay pinatawad di ko sure kung ilang taon bago niya binigyan ng second chance, then after that nung nabigyan siya ng second chance dahil kasal daw sila at para sa anak, nag loko ulit etong si buboy, nanakahanap ulit doon, ngayun ang ginawa ni catrina, nag hanap na ng iba din na makakasama (nag baka sakali) at ayun nabuntis si catrina na gf ko, pero hindi pinanagutan at ngayon ay 4 years old na na walang nakilalang tatay.

then dito na po kami nag kakilala sa online fb.  nung unang relationship namin ay  okay naman, then after 6 months na niya nasabi sakin na kasal daw siya sa una niya, natatakot daw po siya na baka daw iwan ko po kung malaman niya agad, pero dahil doon tinanggap ko pa rin kasi mahal ko na po siya, at tanggap ko din yung anak niyang dalawa,

sa ngayon nag tatrabaho po ako dito sa pangasinan bilang electrician. at ang gf ko ngayon ay nasa tiyahin niya sa Manila, nag bibigay akong sustento or tulong sa kanya every 15 days, then eto na po

dumating na yung time na nagkikita na kami at may nangyayare kapag pinapapunta po nila ako doon sa tiyahin niya sa Manila. sa ngayon mag 2 years na kami this may 25 2022, napakilala ko na din po siya sa magulang ko at napakilala na niya din po ako sa magulang niya wala po akong alam pa sa batas nag woworry lang po ako dahil sa kasal pa siya, kung ang balak ko po sana ay tulungan siya sa annulment . na baka sa kaling makasal ako sakanya, pero gipit pa

nag woworry ako na baka mag habol yung lalake na si buboy. kapag dumating yung time na iwanan siya ng kinakasamahan niya ngayon na babae. pero etong si buboy po ay nag papadala ng sustento sa anak niya buwan buwan pero hindi sapat dahil 500 pesos minsan minsan wala. nag papadala lang siya dahil binantaan siya ng tiyahin ng gf ko ngayun na kung hindi susustentuhan ay kakasuhan daw. 

ang sabi ko naman sa gf ko po ngayun na si catrina ay kung sakali na ma promote ako ay kahit ako nalang mag sustento para wala ng problema

 

ano po maipapayo nyo po saakin? 

sana po may makabasa po neto. maraming salamat po dito sa website po na eto malaking tulong po para makapag share po ng problem ko.

 


1 person likes this

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Komplikado talaga kapag kasal, kapag naghabol ang legal kawawa ang kinakasma!
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.