Ikukwento ko po kami po ay nakabili last year ng bahay sa pamamagitan ng deed of sale sa aming pagkakaalam ay walang titulo ang lugar na iyon.
Bumaba ang City Hall sa amin para kami ay isurvey dahil mabibigyan na raw ng titulo ang nasabing mga lupain. Ngayon may mga taong lumalapit sa amin at sinasabing may titulo sila ng nasabing lupa na tinitirikan ng aming bahay ngunit ayaw ibigay o ipakita ang mga nasabing dokumento.
Sila ay nagbigay ng mapa lamang kung saan nakalagay ang aming pangalan at sinasabing nasakop ng kalahati ng aming bahay ang kanilang lupa. Ang gusto nila mangyari ay magbayad kami ng 25% para sa lupa atsaka bibigyan kami ng kontrata ng walang ipinapakita na dokumento. Nais niya ring bayaran namin ang survey na nagkakahalaga ng 6680 kada tao, kami ay binubuo ng 13 na tao sa nasabing lupa na kanyang nasakop. Isa pa ang nagpunta lang sa amin ay hindi nakapangalan sa lupa ngunit taga lakad lamang daw at ipinamana sa kanya.
Noong nakaraang araw ay nagrequest ang may-ari ng lupa sa barangay. na kunin ang mga pangalan ng nagungupahan sa nasabing bahay na walang permiso saming may-ari ng bahay. kinasuhan namin ng trespassing ang mga pumasok sa aming bahay ngunit sinasabi ng nagkeclaim na may-ari ng lupa na may karapatan siyang magpapasok ng mga tao sa aming bahay kahit na walang paalam sa amin at sinabi niyang pang mayroon na kami lease to vacate na nabinbin sa korte ngunit hindi pa naman kami nagkakausap sa barangay o sa kahit ano pa mang pormal na usapin.
Nais lamang naming malaman kung tunay ito at ano dapat naming gawin o maaaring ikaso sa kanila