Pagkain na Di Nakakataba kahit naparami ng kain

Medical Team
is a Medical expert in United States

Masarap kumain, pero ayaw natin tumaba. Pero bakit ang ibang mga fashion models kain ng kain pero di tumataba? Ano ba sikreto nila?

Kahit nagdiye-diyeta ka, di mo naman kelangan gutumin sarili mo. Dahil merong mga pagkain na mababa sa calories, kaya’t kahit naparami ka ng kain, di ka basta tataba. Di lang yan, nakakabusog din ang mga pagkaing ito, kaya’t di ka palaging gutom.
 
Narito mga masarap na pagkaing mababa sa calories:
 
Popcorn – Imbes na kumain ng mga tsitsirya, mas mabuting kumain ng popcorn na naglalaman lamang ng mga 30 calories sa bawat tasa. Iwasan o bawasan lamang ang paglagay ng butter o mantika. Nakakabusog din sa pakiramdam ang popcorn.
 
Carrots – Kapag naghahanap ka ng merienda tulad ng tsitsirya, maaaring kumain ng carrots na malutong na, masustansya pa. Naglalaman lang ng 45 calories ang bawat tasa ng carrots.
 
Maaasim na prutas – ang mga citrus fruits o maaasim na prutas tulad ng oranges, calamansi at suha ay nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain at pagkontrol ng timbang. Ang isang tasa ng oranges ay naglalaman lamang ng mga 85 calories.
 
Papaya – Swerte ang pinoy, dahil sa mga maiiinit na lugar lang nabubuhay ang papaya. Ginagamit na bilang gamot sa sugat at impeksiyon ang papaya mula noong sinaunang panahon, ngunit napatunayan din ng mga doctor ngayon na nakakatulong panlaban sa sakit ang papaya, tulad ng sakit sa buto at prostate cancer. Naglalaman lamang ng 60 calories sa bawat tasa ng papaya.
 
 
Mansanas – May kasabihan na “An apple a day, keeps doctors away”. Ito’y dahil maraming nutrients ang mansanas, at mayaman din ito sa fiber. Mababa din sa calories ang apple, mga 50 calories bawat piraso.
 
Pakwan o melon – Nobenta porsiento ng pakwan ay tubig, at halos wala itong taba. Nakakatanggal din ng mga dumi ang mga melon. Naglalaman ng mga 60 calories ang isang tasa ng melon.
 
Asparagus – Di lang masustansya ang asparagus, kundi mabaaba ito sa calories. Naglalaman lang ng 30 calories ang isang tasa ng asparagus.
 
Celery – Madalas na ginagamit ang celery sa mga nag-diye-diyeta, dahil masarap at malutong ito na parang tsitsirya na nakakatanggal ng stress. Kahit na 90% ng laman nito ay tubig, mayaman sa nutrients ang celery o kintsay. Nakakatulong din sa pagtunaw ng pagkain ang celery.
 
Isda – Mayaman sa protina ang mga isda, na nakakabusog. Sa mga pagaaral ng eksperto, nakakabusog ng pakiramdam ang pagkain ng isda kumpara sa baka, kaya’t madalas kinakain ng mga nagdiye-diyeta ang mga isda. Mayaman din sa omega-3 fatty acids ang mga isda tulad ng tuna, sardinas at salmon.
 
Itlog – Di lang mababa sa calories ang itlog, kundi mayaman din sa protina, kaya’t madaling mabusog. Mayaman din sa omega-3 fatty acids ang mga isda tulad ng tuna, salmon at sardinas.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.