Pagkaing nakaka-boost ng Immune System: Pagkain na sumisipa at tumutulak sa resistensiya

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ang ating immune system ay tumutulong sa ating katawan upang lumaban sa mga sakit at impeksiyon. May mga pagkain na pag madalas nating kinakain ay maaaring makatulong palakasin ang ating immune system.
 
Halimbawa, maaaring makatulong ito na maiwasan magka-sipon, trangkaso, ubo o magka-impesiyon.
 
Narito mga pagkaing nakaka-boost o nakakalakas ng ating immune system:

Garlic – Di lang nakakatulong maiwasan ang sakit sa puso at cancer ang bawang, kundi kilala rin ito mula noong sinaunang panahon bilang panlaban sa impeksiyon. May sangkap din ito na pampalakas ng immune system, na nakakalaban sa mga sakit tulad ng ubo at sipon.
 
Papaya – May sangkap na papain ang papaya, na may anti-inflammatory effects o panlaban sa pamamaga. Mayaman din ito sa vitamin C na pampalakas ng immune system.
 
Calamansi – Maraming nakakaalam na nakakalakas ng reistensiya ang Vitamin C. At mayaman sa vitamin C ang mga citrus fruits tulad ng calamansi at oranges.
 
Red bell peppers – Di lang mga citrus fruits ang mayaman sa vitamin C. Ganoon din ang red bell peppers, na mahigit doble ang dami ng vitamin c kaysa sa mga citrus fruits kagaya ng calamansi. Mas mahal nga lang ito kaysa sa calamansi.
 
Yogurt – Mayroong good bacteria na pinapasigla ang ating immune system. Mayaman din sa Vitamin D ang yogurt na tumutulong na labanan mga sakit. Ngunit piliin ang plain yogurt at hindi yung flavored.
 
Ginger - May anti-inflammatory effects ang luya, na nakakabawas ng pamamaga. Halimbawa, mabisa ang luya sa pananakit ng lalamunan. Maaaring makabawas din ito ng pananakit ng katawan, tulad ng arthritis.
 
Turmeric – Nakakabawas ng pamamaga ang luyang dilaw. Halimbawa, nakakatulong ito sa paggamot sa arthritis at pinsala sa muscles.
 
Brocolli – Mayaman sa Vitamin A, C at E, at pati narin sa anti-oxidants ang broccoli. Kaya itinuturing ito isa sa pinakamasustansiyang gulay. Ngunit mahalaga na di masyadong lutuin o half cooked ito para di mawala ang sustansya. Pinakamainam daw ang pagpakulo o steam sa broccoli, para manatili ang sustansya nito.
 
Green tea – Mayaman sa antioxidants ang green tea na nakakadagdag sa pagandar ng immune system. Mayroon ding L-theanine ang green tea, na tumutulong labanan ang mga germs.
 
Spinach – Mayaman sa antioxidants at beta carotene ang spinach, na na pampalakas ng ating immune system. Katulad ng broccoli, mas mainam kung di half-cooked lang ang luto o di lata ang luto, para di mawala ang sustansya. Mayaman din ang spinach sa vitamin C at A.
 
Ganunpaman, mahalagang malaman na walang pagkain o supplement ang siguradong kayang makagamot o makaiwas sa sakit. Kaya’t mahalaga pa rin na magpatingin sa doctor kung may sakit o karamdaman.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.